Pinagsasama-sama ng Binomo ang mga mangangalakal mula sa 130 na bansa, kabilang na ang Pilipinas. Bawat isa sa kanila ay paminsan-minsang nangangailangan ng tulong: nakakalimutan ang account password, pagdedesisyong ikansela ang napaaktibong bonus, at iba pa. Ang pangangalaga sa customer ay isang priyoridad para sa Binomo. Tingnan natin kung paano mo maaring kontakin ang support team.
Binomo Online Chat
Ang Virtual Assistant ay isa sa pinakamabilis at pinakamaginhawang paraan upang matulungan ang mga customer ng Binomo. Bago sumulat sa support, itanong ang iyong mga katanungan sa chat. Sigurado kaming ito ay makakasagot sa karamihan sa mga sikat na tanong. Ang Virtual Assistant ay tutulong sa iyo upang iyong matutunan kung paano magdeposito at mag withdraw ng pondo mula sa plataporma o magpatunay ng iyong account, saan mag-download ng Binomo app, at marami pang iba.
Paano kontakin ang Virtual Assistant kapag ikaw ay mangangalakal:
- sa isang PC – mag log in sa iyong account at pindutin ang pulang buton ng mga tanong sa kaliwang sulok sa ibaba.
- sa pamamagitan ng Binomo app – mag log in sa iyong profile at pindutin ang Chat sa Help section.
Tandaan! Ikaw ay hindi maaaring magpadala ng personal na impormasyon o kahit anong dokumento sa pamamagitan ng chat.
Email address
Ang support team ay ang forte ng Binomo. Ito ay kinabibilangan ng mga may higit na karanasang espesyalista na agarang sumasagot sa mga pumapasok na mga katanungan. Gayunpaman, alalahanin na ang mga aplikasyon ay pinuproseso ayon sa priyoridad (mga VIP na kliyente muna, pagkatapos ay ang iba pa).
Ang mga kustomer mula sa India o ibang bansa kung saan ang Binomo ay pinapatakbo ay maaaring makipag-ugnayan ng direkta sa suporta. Ipadala lamang ang email sa support@binomo.com at maghintay ng sagot.
Kontakin ang Binomo sa pamamagitan ng social networks
Bilang karagdagan sa nasa itaas, ang isa pang paraan upang kontakin ang Binomo support team ay sa pamamagitan ng mga social networks:
Gamitin ang mga ito upang malaman ang mga pinakabagong balita ukol sa Binomo o makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng kumpanya.
Suporta sa App Store
Kung ikaw ay gumagamit ng Apple na aparato upang mangalakal sa plataporma, maaari kang makipag-ugnayan sa Binomo support sa App Store. Ngunit ang pinakamaaasahan at pinakamabilis na paraan ay ang makipag-ugnayan sa opisyal na email.
Suporta sa Google Play Store
Kontakin ang Binomo support sa Google Play kung ikaw ay gumagamit ng Android na aparato. Gaya ng sa kaso ng App Store, ang mga pinakaimportanteng tanong ay pinakamabuting ipinapadala sa opisyal na email.
Binomo Help Center
Ang Binomo ay nagbibigay ng access sa Help Center, na naglalaman ng mga sagot sa mga madalas na mga katanungan mula sa mga mangangalakal. Ito ay dinisenyo upang tulungan ang mga baguhan na maging kumportable sa plataporma at matuto nang mga pangunahing kaalaman sa pangangalakal.
Helpline number
Ang Binomo ay pag-aari ng Dolphin Corp LLC, isang rehistradong kumpanya na may head office sa St. Vincent and the Grenadines. Ito ay sumusunod sa mga batas sa bansang ito.
Ang Binomo website ay naglalaman ng mga detalye at address ng kumpanya: First St. Vincent Bank Ltd Building, James Street, Kingstown, St.Vincent and the Grenadines.
Tandaan! Helpline Phone No: +18499366003.
Binomo blog
Ang Binomo ay mayroon ding opisyal na blog kung saan maaari kang matuto tungkol sa plataporma at pangkalahatang pangangalakal. Ang mga impormasyong ibinibigay ay makakatulong na maintindihan mo ang mga bahagyang pagkakaiba sa pangangalakal sa plataporma. Muli nitong binibigyang-diin ang pangangalaga ng Binomo sa kanyang mga kustomer.
Ang pinakamabilis na paraan upang kontakin ang Binomo
Ang pinakamabilis na sagot sa mga popular na tanong tungkol sa trabaho ng Binomo ay makukuha mula sa online chat o Help Center. Kung ang iyong isyu ay hindi naresolba, kailangan mong mag-email sa support@binomo.com. Tutulungan ka ng isang espesyalista mula sa support team na maresolba ito sa lalong madaling panahon.












