Magdeposito at mag-withdraw ng mga pondo sa Binomo sa India

binomo deposit india Tutoryal

Kung ikaw ay isa nang mangangalakal ng Binomo, malalaman mo na ito ay nag-aalok ng iba’t-ibang paraan ng pagdeposito at pag-withdraw, mula sa mga bank card, e-wallet, at internet banking. Tingnan natin sa rebyung ito kung anong mga opsyon ng pagdeposito at pag-withdraw ang iniaalok ng plataporma sa mga Indian users.

Mga bank card

Kung ikaw ay Mastercard bank card account holder sa India, ang pagdeposito sa Binomo ay madali. Sundin lamang ang mga tagubilin sa ibaba, at ikaw ay makakapagdeposito na sa iyong Binomo account sa lalong madaling panahon.

Pagdeposito sa Binomo gamit ang Mastercard / Maestro

Kung ikaw ay Mastercard / Maestro bank card holder, narito ang mga hakbang upang makagawa ng matagumpay na deposito sa iyong Binomo trading account:

  1. Ilunsad ang Binomo app sa iyong device.
  2. Hanapin ang buton na “Deposit” at tapikin ito.
    binomo deposit mastercard1
  3. Piliin ang iyong bansa.
  4. Piliin ang Mastercard / Maestro bilang iyong paraan sa pagbabayad.
    binomo deposit mastercard2
  5. Ipasok ang halaga na nais mong ideposito kasama ang iyong numero ng telepono.
    binomo deposit mastercard3
  6. Tapikin ang “Deposit” na buton.
  7. Ilagay ang mga detalye ng iyong Mastercard / Maestro gaya ng hinihiling. Maaaring kabilang dito ang numero ng iyong card, iyong pangalan sa card, petsa ng pagkawalang-bisa, at CSC.
  8. Pindutin ang “Pay” na buton. Dadalhin ka nito sa pahina ng iyong banko kung saan hihilingin sa iyo na patunayan ang iyong transaksyon.
    binomo deposit mastercard4
  9. Ipasok ang OTP na pinadala sa numero ng iyong telepono.
    binomo deposit mastercard5
  10. Pindutin ang “Submit”.

Ikaw ay makakatanggap ng isang system-generated na mensahe na ang iyong pagbabayad ay kumpleto na. Maaari ka nang magpatuloy sa pangangalakal pagkatapos mong ipadala ang iyong deposito.

Pag-withdraw sa Binomo gamit ang Mastercard / Maestro

Kadalasan, ang mga gumagamit ng Binomo ay makakapag-withdraw ng mga pondo sa bank card o e-wallet kung saan sila nagdeposito. Gayunpaman, sa ngayon, ang mga mangangalakal mula sa India ay hindi makakapag-withdraw ng mga pondo mula sa Binomo patungo sa isang bank card.

Internet banking

Nauunawaan ng Binomo na mas maraming tao na ang ngayo’y gumagamit ng Internet para sa kanilang iba’t-ibang mga pinansyal na transaksyon. Upang mas mapagsilbihan ang kanilang mga patron na gustong magkaroon ng mas malawak at mas madaling opsyon para sa mga deposito at withdrawal, ang Binomo ay nag-aalok din ng Internet banking na kakayahan sa plataporma. Kung isa ka sa mga gustong gumamit ng Internet banking bilang kanilang pangunahing paraan sa pag-withdraw at pagdeposito, nasa ibaba ang mga hakbang para sa matagumpay na proseso ng pagdeposito at pag-withdraw.

Paano magdeposito sa Binomo sa pamamagitan ng Internet banking?

Para sa pagdedeposito sa iyong Binomo account gamit ang Internet banking, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Ilunsad ang Binomo sa iyong PC o sa app sa iyong mobile device.
  2. Hanapin ang “Deposit”/ “Balance” na buton at pindutin ito.
    binomo deposit internet banking1
  3. Piliin ang iyong gustong paraan sa pagbabayad – Internet banking. Para dito, siguraduhing ikaw ay nasa “Deposit funds” tab.
    binomo deposit internet banking2
  4. Piliin ang iyong bansa (India) at isa sa mga available na paraan ng pagdedeposito: NetBanking, UPI, Bank Transfer, HDFC Bank, IDFC First Bank, o IndusInd Bank.

Sunod, tingnan natin kung paano magdeposito sa Binomo sa pamamagitan ng pinakapopular na option, NetBanking:

  1. Ipasok ang mga detalye ng iyong deposito, kasama na ang halaga ng deposito, banko ng account, at numero ng mobile.
  2. Pindutin ang “Deposit” na buton. Dadalhin ka nito sa login page ng iyong banko.
  3. Mag-login sa iyong Internet banking account.
    binomo deposit internet banking3
  4. Maghintay na ipadala sa numero ng iyong mobile ang OTP, at pag natanggap na, ipasok ang mga numero sa login page ng iyong banko gaya ng hinihiling.
    binomo deposit internet banking4
  5. Rebyuhin ang mga detalye at siguraduhing lahat sila ay tama.
  6. Pindutin ang “Pay” na buton.
    binomo deposit internet banking5
  7. Kung ang iyong transaksyon ay matagumpay, ikaw ay makakatanggap ng system-generated na mensahe na ang iyong pagbabayad ay matagumpay.

Pagkatapos ng mga transaksyon sa pagdeposito, ikaw ay laging maaaring bumalik sa Binomo at magpatuloy sa iyong mga aktibidad sa pangangalakal.

Paano mag-withdraw ng pera mula sa Binomo sa pamamagitan ng Internet banking?

Para sa hakbang-hakbang na proseso sa pag-withdraw mula sa iyong Binomo account, basahin sa ibaba:

  1. Buksan ang iyong Binomo account.
  2. Hanapin ang seksyong “Cashier” gamit ang web na bersyon ng plataporma. Kung ikaw ay gumagamit ng mobile app, sa kabilang banda, piliin ang “Balance” sa menu.
  3. Pindutin ang “Withdraw funds” na tab.
  4. Ipasok ang mga detalye ng iyong kahilingan sa pag-withdraw: ang halaga na nais mong i-withdraw mula sa iyong account, iyong rehiyon o bansa, pangalan ng banko, at paraan ng pag-withdraw.
  5. Pindutin ang “Request withdrawal” na buton.

Ikaw ay makakatanggap ng system-generated na mensahe na ang iyong kahilingan ay nakabinbin. Maaari kang bumalik sa pangunahing pahina at magpatuloy sa pangangalakal habang naghihintay na lumabas ang mga pondo sa iyong internet bank account.

Pagsubaybay sa status ng iyong withdrawal

transaction history binomo
Habang naghihintay na ma-update ang iyong withdrawal, maaari mong subaybayan ang status nito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:

  1. Magpunta sa seksyong “Cashier”.
  2. Pindutin ang “Transaction history” kung ikaw ay gumagamit ng desktop o web na bersyon o ang “Balance” tab kung ikaw ay gumagamit ng Binomo app. Doon, ikaw ay makakakita ng listahan ng mga transaksyon na iyong nagawa. Makikita mo rin ang status ng withdrawal na iyong ginawa kamakailan.

Kung lumipas ang sapat na oras at wala pa ring na-withdraw na pondo ang pumasok sa iyong account, maaari kang kumontak sa Binomo customer service sa pamamagitan ng chat sa opisyal na website o mag-email sa support@binomo.com. Ito ay makakatulong na mahanap mo ang problema at makahanap ng solusyon upang mapabilis ang tagumpay ng iyong transaksyon.

Mga e-wallet

Ang Binomo ay sumusuporta at nagpapahintulot ng mga deposito at pag-withdraw gamit ang mga sumusunod na e-wallet:

  • Jeton Wallet;
  • PayTm;
  • Binance Pay;
  • Phone Pe by UPI.

Sa ibaba ay ang mga hakbang kung paano magdeposito mula sa bawat e-wallet.

Jeton Wallet

  1. Tapikin ang “Deposit” na buton sa itaas na kanang sulok ng iyong dashboard.
    binomo deposit jeton1
  2. Piliin ang iyong bansa (India).
  3. Piliin ang Jeton Wallet bilang iyong paraan sa pagbabayad.
    binomo deposit jeton2
  4. Ipasok ang halaga na nais mong ideposito o pindutin ang halaga na iyong napili.
    binomo deposit jeton3
  5. Pindutin ang “Deposit”. Dadalhin ka nito sa iyong Jeton Wallet account login page.
  6. Mag-login sa Jeton Wallet. Ikaw ay maaaring mag-log in gamit ang iyong mga detalye sa pag-access, gaya ng iyong User ID, email, at password, o pwede mong i-scan ang isang QR code upang ma-access ang kanilang system.
    binomo deposit jeton4
  7. Pumili ng currency.
  8. I-click ang “Pay with wallet” na buton.
  9. Isang “Payment successful” na mensahe ang lalabas sa iyong screen kung ang iyong pagdeposito ay matagumpay.

Upang tingnan ang status ng iyong transaksyon sa pagdeposito sa Jeton Wallet, buksan ang “Transaction history”.

PayTm

  1. Tapikin ang “Deposit” na buton sa itaas na kanang sulok ng iyong dashboard.
    binomo deposit paytm1
  2. Piliin ang iyong bansa at piliin ang PayTM bilang iyong paraan sa pagbabayad.
    binomo deposit paytm2
  3. Ipasok ang halaga na nais mong ideposito, kasama ng ilang mga detalye gaya ng iyong numero ng mobile at iyong pangalan at apelyido.
  4. Pindutin ang “Deposit”.
    binomo deposit paytm3
  5. Sa susunod na pahina, piliin ang PayTm sa mga pagpipilian.
    binomo deposit paytm4
  6. I-click ang “Pay”.
  7. I-scan ang QR code na lumalabas gamit ang iyong PayTm application.
    binomo deposit paytm5
  8. Sa mga pagpipilian, piliin ang PayTm balance.
  9. I-click ang “Pay”.
    binomo deposit paytm6
  10. Ikaw ay makakatanggap ng isang mensahe ng pagkumpirma ng iyong bayad.

Kung nais mong subaybayan ang status ng iyong PayTm na deposito, pindutin lamang ang “Transaction history” tab.

Binance Pay

  1. I-click ang “Deposit” na buton sa itaas na kanang sulok ng iyong dashboard.
    binomo deposit binance pay1
  2. Piliin ang iyong bansa (India) at piliin ang Binance Pay bilang iyong paraan sa pagbabayad.
    binomo deposit binance pay2
  3. I-click o ipasok ang halaga na nais mong ideposito sa iyong Binomo account.
    binomo deposit binance pay3
  4. Pindutin ang “Deposit” na buton.
  5. I-scan ang QR code gamit ang Binance app o mag-log in at magbayad.
    binomo deposit binance pay4

Ikaw ay makakatanggap ng mensahe na “Payment was successful” kung ang iyong deposito ay nakredito sa account.

Phone Pe by UPI

  1. I-click ang “Deposit” na buton at piliin ang India sa “Country”.
    binomo deposit phone pe1
  2. Piliin ang Phone Pe bilang iyong paraan sa pagbabayad.
    binomo deposit phone pe2
  3. Ipasok ang halaga na nais mong ideposito sa iyong Binomo account, kasama ang iyong pangalan at apelyido.
    binomo deposit phone pe3
  4. Pindutin ang “Deposit” na buton. Dadalhin ka nito sa Phone Pe payment page.
  5. Ilagay ang iyong narehistrong numero upang mag-log in sa Phone Pe account at i-click ang “Send OTP to Login”.
    binomo deposit phone pe4
  6. Piliin kung paano mo gustong kumpletuhin ang pagbabayad. Maaari mong piliing gamitin ang iyong Phone Pe wallet balance, iyong bank card, o sa pamamagitan ng UPI.
    binomo deposit phone pe5
  7. I-click ang “Pay” na buton. Dadalhin ka nito sa pahina ng iyong banko.
    binomo deposit phone pe6
  8. Ipasok ang OTP na pinadala sa iyong narehistrong numero ng mobile at i-click ang “Submit” upang kumpletuhin ang pagbabayad. Maaari mo ring piliin na kumpletuhin ang pagbabayad sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code sa Phone Pe app. Kung pinili mong gamitin ang UPI, ikaw ay makakatanggap ng kahilingan sa pagbabayad sa iyong UPI app.

Pagkatapos kumpletuhin ang pagbabayad, ikaw ay i-redirect pabalik sa plataporma ng Binomo.

Problema sa pagdeposito at pag-withdraw sa Binomo

Walang plataporma o payment provider ang walang mga problema kapag gumagawa ng mga transaksyon. Isaalang-alang natin ang pinakamadalas na nakikita sa plataporma.

Problema sa pagdeposito ng mga pondo

Kung pakiramdam mo ay mahigit 24 oras na mula nang ikaw ay gumawa ng deposito at wala pa ring natatanggap na update, huwag mag-atubiling kumontak sa Binomo customer support sa pamamagitan ng live chat sa opisyal na website o mag-email sa support@binomo.com.

Isyu sa panahon ng pag-apruba

Kapag pinadala mo ang iyong kahilingan sa pag-withdraw sa Binomo, ito ay binibigyan ng status na “Approved” o “Pending”. Nagsisikap ang Binomo na maaprubahan ang lahat ng mga kahilingan sa lalong madaling panahon.

Ang tagal ng proseso ng pag-withdraw ay lubos na nakadepende sa iying status, at maaari mo itong subaybayan sa pamamagitan ng pagpunta sa “Transaction History” na seksyon. Sa ibaba ay ang hakbang-hakbang na gabay kung paano subaybayan ang status ng iyong pag-withdraw.

Para sa mga web users:

  • Pindutin ang “Profile” icon, na matatagpuan sa itaas na kanang sulok ng screen.
  • Piliin ang “Cashier” tab mula sa menu.
  • Pindutin ang “Transaction History”.
  • Pindutin ang iyong withdrawal. Dito ay makikita mo kung gaano katagal mo aasahan na maaprubahan ang iyong kahilingan sa pag-withdraw.

Para sa mga mobile app users:

  • Pindutin ang kaliwang bahagi na menu.
  • I-click ang seksyong “Balance”.

Kung masyadong matagal bago naaprubahan ang iyong kahilingan, mangyaring kontakin ang Binomo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:

  • Para sa mga web users: Pindutin ang “Waiting more than N days?”.
  • Para sa mga mobile app users: Pindutin ang “Contact support”.

Susubukan ng Binomo na ayusin ang problema at tulungan kang mapabilis ang proseso.

Isyu sa panahon ng pagproseso

Pagkatapos maaprubahan ang transaksyon ng iyong pag-withdraw, ililipat ng Binomo ang iyong bayad sa iyong napiling payment provider para sa karagdagang pagpuproseso. Sa yugtong ito, ang iyong kahilingan ay bibigyan ng status na “Processing” o “Approved”.

Ang iba’t-ibang mga payment provider ay may sariling mga panahon sa pagproseso. Ang iba ay maaaring magproseso ng iyong kahilingan nang mas mabilis, habang ang iba ay maaaring magproseso ng mas matagal. Upang malaman kung gaano katagal para sa iyong payment provider ang pagproseso ng iyong withdrawal, pumunta sa “Transaction history”. Doon, makikita mo ang average na oras at ang maximum na oras ng pagproseso ng transaksyon.

Kung ang iyong kahilingan sa pag-withdraw ay masyadong matagal bago makredito sa iyong account, pindutin ang “Waiting for N days?” o ang “Contact support” na buton (para sa mga app users). Susubaybayan ng Binomo ang iyong withdrawal at tutulungan kang makuha ang iyong mga pondo sa lalong madaling panahon.

Karaniwang tumatagal ng isa hanggang tatlong araw ang mga payment provider upang iproseso ang mga kahilingan sa pag-withdraw. Sa ilang bihirang pagkakataon, maaaring umabot ng 7 araw upang ang iyong pondo ay makredito sa iyong account. Kadalasan, ang pagkaantala ay sanhi ng mga pista opisyal. Ang withdrawal policy ng provider ay maaari ring maging sanhi.

Sa makabuluhang bilang ng mga payment provider na sinusuportahan ng Binomo, hindi mo na kailangang magtaka kung paano magdeposito o mag-withdraw ng pera sa INR. Pumili lamang mula sa iba’t-ibang payment providers na mayroon sila, at ikaw ay madaling makadaan sa proseso ng pagdeposito at pag-withdraw.

Mga Madalas Itanong

binomo faq
Sa ibaba ay susuriin namin ang mga pangunahing tanong na itinatanong ng mga gumagamit kapag sila ay may problema sa pagdeposito o sa pag-withdraw.

Ano ang minimum na halaga ng deposito ng Binomo sa India?

Ang minimum na deposito sa Binomo ay $10 o 400 INR upang makalipat sa isang tunay na account at mag-umpisa ng iyong paglalakbay sa pangangalakal.

Nag-aalok din ang Binomo ng libreng deposito ng birtwal na mga pondo sa isang demo account. Ito ay dinisenyo upang ikaw ay maging pamilyar sa plataporma ng Binomo at maintindihan kung paano mangalakal.

Ano ang minimum na halaga ng pag-withdraw mula sa Binomo sa India?

Ang minimum na halaga ng pag-withdraw mula sa Binomo ay $10 o ang katumbas sa INR. Ikaw ay maaari lamang mag-withdraw ng mga pondo sa account o e-wallet kung saan ikaw ay nagdeposito.

Binomo withdrawal at iba pang mga limitasyon

Ang iba pang mga limitasyon ay nagbago rin para sa mga mangangalakal sa India:

  • Ang minimum/maximum na deposito ay 400 INR at 800,000 INR, ayon sa pagkakabanggit.
  • Ang minimum/maximum na kalakalan ay 80 INR at 80,000 INR, ayon sa pagkakabanggit.
  • Ang Gold status ay mabubuksan kapag ang kabuuang halaga ng mga deposito ay umabot sa 40,000 INR, at ang VIP status ay mula 80,000 INR.

Ang Binomo ay nagtakda rin ng mga limitasyon sa pag-withdraw na maaaring gawin ng mga mangangalakal sa isang araw, linggo, o buwan. Para sa lahat ng mga mangangalakal, ito ay ang mga sumusunod:

  • Bawat araw: hindi hihigit sa $3,000 o ang katumbas sa $3,000.
  • Bawat linggo: hindi hihigit sa $10,000 o ang katumbas sa $10,000.
  • Bawat buwan: hindi hihigit sa $40,000 o ang katumbas sa $40,000.

Ang mga limitasyong ito ay maaaring mag-iba-iba ng kaunti depende sa payment service provider na iyong napili.

Paano subaybayan ang status ng iyong withdrawal?

Habang naghihintay, maaari mong subaybayan ang status ng iyong kahilingan sa pag-withdraw sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga sumusunod na hakbang:

  1. Silipin ang seksyong “Cashier” sa web na plataporma o ang seksyong “Balance” sa app.
  2. Tapikin ang “Transaction history” tab.

Doon ay makikita mo ang isang listahan ng lahat ng mga transaksyon na iyong nagawa. Makikita mo rin ang status ng withdrawal na iyong ginawa kamakailan.

Ano ang gagawin kapag may mga problema sa mga withdrawal?

Kung lumipas na ang sapat na oras at ang mga na-withdraw na pondo ay hindi pa rin nakikita sa iyong account, maaari mong kontakin ang suporta ng Binomo sa pamamagitan ng live chat sa kanilang opisyal na website o mag-email sa support@binomo.com. Magtago ng kopya ng mga detalye ng iyong pag-withdraw upang ikaw ay makapagbigay ng pruweba ng iyong transaksyon sakaling may problema. Ang kuponan ng suporta ng Binomo ay tutulong sa iyo na maresolba ang lahat nang mabilisan.

Gaano katagal ang aabutin bago makapag-withdraw ng pera mula sa Binomo?

Tandaan na ang oras ng pag-withdraw ay kadalasang umaabot ng ilang oras hanggang tatlong araw. Maaari itong abutin ng pitong araw, depende sa status ng iyong Binomo account at ng patakaran sa pagwithdraw ng iyong payment provider.

Ang mga pinahabang oras ng pag-withdraw ay maaaring nakakabigo, ngunit kailangan mong maunawaan na may mga partikular na prosesong sinusunod. Sa Binomo, ang iyong kahilingan sa pag-withdraw ay dumadaan sa tatlong yugto, katulad ng:

  • Inaaprubahan ng Binomo ang iyong kahilingan sa pag-withdraw at ipinapasa ito sa iyong napiling payment service provider.
  • Ang sistema ng pagbabayad ay pinuproseso ang iyong kahilingan.
  • Ang mga pondo ay kinikredito sa iyong account.

Bilang karagdagan, ang mga kondisyon sa pag-withdraw sa Binomo ay maaaring naiiba minsan sa itinakda ng mga banko at mga sistema ng pagbabayad. Kung ikaw ay may VIP na account, ikaw ay unang pagsisilbihan, at ang oras ng pag-withdraw ay aabot ng 4 na oras. Kung ikaw ay may Gold account, ito ay aabot ng 24 oras, at kung ikaw ay may Standard na account, ito ay hanggang 3 araw.

Konklusyon

Gaya ng iyong nakikita, ang mga mangangalakal sa India ay nakakapagdeposito ng mga pondo sa Binomo gamit ang iba’t-ibang mga paraan ng pagbabayad. Ngunit ang pinakapopular ay ang mga electronic wallet pa rin. Ang pag-withdraw ng mga pondo ay madali lang din. Ang bagay lang na dapat tandaan ay ang cash withdrawal ay imposible dahil ang mga ito ay mga online na transaksyon.

Gayundin, huwag mag-alala tungkol sa kaligtasan ng paglipat dahil ang Binomo ay nakikipagtulungan lamang sa mga maaasahan at pinagkakatiwalaang mga payment provider. At tandaan na ang iyong kita ay nagdedepende sa kung gaano ka kahusay sa pag-invest ng iyong mga pondo sa isang kalakalan at kung gaano katama ang iyong hula. Upang mas mapabuti ang iyong mga kakayahan sa pangangalakal, kilalanin ang plataporma ng maigi gamit ang isang demo account, at saka gumawa ng isang deposito.

Rate article
Binomo traders club