Ang paggawa ng deposito ay ang tanging paraan upang makapangalakal sa isang tunay na Binomo account. Sa rebyung ito, titingnan natin ang iba’t-ibang paraan ng pagdeposito na available sa Mexico at kung paano mag-withdraw ng pera kung sakaling magkaroon ng mahusay na kalakalan.
Mga bank card
Ang pinakakaraniwang ginagamit na bank card para sa mga deposito at withdrawal ay ang VISA at Mastercard, kasama na ang Mexico.
Tandaan! Ang minimum na halaga ng deposito na pinapahintulutan ng Binomo ay $10/€10 o ang katumbas ng $10 sa MXN. Gayunpaman, ito ay maaaring mabawasan sa mga partikular na bansa o bilang parte ng mga promosyon.
Magdeposito sa pamamagitan ng mga bank card
Kapag inaabangan mo kung paano magdeposito ng pera sa Binomo gamit ang iyong bank card, siguraduhing basahin muna nang mabuti ang Client Agreement. Maging pamilyar ka sa mga minimum na kinakailangan sa pagdeposito at sa lahat ng mga opsyon na available upang magawa ito sa Binomo.
Hindi mahalaga kung gumagamit ka man ng VISA o Mastercard, gamit ang iminungkahing paraan sa ibaba para sa pagdeposito sa Binomo, magagawa mo ang iyong transaksyon sa lalong madaling panahon:
- Sa iyong Binomo account, makikita mo ang buton na “Deposit” sa sulok sa itaas na kanang bahagi; pindutin ito.
- Kailangan mong piliin ang rehiyon mula sa menu na “Country” na inaalok dito.
- Ngayon, piliin ang card na iyong ginagamit, Visa o Mastercard.
- Pagkatapos piliin ang card, ipasok ang halaga ng deposito.
- Kakailanganin mong idagdag ang lahat ng mga detalye sa card, at pagkatapos, i-click ang “Pay” na buton.
- Ikaw ay makakatanggap ng confirmation code na kakailanganin para sa pagproseso ng bayad.
- Kapag natapos na ang iyong transaksyon, ikaw ay i-redirect sa pahina na may hawak ng lahat ng impormasyon tungkol sa iyong transaksyon.
Ang proseso ng pagdeposito ng pera sa Binomo ay makatwirang diretso at kadalasan ay napakabilis; gayunpaman, sa mga partikular na bansa, ang oras ay maaaring mag-iba. Maaari mong i-tsek palagi sa customer support ng Binomo ang tungkol sa agwat ng oras ng iyong operator.
Internet Banking
Ang Internet banking ay maaari ring ikonsidera bilang karagdagan sa paggamit ng mga card kung nais mong magdeposito o mag-withdraw ng pera sa Binomo.
Apat na opsyon sa pagdeposito at pag-withdraw ang available para sa Mexico sa pamamagitan ng Internet banking: SPEI, HSBC, Banorte, at SafetyPay.
Upang malaman nang higit pa ang tungkol sa kung paano mag-withdraw ng pera sa Binomo at maging pamilyar sa lahat ng mga paraan sa pag-withdraw, mga limitasyon, at mga kondisyon, mangyaring basahin ang Client Agreement.
SPEI at HSBC
Kapag naghanap ng solusyon sa kung paano magdeposito o mag-withdraw sa Binomo nang walang problema sa pamamagitan ng Internet banking, ikaw ay makakatagpo ng maraming opsyon, at dalawa sa mga kilala ay ang pagpili ng SPEI at HSBC.
Sundin ang mga hakbang sa ibaba upang matuto kung paano magdeposito ng mga pondo sa Binomo gamit ang mga sumusunod na mga paraan:
- Ikaw ay magkakaroon ng buton na “Deposit” sa itaas na kanang sulok ng iyong account; pindutin ito.
- Sa susunod na bintana, ikaw ay makakatagpo ng maraming opsyon, kung saan maaari mong piliin ang SPEI o HSBC, alinman ang iyong gustong paraan.
- Sa sunod na pahina, kailangan mong idagdag ang halaga na nais mong ideposito.
- Isang panibagong bintana ang lalabas na hihiling sa iyo ng iyong pangalan, apelyido, at uri ng dokumento; pagkatapos idagdag ito piliin ang Send.
- Ang mga detalye ng iyong pagbabayad ay lalabas, at maaari mo nang ilipat ang deposito sa bank account ng nagbabayad sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga detalye; ganito makukumpleto ang iyong pagdeposito.
Sundin ang mga hakbang na ito upang i-claim ang iyong cash alinsunod sa patakaran ng pag-withdraw ng Binomo:
- Sa iyong account profile picture, makikita mo ang “Cashier” tab sa dropdown menu; piliin iyon.
- Piliin ang “Withdraw funds” na opsyon sa susunod na tab at tukuyin ang iyong paraan ng pagbabayad bilang SPEI o HSBC.
- Kung ikaw ay gumagamit ng Binomo app para sa pag-withdraw, maaari mong piliin ang “Balance” tab sa kaliwang bahagi at ang “Withdrawal” na opsyon.
- Kakailanganin mong idagdag ang halaga para sa withdrawal at ang mga detalye ng iyong SPEI at HSBC account; siguraduhing punan iyon.
- Kapag naidagdag na ang mga detalye, maaari ka nang mag-withdraw ng mga pondo.
Tandaan! Ang minimum na halaga ng pag-withdraw na pinahihintulutan ng Binomo ay $10/€10 o ang katumbas ng $10 sa MXN.
Mga e-wallet
Maaari ka ring mag-withdraw at magdeposito ng iyong mga pondo gamit ang mga e-wallet na ito: Advcash, Jeton Wallet, at Binance Pay.
Ang proseso ay simple lang; gaya ng mga paraan sa itaas, kailangan mong pumili ng isang deposito kung nais mong magdeposito ng mga pondo at piliin ang uri ng e-wallet na nais mong gamitin, idagdag ang mga detalye at halaga, at ito ay tapos na.
Katulad nito, pagdating sa pag-withdraw mula sa Binomo gamit ang mga e-wallet, gamitin ang opsyon na “Cashier”, piliin ang “Withdraw funds”, piliin ang halaga at uri ng e-wallet na nais mong gamitin, idagdag ang mga detalye, at ito ay tapos na.
Tandaan! Maaari mo lang gamitin ang e-wallet sa pag-withdraw ng mga pondo na ginamit para sa depositong pera sa Binomo sa simula.
Gayundin, depende sa iyong e-wallet, maaaring tumagal ng ilang oras ang withdrawal time upang makuha ang mga pondo sa iyong wallet mula sa Binomo.
Maaari mong i-tsek palagi ang status ng withdrawal mula sa “Cashier” tab. Ang status na ito ay magsisilbing withdrawal proof hanggang ito ay ma-clear.
Konklusyon
Ang lahat ng mga ibinahaging paraan ng pagdeposito sa itaas ay applicable sa Mexico, at palagi kang makakatiyak na makukuha mo ng komportable ang iyong Binomo account. Sa kabila ng mga kondisyong ito, laging tandaan na ang pangangalakal ay mapanganib. Nirerekomenda na matuto at magsanay sa Binomo demo account na may libreng dinepositong birtwal na $10,000 sa balanse. Magsanay at pagkatapos ay lumipat sa pangangalakal gamit ang tunay na mga pondo.