Ang pangangalakal ay palaging isang mapanganib na proseso na maaaring hahantong sa pagkawala ng mga pondo dahil sa isang maling hula. Isasaalang-alang ng artikulo kung ano pang ibang mga rason ang nakakaapekto pa rin sa mababang resulta.
Walang estratehiya
Ang isang mahusay na estratehiya ay mahalaga sa pangangalakal. Otomatiko itong naglalabas ng tanong kung ano ang makakatulong sa iyo na gumawa ng isang taktika na maaaring tawaging mahusay. Ang pinaka-epektibong pamamaraan ay isang pagsasama-sama ng isang tinukoy na oras sa pangangalakal, mga tip sa pamamahala ng iyong capital, at isang napakamakapangyarihang pamamaraan.
Kung nakikita mo ang iyong sarili na laging nalulugi, mayroong malaking tsansa na ang iyong estratehiya ay nangangailangan ng mas maraming trabaho kaysa sa iyong naisip. Ito ay maaari ring mangyari kapag ikaw ay wala ni isa sa umpisa. Ang estratehiya ng pangangalakal na iyong nilikha ay dapat nakakabawas ng iyong pagkalugi.
Samakatuwid, mahalagang bigyang pansin ang mga detalye. Ito ay maaaring ilapat sa mga partikular na oras ng pangangalakal, mga instrumento, o mga panuntunan sa pamamahala ng pera. Bawat elemento ng iyong estratehiya ay dapat maingat na nakaplano.
Kapag naunawaan mo na ito, ikaw ay makakalikha ng isang estratehiya na makatulong sa iyo na gumawa ng tamang mga hula. Gayunpaman, kung ikaw ay umaasang mangalakal nang walang estratehiya, ang iyong pangangalakal ay mabilisang makakaubos ng iyong puhunan.
Tandaan! Ikaw ay maaaring mag-aral ng mga estratehiya sa isang espesyal na seksyon sa Binomo at subukan ang mga ito sa isang demo account nang hindi inilalagay sa panganib ang iyong deposito.
Walang kontrol sa mga emosyon
Habang nangangalakal, ang mga emosyon gaya ng pagkatakot ay madalas lumalabas, ngunit mahalagang maging maalam sa mga ito at kontrolin sila. Pagdating sa takot, hindi mo dapat kalimutan ang salitang “pasensya”. Ang pinaka-mainam na gawin ay humanap ng paraan upang manatiling kalmado at manatili sa mga panuntunan at mga plano na iyong unang ginawa.
Huminga ng malalim at sa anumang sitwasyon ay huwag magmadali sa mga kalakalan o kumilos sa ilalim ng impluwensiya ng mga emosyon.
Kahit ito ay mahalaga, hindi madaling maging kontrolado. Kung nakikita mong nahihirapan ka, narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong gamitin upang kontrolin ang iyong mga emosyon:
- Pumili ng limitasyon sa iyong mga kita at manatili dito. Kung ikaw ay nakagawa ng karagdagang pera, mabuting mag-log out sa iyong account at lumipat sa pagsasanay kung nais mo pa ring mangalakal.
- Iwasang magbukas ng isang minutong kalakalan. Ang pagmamadali sa mga bagay-bagay ay kailanman hindi isang mabuting ideya, kahit na lumalabas na ganun nga.
- Gumawa ng isang magandang taktika para isa iyong mga kalakalan; kahit anong magandang estratehiya ay magbubunga.
- Tiyaking mag opt sa isang estratehiya na nagpuprotekta ng iyong balanse sa account. Ang paglihis dito ay kadalasang mapanganib.
Ang mga tip na ito ay dinisenyo upang tulungan kang panatilihing kontrolado ang iyong mga aksyon habang nangangalakal sa Binomo at sa iyong araw-araw na buhay.
Walang tiwala sa tagumpay
Tandaan na ang bawat isa ay nawawalan ng mga pondo kapag sila ay nangalakal, at ang pananatili sa mga pagkalugi nang matagal ay nakakapinsala. Maaari itong mangyari sa iyo kahit na ikaw ay edukado at may sapat na kaalaman tungkol sa teknikal na pagsusuri at mga merkado. Laganap na makatagpo ng mga taong may maraming alam, ngunit ang kakulangan sa kumpiyansa ay nagtutulak sa kanila pababa at pinipigilan silang maging mahuhusay na mga mangangalakal.
Ang karanasan ay mahalaga rin. Minsan, kahit ang iyong estratehiya ay kahanga-hanga, ikaw ay maaaring hindi makapagsagawa ng mahusay. Ito ay dahil nangangailangan ng karanasan upang matukoy ang pinakamainam na oras sa merkado kung kailan maaari mong isagawa ang iyong mga taktika. Kaya, kapag mas maraming oras ang ipuhunan mo dito, mas malaki ang tsansa na ikaw ay mapabuti.
Huwag hayaang kainin ka ng kasakiman sa simula. Para sa iyong pinakamahusay na interes ang pagsisimula sa maliit. Subukang mamuhunan ng ilang dolyar at magsumikap hanggang sa makuha mo ito. Isang malaking bahagi ng pangangalakal ang pagpapahusay ng iyong kaalaman at mga abilidad, kaya magpokus diyan bago pataasan ang iyong mga pang-unang pondo.