Paano mangalakal ng balita sa Binomo

news trading Blog

Ang balita ay mahalaga sa pangangalakal dahil nagbibigay ito ng snapshot nang mga kaganapan sa buong mundo at kung paano ito makakaapekto sa merkado. Ito ay nakakatulong sa mga mangangalakal na maghanda para sa mga kaganapan sa hinaharap at gumawa ng mga matalinong desisyon sa kung saan ipuhunan ang kanilang mga pondo.

Sa artikulong ito, ating titingnan ang iba’t-ibang uri ng balita at kung paano ang mga ito magamit sa paggawa ng kumikitang mga kalakalan.

Mga uri ng balita sa pangangalakal

Ang balita ay maaaring ikategorya sa tatlong malalawak na grupo: ekonomiya, pananalapi, at political. Gayunpaman, ang isang piraso ng balita ay maaaring multifactorial at mahulog sa mahigit isang kategorya. Ang seksyong ito ay sisisid sa kung ano ang ibig sabihin ng bawat uri ng balita para sa mga mangangalakal at bakit sila mahalaga sa pandaigdigang merkado.

Balitang pang-ekonomiya

economic news
Ang balitang pang-ekonomiya ay ang pangunahing mapagkukunan para sa mga mangangalakal kapag nais nilang malaman kung ano ang nangyayari sa buong mundo. Ang gobyerno ay naglalabas ng mga ulat sa ekonomiya upang ibalangkas ang alokasyon ng badget sa iba’t-ibang sector. Dagdag pa rito, binabalangkas nito ang nasyonal at internasyonal na mga patakarang pang-ekonomiya at nagpapakita ng pangkalahatang ideya ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at mga prayoridad para sa darating na taon ng pananalapi. Ang mga ulat sa ekonomiya ay nagsasaad ng mga gross domestic at nasyonal na produkto, mga interest rates, at mga numero ng kawalan ng trabaho, na maaaring makabuluhang makaapekto ng iyong merkado ng kalakalan.

Ang balitang pang-ekonomiya ay maaaring gamitin upang hulaan ang interes sa mga partikular na sektor o mga kalakal batay sa alokasyon ng mapagkukunan ng estado. Ang mga balitang ito ay maaaring makaapekto sa mga desisyong pinansyal ng mga tao at makaimpluwensiya sa pattern ng paggastos ng mga mamimili. Halimbawa, kapag masyadong mabilis ang pagtaas ng inflation sa panahon ng recession, ang pinansyal na paggasta ng mga mamimili sa luxury na mga bagay ay bababa, at ang mga industriyang ito ay maaaring magpakita ng pansamantalang pagbaba.

Balitang pinansyal

financial news
Ang mga ulat sa pinansyal na balita ay tumutukoy sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga kumpanya sa kanilang mga shareholders sa pamamagitan ng paglathala ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pinansyal na kalagayan. Ang mga ulat na ito ay nilalathala ng regular, at madalas ay kasama nito ang mga impormasyon gaya ng mga anunsyo tungkol sa mga tubo, kita, at iba pang mga mahahalagang detalye.

Ang impormasyon sa balitang pinansyal ay nagbibigay ng konteksto para sa proseso ng paggawa ng desisyon ng isang namumuhunan. Halimbawa, kapag nais mong mamuhunan sa isang partikular na kumpanya, kung gayon ay kapaki-pakinabang na mayroon kang access sa mga ulat sa pinansyal na balita paminsan-minsan. Ang mga ulat na ito ay ipapaalam sa iyo kung mayroon bang anumang pagbabago sa kung gaano karaming mga pondo ang nabubuo ng kumpanya bawat taon o kung mayroon bang kahit anong pagbabagong nagawa sa modelo ng negosyo o estratehiya sa paglipas ng panahon.

Balitang politikal

political news
Una, tingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng balitang politikal. Pinag-uusapan natin ang anumang impormayson na nakakaapekto sa pampublikong patakaran, gaya ng presyo ng buwis, patakaran sa ekonomiya, o kung sino ang susunod na pangulo. Maaaring mukhang halata na ang ganitong bagay ay makakaapekto sa stocks. Ipagpalagay na ang eleksyon ay paparating, at ang mga partikular na kandidato ay nanalo sa mga botante sa pamamagitan ng kanilang mga pinabuting patakaran sa ekonomiya; ang mga namumuhunan ay walang dudang samantalahin ito. Ang presyo ng pagbahagi ng mga partikular na industriya ay maaaring kumuha ng isang bullish run, habang ang ibang mga sektor ay makakaasa ng isang bearish na uso base sa parehong balita.

Paano gamitin ang balita para sa pangangalakal?

use news for trading
Ang mga pinansyal na merkado ay mga master sa kaguluhan. Walang kakulangan sa balita upang panatilihing gising ang mga mangangalakal sa gabi, at maaaring mahirap mag-screen sa lahat ng ingay upang mahanap ang pinakakritikal na impormasyon. Ang balita na iyong piniling bigyan ng atensyon ay direktang makaapekto sa kung paano gagana ang iyong mga kalakalan. Paano mo masasabi kung aling balita ang karapat-dapat basahin? Huwag mag-alala. Ang Binomo ay tutulong sa iyo dito!

Ang Binomo ay isang plataporma na nagpapahalaga sa kanyang mga user at nagbibigay ng isang one-stop na solusyon para sa lahat ng iyong mga kalakalan. Sinama ng kumpanya ang tampok na News sa plataporma nito, na tumutulong sa mga user sa pag-access sa mga tamang impormasyon sa isang tap lamang. Upang buksan ang News panel, tapikin ang calendar na senyales sa kaliwa. Maaari ka na ngayong makakuha ng balitang pang-ekonomiya sa ilalim ng news panel.

Ang lahat ng mga ulat sa balitang pang-ekonomiya na maaaring maka-impluwensya sa iyong pangangalakal ay pinagsama-sama sa isang maliit at mas maiintindihang paraan. Ang balita ay pinagsusunod-sunod ayon sa petsa ng kanilang paglabas, kaya hindi mo makakaligtaan ang mga pinakabagong ulat. Maaari mong basahin ang buong ulat kung sa akala mo na ang mga partikular na detalye sa loob ng ulat ay direktang makakaapekto sa iyong kalakalan gamit ang opsyon na “Read more”.

Bakit mahalaga ang balita?

important news for trading
Ang balita ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga mangangalakal tungkol sa estado ng merkado at maaaring makaimpluwensya sa presyo ng isang stock o commodity, na nakakaapekto kung magkano ang makukuha mong kita sa pamamagitan ng pangangalakal. Ang mga pang-ekonomiyang ulat ay nagpapakita ng posisyon ng merkado, at ang mga sumusunod na aksyon ng presyo ay maaaring asahan. Ang mga desisyong pinansyal na iniuulat ng isang organisasyon ay nagrepresenta kung gaano sila kahusay sa pakikipagkumpetensiya sa loob ng kanilang sektor. Palaging kapaki-pakinabang para sa mga mangangalakal na manood ng balitang pampulitika na may sapat na impluwensya na maaaring lumihis ito mula sa pangkalahatang direksyon ng merkado o makaapekto sa namuhunang sektor.

Isa sa mga paraan na ang balita ay makakaapekto sa merkado ay sa pamamagitan ng epekto nito sa sentimyento ng namumuhunan. Kapag ang mga namumuhunan ay naging pesimista tungkol sa potensyal ng isang stock na kumita sa hinaharap, malamang na magbenta sila ng maramihan na maaaring magdulot ng pagbaba ng presyo. Gayunpaman, kapag ang mga numuhunan ay naging optimistiko tungkol sa potensyal na isang stock na kumita sa hinaharap at magdesisyong bilhin ito, magkakaroon ng higit na pangangailangan sa stock na iyon, na tataas ang presyo.

Kung ikaw ay hindi pa handa para sa tunay na pandaigdigang kalakalan, dapat ka nang magsimulang magsanay sa balitang pangkalakalan gamit ang Binomo demo account. Gamitin ang lahat ng iba’t-ibang estratehiya para sa paggamit ng balita upang hulaan ang uso ng asset na iyong nagustuhan at bigyang atensyon ang pinakamahusay na diskarte para sa iyo.

Rate article
Binomo traders club