Maraming tao ang gustong pumasok sa pangangalakal at magsimulang kumita ng karagdagang pondo sa Binomo. Gayunpaman, maraming mga pananarinari na dapat isaalang-alang ng mga nagsisimulang mangangalakal. Sa artikulong ito, sasabihin namin sa iyo ang mga pagkakamaling hindi mo dapat gawin kung ayaw mong mawala ang iyong account at mga pondo.
- Paano mo masisira ang iyong account?
- Mga pangunahing pagkakamali
- Pakikipagkalakalan laban sa trend
- Malaking pamumuhunan sa isang kalakalan
- Pagpili ng mga maikling takdang panahon
- Pagpapaamnga sa solong diskarte
- Kakulangan ng kasanayan at kaalaman
- Pakikipagkalakalan sa isang emosyonal na paglapit
- Naghihintay ng tubo
- Bulag na pagsunod sa mga programa
- Konklusyon
Paano mo masisira ang iyong account?
Sa panahon ng pagpaparehistro sa Binomo, hihilingin sa iyong basahin ang Kasunduan sa Kliyente at Patakaran sa Privacy. Kung hindi mo ito gagawin, gagawa ka ng isa sa mga nakamamatay na pagkakamali ng mga baguhang mangangalakal ng Binomo. Bakit mahalagang basahin ang mga panuntunan at hindi lamang suriin ang checkbox ng pahintulot?
Una, ang pag-aaral sa mga tuntunin at kundisyon ay makatutulong sa iyong maunawaan kung paano gumagana ang plataporma bago ka magsimulang mangalakal sa isang account na demosntrasyon o mamuhunan sa tunay na account.
Pangalawa, ang paglabag sa mga patakaran ay maaaring magresulta sa pagharang o pag-block ng iyong account na pangkalakalan. Halimbawa, ipinagbabawal ng Binomo ang mga menor de edad na magrehistro. Hindi ka rin maaaring magkaroon ng maraming account nang sabay-sabay. Samakatuwid, kung mayroon ka nang account, dapat mo itong harangan o i-block bago ka gumawa ng bago.
Mga pangunahing pagkakamali
Bilang karagdagan sa mga humahantong sa pagharang sa iyong account na pangkalakalan, ang ilang mga pagkakamali ay maaaring humantong sa pagkawala ng mga naipuhunan na pondo. Talakayin natin ang mga ito nang mas detalyado.
Pakikipagkalakalan laban sa trend
Ang pangangalakal laban sa trend ay isa sa mga pinakakaraniwang pagkakamali ng mga baguhan na mangangalakal ng Binomo, na humahantong sa pagkalugi. Umaasa na ang merkado ay babalik sa isang punto, malamang na gusto mong simulan ang pangangalakal laban sa kasalukuyang kalakaran. Gayunpaman, maaaring ilang oras bago mangyari ang isang pagbaligtad (kung mangyayari ito sa lalong madaling panahon).
Lumalabas na ang paglaban sa trend ay maaaring magdulot sa iyo ng ilang natatalo na mga kalakal o kahit na walang laman ang iyong account na pangkalakalan. Halimbawa, kung hinuhulaan mo na bababa ang presyo ng asset sa tumataas na merkado, malamang na mali ito at mawawala ang iyong puhunan.
Tandaan! Ang mga nagsisimula ay pinapayuhan na iwasan ang mga pangangalakal kapag ang trend ay nabaligtad. Mas mabuting maghintay hanggang sa umayos ito.
Malaking pamumuhunan sa isang kalakalan
Ang pamumuhunan ng lahat ng iyong mga pondo sa isang kalakalan ay mapanganib dahil walang garantiya na magiging tama ang iyong hula. Sa kabila ng umiiral na kalakaran, minsan ay bumabaligtad ang merkado at maaari kang mawalan ng pamumuhunan.
Tandaan na ang isang makabuluhang pagkalugi ay maaaring magpawalang-bisa sa karagdagang kita mula sa ilang mga kalakal. Upang mabawasan ang panganib na ito, kailangan mong bumuo ng iyong diskarte sa pamamahala ng kapital. Halimbawa, mamuhunan ng pinakamataas na 2-5% ng balanse ng iyong account na Binomo sa isang kalakal.
Pagpili ng mga maikling takdang panahon
Nag-aalok ang Binomo na makipagkalakalan sa mga maikling takdang panahon (kasing liit ng 60 segundo). Ito ay lubhang nakatutukso dahil maaaring maging mas kumita ito kaysa sa pangangalakal sa mas mahahabang mga tsart. Gayunpaman, ang mga naturang kalakal ay mapanganib, lalo na kung kasisimula mo pa lang ng iyong paglalakbay sa Binomo. Kung hindi ka makagagawa ng mga desisyon nang mabilis, maaari itong humantong sa pagkataranta at pa-iba-ibang mga kalakalan.
Tandaan! Ang pangangalakal sa mga maikling takdang panahon, kabilang ang mga 1 minuto ay angkop lamang para sa mga taong kayang panatilihing kontrolado ang kanilang mga emosyon at gumawa ng matalinong mga desisyon.
Pagpapaamnga sa solong diskarte
Ang mga diskarte ay hindi mga panlilinlang na magdadala sa iyo ng karagdagang kita mula sa pangangalakal sa Binomo ngunit mga pamamaraan batay sa teknikal na pagsusuri. Walang pamamaraan ang magagarantiya ng 100% na resulta para sa bawat isa sa iyong mga kalakal.
Ang merkado ay pabagu-bago, kaya dapat mong patuloy na suriin ito at iakma ang iyong mga diskarte sa mga kondisyon nito. Mahalaga rin na matutunang maunawaan ang mga micro- at macroeconomic na salik na nakakaapekto sa mga asset na iyong kinakalakal sa Binomo.
Kakulangan ng kasanayan at kaalaman
Ang pangangalakal ay may mataas na panganib na mawala ang ilan o maging ang lahat ng iyong pamumuhunan. Maaaring bawasan ng edukasyon at pagsasanay ang panganib na ito, ngunit hindi lahat ng negosyante ay nauunawaan ito. Samakatuwid, ang isa sa mga pangunahing pagkakamali ay ang hindi pagnanais na matuto at magsanay.
Huwag magmadali sa totoong kalakalan kaagad. Gamitin ang mga libreng pagsasanay sa plataporma upang maunawaan kung paano gumagana ang Binomo at kung paano makipagkalakal. Ang seksyong “Edukasyon” ay naglalaman ng mga tagubilin sa bidyo kung paano gumamit ng iba’t ibang uri ng mga tsart, kung paano magdeposito, atbp. Maaari ka ring pumunta sa tampukan ng tulong o ‘Help Center’, na naglalaman ng mga detalyadong artikulo na may mga sagot sa mga madalas itanong mula sa mga mangangalakal.
Ang account na demonstrasyon na magagamit kaagad pagkatapos ng pagpaparehistro ay may birtwal na $10.000, na maaaring mapunan nang walang limitasyon. Ito ay isang ligtas na kapaligiran para sa pag-aaral na makipagkalakal sa mga totoong tsart kung saan hindi mo isasapanganib ang iyong mga pondo.
Tandaan! Kahit na nakapagdeposito ka na at nakatanggap ng totoong account na Binomo, maaari kang lumipat sa isang demonstrasyon para matutunan kung paano gumawa ng mga tagapagpahiwatig, subukan ang ilang diskarte o sumubok ng bagong asset.
Pakikipagkalakalan sa isang emosyonal na paglapit
Ang pagiging emosyonal at pagmamadali kapag ang nangangalakal ay maaari ring humantong sa pagkalugi. Sa halip na mataranta at magbukas ng mga iba’t ibang kalakal sa pag-asa na maging mapalad, dapat mong paunlarin ang iyong sistema ng pananalapi at manatili dito.
Itakda ang pinakamataas na pinahihintulutang antas ng pagkawala at itigil ang pangangalakal sa sandaling maabot ito. Kung nakagawa ka ng maraming maling pagtataya nang sunud-sunod, mahalaga din na ihinto at suriin ang mga dahilan para dito.
Naghihintay ng tubo
Karamihan sa mga mangangalakal ay ayaw aminin na ang kalakalan ay hindi dapat kumikita. Ang mga nagsisimula ay madalas na gumagamit ng kalkulador upang matukoy kung magkano ang kanilang matatanggap at mag-isip nang maaga kung paano nila gagastusin ang mga pondong iyon.
Ang pag-iisip nang maaga tungkol sa kung magkano ang iyong makukuha mula sa pangangalakal ngayon ay maaaring mapanganib. Tandaan: walang utang sa iyo ang merkado. Ang tamang diskarte ay isang normal na pakikitungo. Maingat na pag-aralan ang merkado at sundin ang trend, ngunit sa parehong oras, maging handa na ang iyong hula ay maaaring maging mali.
Bulag na pagsunod sa mga programa
Ang mga mangangalakal ay lalong bumaling sa teknolohiya ng kompyuter, dahil maraming mga online na plataporma ang nagbibigay ng mga handa na kasangkapan para sa pananaliksik, pag-tsart, at backtesting. Gayunpaman, ang labis na pag-asa sa mga kasangkapan na ito ay isa pang karaniwang pagkakamali.
Oo, ang software ay maaaring magbigay ng impormasyong kinakailangan para sa teknikal at pangunahing pagsusuri. Gayunpaman, nilayon itong tulungan kang pagbutihin ang iyong mga diskarte at hindi basta-basta sundin ang mga direksyon ng programa. Kung hindi mo naiintindihan ang mga prinsipyo kung saan ang makina ay bumubuo ng mga signal ng kalakalan, hindi mo dapat sundin ang mga ito.
Konklusyon
Kahit na ang pinakasanay na mga mangangalakal ay nagkakamali kung minsan. Ang susi sa pagbabawas ng panganib ng pagkawala ng kapital ay patuloy na pag-aaral at sapat na pagsasanay sa isang demonstrasyong account. Dapat kang bumuo at patuloy na pagbutihin ang iyong diskarte sa pangangalakal. Iwasan ang mga karaniwang pagkakamali at subukang matuto mula sa mga nagawa mo na upang ayusin ang iyong diskarte. Huwag sundin ang mga handa na signal, at huwag maniwala na may mga panlilinlang na ginagarantiyahan ang isang 100% na resulta ng pangangalakal sa Binomo.