Mga tip sa paggawa ng planong pangkalakalan para sa Binomo

trading plan Blog

Ang Binomo ay isang online na plataporma na nakakalap na ng milyun-milyong mamumuhunan sa buong mundo. Ito ay nag-aalok ng iilang dosena ng asset para mangalakal at makatanggap ng karagdagang kita. Gayunpaman, ang pangangalakal ay nangangailangan ng kakayahan at karanasan. Kung ikaw ay nagpaplano o kakaumpisa pa lang na mangalakal sa Binomo, ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng ilang mga napatunayang tip.

Paano kikita ng karagdagang kita?

May tatlong paraan ng pangangalakal at pagkuha ng karagdagang pondo sa Binomo. Ang una ay ang mangalakal nang nag-iisa. Sa kasong ito, ang iyong mga resulta ay sa iyo lamang. Ikaw ang magdedesisyon kung paano gawin at isakatuparan ang plano ng pangangalakal.

Upang mabawasan ang panganib na mawalan ng kapital, nirerekomenda na magsanay sa Binomo demo account. Dito maaari mong subukan at gawin ang anumang estratehiya, kahit na mayroon ka nang tunay na account.

Ang pangalawang opsyon ay ang pagbili ng mga third-party na senyales. Ito ay nakakatukso dahil nag-aalok sila na magbukas ng mga kalakalan nang hindi gumugugol ng oras sa pagsasaliksik sa merkado. Gayunpaman, tandaan na habang nangangako ng mga kita, ang mga tagapagbigay ng senyales ay hindi kailanman responsable sa iyong mga pagkalugi. Ang kalidad ng mga gawa nang senyales ay hindi garantisado, kaya ang plataporma ng Binomo ay hindi inaaprubahan ang paggamit ng mga ito.

Ang pangatlo at huling paraan ay ang paggamit ng mga serbisyo ng mga tagapamahala ng mga pondo. Ginagawa nila ang lahat ng trabaho, mula sa pagsaliksik hanggang sa pamamahala ng account. Gayunpaman, mayroong isang malaking panganib: ang pondo ay maaaring mawasak, o ang tagapamahala ay maaaring lumabas na isang scammer. Kahit na makahanap ka ng mapagkakatiwalaang tagapamahala, kakailanganin ng malaking halaga para mag-umpisa.

Gawin ang iyong plano

create trading plan
Wala nang mas hahangal pa kaysa sa pangangalakal nang walang direksyon. Pag walang plano, ang pagiging isang propesyonal na mangangalakal at kumita ng karagdagang kita ay imposible.

Kapag nagpaplano, mag-umpisa sa pamamagitan ng pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga kondisyon ng merkado na kinakailangan upang makapag-umpisa ng pangangalakal, gaya ng:

  • Iyong gustong instrumento sa pananalapi.
  • Ang kabuuang halaga na ipinupuhunan sa isang kalakalan.
  • Tagal ng oras ng kalakalan.
  • Plano sa pamamahala ng kapital.

Isa sa pinakamahalagang tip sa pangangalakal para sa mga baguhan sa Binomo ay ang trabahuhin ang iyong estratehiya sa pamamahala ng iyong kapital. Kapag pinagsama-sama ito, dapat mong isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Ang bilang ng mga pondong nais mong kitain bawat araw.
  • Ang bilang ng kalakalan na nasi mong gawin bawat araw.
  • Ang kabuuang halaga na plano mong makuha mula sa bawat kalakalan.
  • Ang bilang ng pondo na kakailaganin mong ipuhunan upang maabot ang araw-araw na target na kita.
  • Ang pinakaposible at kayang tiisin na pagkalugi bago matapos ang kalakalan sa araw na iyon.

Pagkatapos isaalang-alang ang lahat ng mga puntos sa itaas, ikaw ay handa nang magsimulang mangalakal sa Binomo.

Mga karagdagang tip para sa pangangalakal sa Binomo

know trading targets
Anumang estatehiya sa pangangalakal ang iyong pipiliin, ang mga sumusunod na tip ay tutulungan kang matuto kung paano mangalakal sa Binomo:

  • Gamitin ang demo account

Gamitin ang demo accountupang subukan ang anumang estratehiya. Ito ay makakatulong sa iyo na iwasan ang pagkalugi, lalo na kung ang iyong taktika ay mapanganib.

  • Gumawa lamang ng iilang kalakalan bawat araw

Marahil ay naniniwala kang kapag mas marami ang kalakalan, mas malaki ang tubo. Gayunpaman, ito ay hindi laging nangyayari. Sa katunayan, pinapataas nito ay pagkalantad sa panganib. Kung ikaw ay nakagawa ng maling hula, ang isang mali ay maaaring magdulot ng pagkawala ng iyong buong puhunan. Kapag ikaw ay hindi sigurado kung tama ito, ang pagbukas ng isa pang kalakalan na may kabaliktarang resulta ay hindi nirerekomenda dahil walang garantiya na ang pangalawang hula ay magiging tama at magdala sa iyo ng karagdagang kita.

  • Maging pasensyoso

Minsan maaaring makita mo na ang kasalukuyang mga kondisyon ng merkado ay hindi angkop para sa iyong estratehiya. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan mong maghintay. Hindi ka rin maaaring magpunta sa ibang merkado dahil lang mayroong mahihirap na kondisyon sa kasalukuyan.

  • Alamin ang iyong mga target

Ang isang mangangalakal na nais makakuha ng isang libong USD araw-araw ay may ibang estratehiya kaysa sa isa na nais lamang kumita ng sampung USD araw-araw. Magsimula sa mga pamamaraan na nagbabawas ng pagkalugi at huwag makipaghabulan doon sa mga naglalayong kumita ng malaking tubo sa loob ng maikling panahon.

  • Magtakda ng mga limitasyon

Sa pag-asang makakuha ng malaking kita, ikaw ay maaaring magpasyang mamuhunan ng maraming pondo – kahit 100% sa balanse ng account – sa isang kalakalan, ngunit ito ay isang nakamamatay na pagkakamali. Isang maximum na 5% sa balanse ng account ang dapat ipuhunan sa bawat kalakalan.

  • Pumili ng timeframe na higit sa isang minuto

Kapag mas matagal mong pinag-aaralan ang mga tsart, mas tumpak mong masusuri ang mga ito. Ang pagtatasa ng mas mahabang tagal ng oras ay nakakapagbigay din sa iyo ng mas mabuting pang-unawa sa katangian ng merkado at asset.

Konklusyon

Kami ay umaasa na ang artikulong ito ay makakatulong sa iyo na matutunan kung paano mangalakal sa Binomo. Gayunpaman, mahalagang maunawaan na ang pagsunod sa mga tip sa pangangalakal ay hindi lubusang makakabawas ng panganib nang pagkawala ng iyong puhunan. Mattoo at magsanay sa isang demo account hangga’t maaari.

Rate article
Binomo traders club