Kailan ka dapat tumigil sa pangangalakal sa Binomo

stop trading on binomo Blog

Ang Binomo ay isang mahusay na plataporma upang matulungan kang mag-umpisa sa pangangalakal at kumita ng karagdagang kita, ngunit mahalaga ring maunawaan kung kailan titigil. Narito ang ilan sa mga payo upang matulungan kang mapagtanto na oras na para magpahinga.

Alamin kung kailan titigil sa pangangalakal

know when to stop trading
Ang pangangalakal ay nangangailangan ng mental na enerhiya at pagtutok sa pangangalakal, kaya kapag ikaw ay gumugugol ng mahabang oras sa pagtingin sa mga numero, mga tagapahiwatig, mga senyales, at mga tsart, ang pagkapagod ay normal. Ang pagtulak sa iyong isip na magpatuloy ng higit pa sa tiyak na bilang ng mga oras ay maaaring magdulot ng higit na pinsala kaysa sa mabuti.

Narito ang dalawang mga tip upang tulungan kang tumigil sa pangangalakal sa oras:

  • Magtakda ng limitasyon sa “araw-araw na pagkalugi”. Ito ay ang maximum na halaga na handa kang mawala sa isang araw. Ang isang katanggap-tanggap na pang-araw-araw na pagkalugi ay tinatantiyang nasa 3% ng iyong kapital.
  • Ang pakiramdam na pagkabalisa, gutom, pagkabagot, o pagod ay mga senyales na dapat ka nang humito sa pangangalakal para sa araw na iyon.

Mamuhunan sa iba pang mga libangan at mga aktibidad na hindi lamang makakaabala sa iyo mula sa pangangalakal kundi umasa din sa mga ito. Ito ay epektibong paraan ng pagpigil sa pangangalakal na maging nag-iisang aktibidad mo para sa araw.

Magkaroon ng kamalayan sa iyong mga emosyon

manage emotions when trading
Ang pagkilos ayon sa emosyon ay hindi kailanman naging isang mabuting ideya, lalo na kung ito ay may sangkot na tunay na pondo. Imbes na magmadali, subukang maging kalmado, huminga ng malalim, at makinig sa mga tips:

  • Lumipat sa isang demo account. Ito ay binibigay sa bawat mangangalakal ng Binomo para sa pagsasanay: mas matuto tungkol sa mga estratehiya, manood ng mga tutoryal at hasain ang iyong mga kakayahan nang walang takot na mawalan ng tunay na puhunan.
  • Subukang magsanay ng iba’t-ibang paraan upang pakalmahin ang iyong sarili, ito ay makakatulong sa iyo mula sa pagawa ng mga pabigla-biglang kalakalan kapag ikaw ay nababalisa.
  • Unawain ang pagkakaiba ng kumpyansa at labis na kumpyansa. Kapag naramdaman mo ang huli, magandang ideya ang magpalamig at mag-isip nang lohikal.

Ang mga partikular na araw kung saan ang iyong paligid ay masyadong madilim o sobrang aktibo ay maaaring mga araw din na nanaisin mong umiwas sa pangangalakal, ang iyong kapaligiran ay maaaring may malaking epekto sa proseso ng iyong pag-iisip.

Tandaan! Sa tuwing nakakaramdam ka ng sobrang pananabik o pagkabigo, sanayin ang iyong sarili na bumangon at maglaan ng ilang sandali upang magpalamig at pakalmahin ang iyong mga emosyon.

Lumikha ng iyong plano sa pangangalakal

сreate trading plan
Ang isang matatag na plano sa pangangalakal ay mahalaga, pinapanatili nitong kontrolado ang iyong pag-unlad, kalakalan, at mga oras. Maaari mong isama ang ilan sa mga sumusunod na puntos sa iyong plano sa pangangalakal:

  • Magsimula sa mas maliliit na kalakalan, at kapag nasanay ka na, maaari ka nang magpatuloy sa mga makabuluhang kalakalan.
  • Bumuo ng mga estratehiya base sa iyong mga pangangailangan at kaalaman sa merkado.
  • Palaging magkaroon ng Plan B at C kung sakaling magkaroon ng mga malas na pangangalakal.

Upang mas trabahuin pa ang iyong plano sa pangangalakal, maaari kang magpunta sa www.binomo.com para sa mas marami pang mga tip at trick kung paano mas maging mahusay pagdating sa pagsasagawa ng iyong mga kalakalan.

Ang isang plano ng pangangalakal ay hindi kailanman nakataga sa bato, ito ay pasadyang idinisenyo para sa bawat mangangalakal, at maaari mo itong baguhin ayon sa iyong mga pangangailangan at pagganap habang tumatagal.

Huwag maglaan ng masyadong maraming oras sa pangangalakal

don't spend too much time trading
Upang maiwasan ang overtrading, magtakda ng tiyak na tagal ng oras na nais mong mangalakal araw-araw at sanayin ang iyong sarili na hindi lampasan ang oras na ito.

Iyan ang kung paano ito maisasaayos:

  • Unawain ang iyong isip at skedyul, at hanapin ang pinakamahusay na lugar upang mangalakal sa araw na ikaw ay hindi abala.
  • Tumungo sa Help Center sa Binomo website upang pahusayin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga madalas na katanungan at mga artikulo, panonood ng mga tutoryal, at marami pa.
  • Iwasan ang Fear of Missing Out (FOMO) habang nakikipagkalakalan. Palaging may mas maraming kalakalan na papasok. Ang mas mahalaga ay panatilihing kontrolado ang iyong mga emosyon at oras.

Tandaan! Maaari mong palaging itakda ang alarma upang ipaalala sa iyo na ang iyong oras ay tapos na para sa araw at dapat mo nang tumayo mula sa iyong kompyuter.

Huwag maadik

don't get addicted to trading
Ang pagkagumon sa pangangalakal ay isang karaniwang kaso, at kahit sino ay maaaring magkaroon ng ganitong uri ng karanasan. Ang pagkakaroon ng isang hanay ng panuntunan upang kontrolin ang iyong mga oras sa pangangalakal at mga gawi ay isang mahusay na paraan ng pagpapanatili ng iyong sarili sa iyong mga kamay:

  • Magtakda ng mga limitasyon sa oras para sa pang-araw-araw na pangangalakal; gumamit ng mga tagasubaybay ng oras sa iyong mobile na kagamitan o PC.
  • Panatilihing nasa labas ng iyong kwarto ang mga gamit sa pangangalakal upang maiwasan ang tukso na kumapit sa kanila buong gabi.
  • Humiling sa mga kaibigan at pamilya na tulungan kang manatiling nasa taas ng iyong mga limitasyon sa pangangalakal. Ang mga taong pinakamalapit sa iyo ay maaari kang tawagan paminsan-minsan upang malaman kung ikaw ay ok at hindi nangangalakal ng ilang oras na magkasunod.

Tandaan! Ang pagtatag ng mas malusog na gawain ay maaaring makatulong: tumuklas ng iba pang mga aktibidad at gumugol ng mas maraming oras sa labas.

Mga huling kaisipan

Laging tandaan na ang pangangalakal ay mapanganib. Sa maling oras at sa maling estado ng pag-iisip, ang mga desisyong magawa ay maaaring magsama ng pagkawala ng tunay na puhunan sa Binomo.

Habang ang pagsunod sa lahat ng mga hakbang na ito ay hindi simple, ito ay makakatulong na panatilihing nasa lugar ang iyong mga gawi sa pangangalakal. Maaari mong rebyuhin ang iyong pagganap bawat ilang buwan at baguhin ang iyong mga patakaran at plano sa pangangalakal nang naaayon.

Ang pangangalakal ay parte ng iyong buhay at araw. Kaya mahalagang kontrolin ito.

Rate article
Binomo traders club