Ang Binomo ay nagbibigay ng mga serbisyo nito sa mga mangangalakal mula sa mahigit 130 na bansa. Sa rebyung ito, ating titingnan kung anong mga pamamaraan ang available para sa pagdeposito ng pondo sa Binomo at paano mag-umpisang mangalakal.
- Paano magdeposito sa Binomo?
- Paano magdeposito gamit ang bank card?
- India
- Turkey and Near East
- Mga bansang Arabic
- Mga bansang Latam at Brazil
- Ukraine
- Kazakhstan
- Paano magdeposito sa pamamagitan ng e-wallet and crypto wallet?
- Mga crypto wallet
- Skrill
- Neteller
- AdvCash
- Turkey (Hizli Papara)
- Indian (PayTM)
- Paano magdeposito sa pamamagitan ng internet banking?
- Colombia
- India
- Brazil
- South Africa
- Fees
- Mga madalas itanong (FAQ)
- Ligtas bang magpagpadala ng iyong pondo?
- Paano magdeposito gamit ang isang non-personalized card?
- Hindi makapagdeposito gamit ang bank card, ano ang aking gagawin?
- Hindi tumuloy ang aking deposito, ano ang gagawin ko?
- Ilang oras ang aabutin upang madeposito ang pondo sa aking account?
- Paano ko pondohan ang aking account gamit ang card (e-wallet) sa ibang currency?
- Naniningil ba kayo sa pagdedeposito?
- Maaari ba akong magdeposito gamit ang isang card na hindi akin?
- Kailan ma-kredito ang mga pondo sa aking account?
- Paano mangalakal sa Binomo online?
- Ano ang asset?
- Paano mag-umpisang mangalakal?
- Paano gumagana ang Binomo?
- Ang pinakamagandang oras para makipagkalakalan
- Kasaysayan ng mga kalakalan
- Mayroon bang trading software?
- Magbasa ng tsart
- Gumamit ng mga indicator
- Mga madalas itanong (FAQ)
- Maaari ko bang isara ang isang kalakalan bago ang oras ng pag-expire?
- Paano lumipat mula sa isang demo papunta sa isang tunay na account?
- Paano maging mahusay sa pangangalakal?
- Ano ang ibig sabihin ng natitirang oras?
- Bakit hindi available sa akin ang ilang asset?
- Ano ang time frame?
Paano magdeposito sa Binomo?
Nilalayon ng Binomo ang gumawa ng world-class na plataporma ng kalakalan para sa mga users mula sa iba’t-ibang bansa. Kung kaya, ang iba’t-ibang paraan ng pagbabayad ay available sa online na plataporma para sa pagdedeposito at pag-withdraw ng mga pondo. Tingnan natin kung anong mga paraan ng pagdeposito ang available sa iba’t-ibang bansa upang makadagdag ng pera sa iyong Binomo account at kung paano makaiwas sa mga posibleng problema.
Paano magdeposito gamit ang bank card?
Ang pagdeposito ng mga pondo sa iyong Binomo account gamit ang kahit anumang bank card ay medyo diretso. Maaari kang gumamit ng personalized bank card (na may pangalan mo) o isang non-personalized bank card (walang pangalan mo). Bukod dito, ikaw ay maaari ring gumamit ng card na may ibang currency kaysa sa isang ginamit sa iyong Binomo account (INR, KZT, at iba pa).
Ngayong handa ka nang magdeposito ng pera sa isang Binomo account, maaari mong sundin ang mga simpleng alintuntunin na ito upang mas makagalaw pa dito:
- Buksan ang iyong Binomo account dashboard at ang “Deposit” (Magdeposito) na buton.
- Pindutin ito at gamitin ang drop-down menu upang piliin ang iyong “Country” (Bansa) o rehiyon.
- Piliin ang iyong card service provider mula sa listahan, gaya ng VISA o MasterCard.
- Ngayon ay kailangan mong pumili ng halaga ng deposito. Ikaw ay maaaring pumili ng rekomendadong halaga o pasadyang uri base sa iyong pangangailangan.
- Punan ang mahahalagang detalye ng card: pangalan ng cardholder, numero, CSC, petsa ng pagkawalang-bisa.
- Pindutin ang “Pay” (Magbayad).
- Ikaw ay makakatanggap ng push notification o confirmation code sa pamamagitan ng text message sa iyong mobile. Ipasok ito upang makumpleto ang transaksyon.
Maghintay ng ilang sandali upang makumpleto ang transaksyon. Ikaw ay ire-redirect sa pahina na nagpapakita ng mga detalye ng iyong transaksyon. Bumalik sa iyong dashboard upang paganahin ang mga pondong iyon. Kung ikaw ay may problema sa pagdeposito ng mga pondo sa Binomo, makipag-ugnayan sa suporta.
Tandaan! Maaari mong subaybayan ang iyong mga transaksyon at/o suriin ang katayuan ng iyong mga transaksyon sa pamamagitan ng pagpindot sa buton na “Transaction History” (Kasaysayan ng Transaksyon).
Tandaan na habang maaari kang gumamit ng isang non-personalized na bank card upang magdeposito ng mga pondo sa iyong Binomo account, kailangan mong kumpirmahin ang pagmamay-ari ng card. Para sa layuning ito, maaaring kakailanganin mong magbigay ng isa sa mga sumusunod na mga karagdagang dokumento sa suporta ng Binomo:
- Bank reference na may opisyal na lagda/selyo.
- Bank statement na inisyu ng iyong banko na may opisyal na lagda/selyo.
- Screenshot mula sa bank app o website na nagkukumpirma na ikaw ang nagmamay-ari ng account.
Pinapayagan ng Binomo ang mga libreng deposito, i.e., walang bayad, at ang mga pondo ay karaniwang makikita sa iyong account sa loob ng isang oras. Sa ibang mga kaso, maaaring umabot ng mga ilang oras o di kaya araw bago makredito ang mga pondo sa iyong account.
Kapag ikaw ay naka-engkwentro ng ganitong problema, makipag-ugnayan sa iyong card provider at magbasa tungkol sa mga partikular na alituntuning nauugnay sa pagpuproseso ng bayad sa iyong bansa. Sa halos lahat ng mga ganitong kaso, ang pagkaantala ay mula sa banko, kadalasan dahil sa mga regulasyong partikular sa bansa.
Tandaan! Kailangan mong malaman na ang en-version ng site ay available para sa lahat ng rehiyon.
Ang mga sumusunod na talata ay magtatalakay sa mga cash deposit na transaksyon na may kaugnayan sa mga partikular na rehiyon.
India
Ang Binomo ay lalong popular sa India. Ang mga mangangalalakal ay maaaring magdeposito sa Binomo gamit ang Mastercard/Maestro sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa taas. Para sa mga karagdagang opsyon sa pagdeposito na available sa mga Indian na mga mangangalakal (e-wallets, internet banking), tingnan ang mga sumusunod na seksyon.
Turkey and Near East
Kung ikaw ay may Turkish citizenship at isang wastong Turkish IP address, ikaw ay maaaring gumamit ng mga payment options na ito: VISA at Mastercard / Maestro upang magdeposito ng mga pondo sa iyong Binomo account. Ang lahat ng iba pang mga hakbang habang nagdedeposito ng mga pondo ay kagaya ng mga natalakay kanina.
Nararapat ding bigyan ng atensyon ang tatlong mahahalagang punto kapag muling magdagdag ng mga pondo:
- Ikaw ay pinahihintulutan lamang na gumawa ng 5 transaksyon sa isang araw sa kalendaryo.
- Maghintay ng hindi bababa sa 30 minuto pagkatapos ng iyong unang deposito upang makagawa ng isa pa.
- Habang pinupunan ang iyong account, ikaw ay maaaring gumamit ng 1 Turkish ID lamang.
Ang parehong mga punto ay naaangkop din sa lahat ng mga teritoryo sa Near East.
Mga bansang Arabic
Ang pangangalakal ay laganap sa bansang Arabo. Maraming mga Binomo account ang hawak at pinamamahalaan ng mga residente na Arabo, gaya nung mga nasa Qatar, UAE, at Saudi Arabia. Ikaw ay maaaring pumili mula sa mga ilang mga card issuers upang kumpletuhin ang mga transaksyong deposito sa mga teritoryong Arabo. Maaaring kabilang sa mga ito ang Mastercard / Maestro.
Para sa karagdagang opsyon sa pagdeposito, sumangguni sa mga sumusunod na mga talata. Kailangan mong sundin ang parehong mga hakbang na tinalakay kanina sa plataporma upang makapagdeposito ng cash sa iyong Binomo account.
Mga bansang Latam at Brazil
Ipagpalagay na ikaw ay residente ng mga bansang Latin-America, gaya ng Mexico, Brazil, at Argentina. Sa ganitong kaso, ikaw ay maaaring makapagdeposito ng mga pondo sa Binomo gamit ang kahit alin sa mga cards na binibigay ng iyong lokal na banko. Muli, ang card ay maaaring personalized o non-personalized.
Mangyaring sumangguni sa mga susunod na seksyon para sa mga karagdagang opsyon sa pagdeposito, gaya ng e-wallet. Upang magdagdag ng pera sa iyong Binomo account, ulitin ang mga hakbang sa taas.
Tandaan! Hindi lahat ng mga bansa sa Latin America ay may option sa pagdeposito sa Binomo gamit ang isang bank card.
Ukraine
Ang mga mamamayan ng Ukraine ay maaaring maglagay muli sa kanilang mga Binomo account gamit ang bank cards. Ang kailangan mo lang ay isang balidong bank card na inisyu ng iyong lokal na banko at sinusuportahan ng mga card mula sa mga malalaking kumpanya gaya ng VISA at Mastercard.
Upang gumawa ng isang deposito gamit ang isang bank card na inisyu ng isang Ukranian na banko, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Pindutin ang dilaw na buton na “Deposit” (Magdeposito) na kasunod ng profile icon.
- Piliin ang “Ukraine” sa seksyon na “Country” (Bansa).
- Piliin ang paraan ng pagdeposito: VISA or MasterCard / Maestro.
- Ipasok ang halaga ng deposito.
- Isulat ang mga detalye ng iyong bank card (numero ng card, petsa ng pagkawalang-bisa, CVV2) at pindutin ang “Pay Now” (Magbayad Ngayon) na buton.
- Kumpirmahin ang pagbabayad gamit ang one-time password na matatanggap sa isang SMS na mensahe.
Kapag ang mga pondo ay nakredito na sa iyong Binomo account, ikaw ay ire-redirect sa pahina na may halaga ng pagbabayad, petsa, at ID ng transaksyon.
Kazakhstan
Ang mga may hawak ng Kazakhstan bank card ay maaari ring magdeposito ng pondo sa kanilang Binomo account. Magagawa nila ito gamit ang Mastercard / Maestro at VISA / Mastercard P2P.
Kung pipiliin mo ang pangalawang opsyon, sundin ang mga tagubiling ito para sa pagdeposito ng pondo sa Binomo:
- Pumunta sa iyong profile sa site na www.binomo.com at piliin ang “Cashier” na seksyon.
- Pindutin ang “Deposit funds” (Magdeposito ng Pondo) at pindutin din ang “VISA / MasterCard P2P”.
- Ipasok ang halaga at pindutin ang “Deposit” (Magdeposito).
- Ikaw ay ire-redirect sa payment system na pahina, kung saan kailangan mong pumili ng banko mula sa listahan.
- Pindutin ang “Confirm” (Kumpirmahin) at “Payment completed” (Nakumpleto ang pagbabayad). Mayroon kang 25 minuto para sa proseso na ito.
Tandaan! Maaari mong dagdagan ang halaga ng iyong deposito gamit ang bonus o kupon. Ang halaga ng bonus ay nagdedepende sa kalagayan ng iyong account.
Paano magdeposito sa pamamagitan ng e-wallet and crypto wallet?
Kasama ng mga bank card, ang Binomo ay nagbibigay din ng iba pang opsyon para sa pagdedeposito, kabilang na ang e-wallet at crypto wallet. Ang iba sa mga sikat na pamamaraan na ito ay higit na tinatalakay sa baba.
Mga crypto wallet
Kung ikaw ay nagmamay-ari ng crypto wallet gaya ng Ethereum o Cryptowallets, maaari mong gamitin ang mga ito sa pagdeposito ng mga pondo sa iyong Binomo account. Magpadala ng kahilingan sa pagbabayad sa www.binomo.com sa pamamagitan ng seksyong “Cashier” o sa mobile app sa pamamagitan ng seksyong “Balanse”.
Ang mga sumusunod na mabilis na gabay ay maaaring makatulong sa pagpondo ng iyong account gamit ang crypto wallet:
- Pindutin ang “Deposit funds” (Magdeposito ng Pondo) at piliin ang iyong bansa mula sa listahan.
- Sa mga available na paraan ng pagbabayad, piliin ang iyong crypto wallet.
- Ipasok ang halaga na nais mong ideposito sa iyong Binomo account.
- Piliin ang nais mong Barya at mag-checkout.
- I-tsek ang halaga ng deposito sa cryptocurrency at address sa pagbabayad.
- Kopyahin ang datos na ito bago umalis sa pahina.
- Kumpletuhin ang transaksyon sa iyong crypto wallet.
Sa karamihang mga kaso, ang mga pondo ay naki-kredito sa iyong account sa loob ng isang oras. Ngunit, ang eksaktong oras ng pagproseso ay maaaring magdepende sa bilang ng mga kinakailangang pagkumpirma ng blockchain at iba pang mga kadahilanan.
Ang pagdeposito ng pera sa iyong Binomo account mula sa isang crypto wallet ay maaaring magdulot ng ilang mga isyu. Ang mga tip na ito ay makakatulong sa iyo sa pag troubleshoot:
- Tingnan kung ikaw ba ay naglilipat ng mga barya mula sa tamang crypto wallet; kung hindi, ang mga ito ay hindi na ibabalik.
- Ikaw ay may 15 minuto para ipadala ang halaga sa address na nasa invocie. Kung ikaw ay nakapagpadala ng kulang na halaga, bago matapos ang bisa ng 15 minuto na ito, maaari mong ipadala ang iba. Kapag ang oras na ito ay lumipas na, huwag magpadala ng pondo! Ikaw ay makakatanggap ng email na may refund instructions.
- Kung ikaw ay nakapagpadala ng higit pa ng nasa invoice, ang pagkakaiba ay ibabalik sa iyo. Ikaw ay makakatanggap ng email na may tagubilin kung paano makakuha ng refund.
Kung ikaw ay nahaharap sa anumang problema sa iyong deposito o refund, makipag-ugnayan sa support@binomo.com.
Tandaan! Pakitandaan na ang provider ay kumukuha ng komisyon para sa refund.
Skrill
Kung ikaw ay mayroong Skrill, maaari mo itong gamitin sa pagdeposito ng pondo sa pamamagitan ng paggamit sa mga sumusunod na hakbang:
- Pindutin ang “Deposit” (Magdeposito) na buton at piliin ang iyong bansa.
- Piliin ang paraan ng pagbabayad bilang “Skrill”.
- Ilagay ang halaga ng deposito at pindutin ang “Deposit” (Magdeposito).
- Kopyahin ang email account ng Skrill ng Binomo at pindutin ang “Next” (Susunod). Maaari mo ring tingnan ang GIF na tagubilin sa pamamagitan ng pagpindot ng “How to deposit” (Paano magdeposito).
- Ipasok ang Skrill transaction ID. Para dito, buksan ang iyong Skrill account at pindutin ang “Send” (Ipadala) na buton upang ilipat ang mga pondo sa Binomo account na kinopya mo ang address.
- Pindutin ang “Confirm” (Kumpirmahin).
- Ikaw ay makakatanggap ng kumpirmasyon sa iyong transaction sa loob ng ilang sandali.
Maaari mo ring tingnan ang impormasyon tungkol sa iyong deposito sa pahinang “Transaction history” (Kasaysayan ng mga transaksyon) sa iyong account.
Neteller
Maraming mga mangangalakal ang tinuturing ang Neteller bilang isa sa mga pinakapopular na paraan ng pagdeposito sa Binomo. Tingnan natin kung paano magdeposito ng pondo sa iyong account gamit ang e-wallet na ito:
- Pindutin ang “Deposit” (Magdeposito), piliin ang iyong bansa, at piliin ang “Neteller” bilang iyong paraan sa pagbabayad.
- Tukuyin ang halaga ng deposito at pindutin ang buton na “Deposit” (Magdeposito).
- Kopyahin ang iyong email address at pindutin ang “Next” (Susunod).
- Mag-log in sa iyong Neteller account at piliin ang seksyon na “Money Transfer”.
- Idikit ang nakopyang email address at pindutin ang “Continue” (Magpatuloy).
- Ilagay ang halaga na napili mo sa Binomo at pindutin ang “Continue” (Magpatuloy).
- Suriin ang mga detalye ng iyong paglipat at pindutin ang “Confirm” (Kumpirmahin).
- Ilagay ang iyong Secure ID upang kumpletuhin ang iyong transaksyon at pindutin ang “Confirm” (Kumpirmahin).
- Bumalik sa pahina ng Binomo pagkatapos lumabas ang mensaheng “Money Sent” (Naipadala na ang Pera).
- Idikit ang ID ng transaksyon na ibinigay sa iyong Neteller account at pindutin ang “Confirm” (Kumpirmahin).
Hintayin ang mensahe na ang pagbabayad ay matagumpay. Ngayon ay maaari ka nang mag-umpisang mangalakal sa isang tunay na account.
AdvCash
Ang AdvCash ay isa sa mga pinakapopular na e-wallet sa maraming mga bansa, kasama na ang Latin America. Tingnan natin kung paano mabilisang magdeposito ng pondo sa Binomo gamit ang AdvCash wallet
- Pindutin ang buton na “Deposit” (Magdeposito) at piliin ang iyong bansa sa seksyong “Сountry” (Bansa).
- Piliin ang paraan ng pagbabayad bilang AdvCash.
- Ilagay ang halaga at pindutin ang “Deposit” (Magdeposito).
- Pindutin ang buton na “Go to payment” (Magpunta sa pagbabayad) kapag ikaw ay dinala sa pahina ng pagbabayad ng AdvCash.
- Mag-log in sa Advcash gamit ang iyong email address at password.
- Piliin ang currency sa iyong AdvCash account at pindutin ang buton na “Continue” (Magpatuloy).
- Kumpirmahin ang iyong paglipat.
Ikaw ay makakatanggap ng mensahe na magkukumpirma sa isang matagumpay na transaksyon.
Turkey (Hizli Papara)
Ang Binomo ay nag-aalok sa mga Turkish na mangangalakal ng ilang opsyon sa pagdeposito gamit ang e-wallet: Payfix, Papara, Webmoney WMZ, Jeton Wallet, at Hizli Papara. Ang huli ay ang pinakapopular sa Turkey. Isaalang-alang kung paano magdeposito ng pondo sa Binomo gamit ang Hizli Papara:
- Pindutin ang buton na “Deposit” (Magdeposito) at piliin ang iyong bansa, Turkey.
- Piliin ang iyong gustong paraan ng pagbabayad, Hizli Papara.
- Ipasok ang halaga ng deposito at pindutin ang “Deposit” (Magdeposito).
- Pindutin ang “OTO PAPARA” sa bagong nabuksan na pahina.
- Ipasok ang iyong pangalan at apelyido sa iyong Papara account.
- Pindutin ang buton na “YATIR”.
- Ipasok ang SMS code na ipinadala sa iyong mobile phone at kumpirmahin ang aksyon.
Sa lalong madaling panahon isang mensahe ang lalabas sa screen na ang pagbabayad ay matagumpay. Ikaw ay maaari nang magpunta sa kasaysayan ng transaksyon sa Binomo upang makita ang mga detalye tungkol sa iyong nagdaang mga transaksyon.
Indian (PayTM)
Ang PayTM ay isang popular na paraan ng pagbabayad sa India. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na hakbang upang gumawa ng pagbabayad gamit ang PayTM:
- Pindutin ang buton na “Deposit” (Magdeposito) at piliin ang iyong bansa, India.
- Piliin ang iyong paraan ng pagbabayad, “PayTM”.
- Ipasok ang mga karagdagang impormasyon: telepono, syudad, address.
- Pindutin ang “Magdeposito” pagkatapos ipasok ang halaga ng deposito, gaya ng INR 4.000.
- Ngayon ay mag-log in sa iyong PayTM account.
- Piliin ang iyong card. Samantala, ikaw ay makakatanggap ng OTP. Pindutin ang “Confirm” (Kumpirmahin) pagkatapos ipasok ang OTP.
- Ang iyong transaksyon ay makukumpleto sa loob lamang ng ilang mga sandali.
Katulad nito, ikaw ay maaaring magdeposito ng mga pondo gamit ang ibang e-wallet at crypto wallet na available sa Binomo.
Paano magdeposito sa pamamagitan ng internet banking?
Maaari kang makapagdeposito ng mga pondo sa pamamagitan ng bank transfer, lalo na kung ikaw ay gumagamit ng Binomo sa India, Pakistan, Indonesia, at Brazil. Ang mga sumusunod ay may katuturang impormasyon tungkol sa ibang mga sikat na paraan sa internet banking.
Colombia
Kung ikaw ay galing sa Colombia at nais mong maglipat ng mga pondo sa pamamagitan ng internet banking, gamitin lamang ang mga sumusunod na mga hakbang.
- Pindutin ang buton na “Deposit” (Magdeposito) at piliin ang iyong bansa, Colombia.
- Pumili ng paraan ng pagbabayad bilang “Bank Transfer”.
- Ipasok ang iyong halaga ng deposito at pindutin ang “Deposit” (Magdeposito) na buton.
- Ipasok ang mga kailangang impormasyon (syudad, telepono, at iba pang mga datos) at pindutin ang “Pay” (Magbayad).
- Ikaw ay dadalhin sa pahina ng pagbabayad ng iyong napiling banko. Punan ang form at kumpirmahin ang pagbabayad.
- Maghintay ng ilang sandali upang maproseso ang iyong bayad.
Maaari mong silipin ang kalagayan ng iyong transaksyon sa tab na “Transaction history” (Kasaysayan ng mga Transaksyon) sa Binomo.
India
Ang isang hanay ng pamamaraan ay available sa India upang maglipat ng mga pondo sa pamamagitan ng internet banking. Ang mga sumusunod na mga paraan sa pagbabayad ay available para sa mga mangangalakal mula sa India: Upi, Indian Exchanger, NetBanking, at IndianCash.
Habang ang mga hakbang ay kahalintulad sa mga tinalakay sa mga nagdaang seksyon, ang buod ay nilalatag sa ibaba:
- Pumunta sa pahina na “Deposit” (Magdeposito), piliin ang iyong bansa “India” at pumili ng paraan ng pagbabayad, halimbawa, NetBanking.
- Ipasok ang iyong halaga at karagdagang impormasyon (numero ng telepono, pangalan ng banko).
- Pindutin ang buton na “Deposit” (Magdeposito).
- Ipasok at ipasok muli ang iyong nakarehistrong numero ng telepono at pindutin ang “Login”.
- Gamitin ang OTP na pinadala sa numero ng iyong telepono.
- Ipasok ang iyong card PIN at pindutin ang “Login”.
- Suriin ang katumpakan ng nakalagay na datos ng pagbabayad at pindutin ang buton na “Pay” (Magbayad).
Iyon lamang; pagkatapos makumpleto ang pagbabayad, ikaw ay maaari nang bumalik sa plataporma ng Binomo at mag-umpisang mangalakal kung ang transaksyon ay matagumpay.
Brazil
Kung maglilipat sa pamamagitan ng internet banking sa Brazil, ikaw ay maaaring pumili mula sa ilang mga pagpipilian, gaya ng Pix, Bank Transfer, Itau, Bradesco, Boleto Rapido, Santander, at Internet Banking / Cash. Ang mga pangkalahatang tagubilin ay pareho sa mga tinalakay sa mga nagdaang seksyon.
Tingnan natin kung paano magdagdag ng pera sa Binomo gamit ang Boleto Rapido:
- Pindutin ang buton na “Deposit” (Magdeposito), piliin ang bansa “Brazil” at ang paraan ng pagbabayad “Boleto Rapido”.
- Ipasok ang iyong personal na datos: pangalan, CPF, CEP, email address, at numero ng telepono pagkatapos ma-redirect sa pahina ng payment service provider.
- Pindutin ang “Confirm” (Kumpirmahin).
- Pindutin ang “Safe PDF” o kopyahin ang barcode.
- Mag-login sa iyong bank account app, pindutin ang “Pagamentos”.
- Pindutin ang “Digitar Números” at ipasok ang Boleto numbers.
- Ikaw ay dadalhin sa isang pahina ng kumpirmasyon. I-verify na ang impormasyon ay tama at pindutin ang “Confirmar”.
- Suriin kung tama ang kabuuan at pindutin ang “Próximo”.
- Pindutin ang “Finalizar” at ipasok ang iyong 4-digit PIN.
Manatiling maghintay para sa pagtanggap ng mga pondo sa iyong Binomo account at magsimulang mangalakal.
Tandaan! Kapag gumagamit ng “Boleto Rapido”, maaaring umabot ng 3 araw para ma-kredito ang pondo sa iyong Binomo account.
South Africa
Ikaw ay maaaring pumili ng kahit alin sa mga lokal na banko upang magdeposito ng mga pondo sa Binomo: Capitec, FNB, Absa, Investec, Standard, NedBank, African Bank, Tyme Bank, Old Mutual, Bidvest.
Ang Capitec at FNB ay ilan sa mga pinakakilalang paraan ng pagbabayad sa South Africa. Tingnan natin ang isang halimbawa ng Capitec kung paano magdeposito ng pondo sa Binomo:
- Pumunta sa tab na “Deposit” (Magdeposito), piliin ang iyong bansa at piliin ang “Capitec” na paraan ng pagbabayad.
- Piliin ang halaga ng iyong deposito at pindutin ang “Deposit” (Magdeposito).
- Mag-sign in sa iyong Capitec bank account. Ipasok ang iyong Username at Password at i-verify ang authentication notification na iyong matatanggap sa banking app.
- Kung sakaling mayroon kang higit sa isang savings account, ikaw ay huhudyatang pumili ng account na nais mong gamitin para sa paglipat ng pondo.
- Siguraduhing ipasok ang numero ng iyong telepono, dahil ito ay gagamitin para sa pagpadala ng patunay ng pagbabayad.
- Pindutin ang buton na “Send” (Ipadala).
Sa sandaling makumpleto ang pagbabayad, ikaw ay dadalhin sa pahina na “Payment Successful” (Matagumpay na pagbabayad) kasama ang ilang mga detalye ng transaksyon.
Fees
Ang Binomo ay hindi naniningil ng bayad o komisyon kapag ikaw ay nagdedeposito ng pondo sa iyong account. Bukod dito, walang subscription fee kapag nangalakal sa plataporma ng Binomo.
Kasabay nito, ang pinakamababang deposito sa Binomo ay $10 lamang ($5 o ang katumbas ng halaga sa INR para sa mga mangangalakal sa India). Maaari ka ring gumamit ng bonus o taasan ang halaga ng deposito kapag pinupunan ang iyong account.
Gayunpaman, ang ilang mga service provider ay maaaring maningil ng bayad sa paglipat, lalo na kung ikaw ay magdedeposito sa isang currency maliban sa currency ng iyong Binomo account. Ang payment service provider ay maaaring maningil ng conversion fee.
Siguraduhing bisitahin ang website ng iyong payment service provider upang malaman kung ano ang mga bayad na kanilang sinisingil. Bilang isang patakaran, bumubuo sila ng isang maliit na porsyento. Pero mahalagang malaman ito bago magdeposito sa Binomo upang ikaw ay hindi masurpresa sa biglaang pagsingil para sa paglipat ng pondo.
Mga madalas itanong (FAQ)
Kapag ikaw ay hindi pa rin nalinawan tungkol sa ilang aspeto ng pagdeposito ng pondo sa Binomo, ang mga sumusunod na maikling sagot sa ilang mga madalas na tanong ay makakatulong.
Ligtas bang magpagpadala ng iyong pondo?
Ganap na ligtas magpadala ng pondo sa pamamagitan ng “Cashier” na seksyon o sa buton na “Deposit” sa www.binomo.com. Ang kompanya ay nakikipagtrabaho lamang sa mga napatunayan at maaasahang mga payment service provider, parehong pambansa at internasyonal.
Higit pa rito, ang mga payment service provider ay sumusunod sa lahat ng lokal at internasyonal personal data protection at security standards. Kasama sa mga ito ang 3-D Secure at ang PCI standard (ginagamit ng VISA at iba pa). Samakatuwid, ang iyong datos ay laging ligtas, at ikaw ay makakapagdeposito ng pera sa Binomo nang hindi nababahala tungkol sa seguridad.
Paano magdeposito gamit ang isang non-personalized card?
Sa Binomo, ikaw ay makakapagdeposito gamit ang isang non-personalized card, halimbawa, isang bank card na pinagmamay-ari mo ngunit walang pangalan mo. Gayunpaman, may mga ilang karagdagang hakbang na dapat gawin kapag gumagamit ng ganitong klaseng bank card.
Kailangan mong patunayan na ikaw nga ang nagmamay-ari ng non-personalized card. Isumite ang isa sa mga sumusunod na dokumento sa Binomo support upang kumpirmahin ang iyong pagmamay-ari ng card:
- Reference mula sa banko na may opisyal na lagda/selyo.
- Bank statement na inisyu ng iyong banko na may opisyal na lagda/selyo.
- Screenshot mula sa iyong bank account sa app o website.
Siguraduhin na ang pangalan ng may hawak ng card at ang numero ng card ay nakikita sa mga dokumento. Upang magpadala ng mga dokumento sa support@binomo.com, gamitin ang email na iyong tinukoy noong ikaw ay nagrehistro sa plataporma.
Hindi makapagdeposito gamit ang bank card, ano ang aking gagawin?
Kapag ikaw ay hindi makakapagdagdag ng pera sa Binomo gamit ang bank card, subukan ang mga sumusunod na tip:
- Tiyakin na ang iyong bansang tinitirhan ay nakasaad ng tama sa iyong profile at payment order. Ito ay dapat kapareho ng tirahan ng may hawak ng card.
- Tingnan kung napili mo ba ang tamang tatak ng card. Halimbawa, maaari mong napili ng mali ang Mastercard, kahit na ang tatak ng iyong card ay VISA.
- Suriin ng dalawang beses at siguraduhin na lahat ng detalye ng accout gaya ng Numero ng Card, Petsa ng Pagkawalang Bisa, at CVC ay tama.
- Kontakin ang iyong card provider o mobile operator kapag hindi mo natanggap ang code ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng SMS. Kapag natanggap mo na ito, siguraduhing naipasok ng tama ang code.
- Gumamit ng ibang browser o linisin ang iyong cache kung ang isyu ang magpapatuloy.
Kapag hindi mo pa rin naresolba ang isyu, kumontak sa Binomo support at pumili ng ibang paraan ng pagbabayad gaya ng e-wallet o internet banking.
Hindi tumuloy ang aking deposito, ano ang gagawin ko?
Ang problemang ito ay hindi madalas na nangyayari ngunit maaari pa ring mangyari sanhi ng iba’t-ibang rason.
1) Ang mga pondo ay hindi nabawas mula sa iyong Wallet o Card
Ang pinakakaraniwang dahilan ay ang iyong bayad ay nakabinbin, at maaari itong tumagal na ilang oras (hanggang 3 business days) para ito ay maproseso. Ngunit, kapag ang iyong bayad ay hindi tinanggap, sasabihin sa iyo ng service provider ang rason ng pagtanggi upang maresolba mo ang isyu.
Kapag ang bayad ay hindi pumasok sa loob ng 7 araw, makipag-ugnayan sa Binomo support o sa iyong service provider para sa tulong at gabay tungkol sa pagkumpleto ng transaksyon.
2) Ang mga pondo ay nabawas ngunit hindi nakredito sa Binomo
Sa kasong ito, nirerekomenda ng Binomo na maghintay ng isang business day. Ngunit kapag ang problema ay nagpatuloy, makipag-ugnayan sa Binomo support sa pamamagitan ng email, magpadala ng katibayan ng pagbabayad gaya ng ID ng transaksyon, numero ng account, at screenshots.
Kapag nakita mo ang kalagayan ng iyong bayad bilang “Pending”, sundin ang mga hakbang na ito:
- Tingnan kung nasunod mo ba ang mga tagubilin ng tama para sa pagdeposito sa Binomo. Available ito sa Help Center sa ilalim ng “Deposit”.
- Kontakin ang iyong banko/digital wallet provider upang makatulong sa isyu kapag ang pagproseso ng iyong bayad ay umabot sa mahigit isang araw ng negosyo.
- Mag-email sa support@binomo.com kapag ang pondo ay hindi nakredito sa iyong account at ang iyong payment provider ay sinisiguradong maayos ang lahat.
Maaari mong tingnan ang seksyon ng transaction history sa iyong account upang makakuha ng iba pang mga impormasyon tungkol sa lahat ng nagdaang transaksyon. Ang seksyon ng “Transaction history” ay matatagpuan sa “Cashier” kapag ikaw ay nangangalakal sa pamamagitan ng site na www.binomo.com. Kapag ikaw ay gumagamit ng mobile application, buksan ang kaliwang bahagi na menu, piliin ang seksyon na “Balance” at tingnan ang kasaysayan ng transaksyon.
Kapag ang kalagayan ng iyong deposito ay “Rejected” or “Error”, pindutin ang tinanggihang deposito upang malaman kung bakit. Subukang tanggalin ang sanhi at magpadala ulit ng deposito. Kapag nagpatuloy ang error, mag email sa support@binomo.com.
Ilang oras ang aabutin upang madeposito ang pondo sa aking account?
Sa sandaling makumpleto mo na ang transaksyon, itatalaga ang status na “Pending”. Ipinahihiwatig nito na ang payment service provider ay nagpuproseso ng bayad. Sa karamihan ng mga kaso, ang iyong pondo ay lalabas sa iyong account sa loob ng isang oras. Ngunit minsan, dahil sa mga regulasyong nasyonal o sa mga limitasyon sa pagproseso, maaari itong abutin ng hanggang 6-8 na oras.
Tandaan na ang maximum na oras ng pagproseso para sa karamihan ng mga payment service provider ay 3-5 araw ng trabaho, na bihirang dumating doon. Gayunpaman, ang iyong bayad ay maaaring tumugma sa mga pambansang pista opisyal at maaaring maantala ng ilang araw. Sa ganitong kaso, kontakin ang iyong service provider upang malaman ang eksaktong kalagayan ng iyong bayad at ang inaasahang oras na kailangan upang ma-clear ito.
Paano ko pondohan ang aking account gamit ang card (e-wallet) sa ibang currency?
Hindi mo kailangang mag-alala kung ang iyong card o wallet ay nasa ibang currency. Magpatuloy sa karaniwang paraan ng pagbabayad, i.e., sa pamamagitan ng seksyong “Cashier” sa website na www.binomo.com o sa “Balance” sa app. Ang iyong pondo ay otomatikong maku-convert sa currency ng Binomo account.
Gayundin, tandaan na ang Binomo ay hindi naniningil ng anumang currency conversion fees. Gayunpaman, ang ibang fees ay maaaring ma-apply mula sa payment service provider. Samakatuwid, nirerekomenda na alamin ang tungkol dito mula sa iyong service provider bago magbayad.
Bukod dito, bago maproseso ang iyong bayad, ipapakita sa iyo ng Binomo ang na-convert na halaga sa target na currency. Sinisiguro nito ang mas mahusay na pagawa ng desisyon mula sa dulo ng user.
Naniningil ba kayo sa pagdedeposito?
Ang Binomo ay hindi naniningil ng bayad o komisyon kapag ikaw ay nagdeposito ng pondo sa Binomo account. Sa totoo lang, ito ay kabaligtaran. Kapag ikaw ay naglagay muli sa iyong account, makakakuha ka ng bonus. Ang halaga ng deposit bonus ay depende sa status ng iyong account at maaaring umabot ng hanggang 100% para sa Standard, hanggang 150% para sa Gold, at hanggang 200% para sa VIP.
Gayunpaman, ang ilang mga payment service provider ay maaaring maningil ng bayad para sa paglipat ng pondo. Ito ay totoo kapag ang iyong paraan ng pagbabayad at Binomo account ay pinapatakbo sa iba’t-ibang currency. Sa mga ganitong kaso, ang service provider ay maaaring maningil ng partikular na conversion fee.
Tandaan! Tiyaking magtanong sa iyong payment service provider kung mayroon bang applicable fee/fees.
Maaari ba akong magdeposito gamit ang isang card na hindi akin?
Ang isang malinaw at direktang sagot sa tanong na ito ay HINDI.
Ang paggamit ng card ng iba o ng ibang paraan ng pagbabayad ay mahigpit na pinagbabawal ayon sa Kasunduan sa Kliyente. Tiyakin na ang alinmang card o e-wallet na iyong ginagamit sa pagdeposito ng pondo sa Binomo ay iyong pagmamay-ari.
Maaari ka pa ring gumamit ng non-personalized card bilang paraan ng pagdeposito. Tandaan, ang non-personalized card ay walang pangalan mo, pero ito ay iyo. Kapag gumawa ng transaksyon, kailangan mong i-verify ang iyong ownership sa card para makumpleto ang transaksyon.
Kailan ma-kredito ang mga pondo sa aking account?
Maaaring ito ay higit na nakadepende sa iyong payment service provider. Ang ilang paglipat, kadalasan sa pamamagitan ng bank card, ay agad na naki-kredito, habang ang iba ay maaaring abutin ng 3 araw.
Tandaan na ang mga pambansang batas, mga polisiya ng payment service provider, o mga lokal na holiday ay maaaring makaantala sa pagproseso ng transaksyon. Sa 99% na mga kaso, ang pagka-antala ay nasa payment service provider at wala sa Binomo.
Huwag mag-alala kung ang iyong pondo at hindi nakredito sa iyong account kahit pagkatapos ng ilang oras. Maghintay ng hindi bumaba sa isang araw ng negosyo. Kapag ang isyu ay nagpatuloy, makipag-ugnayan sa support@binomo.com upang malaman ang tunay na rason ng pagkaantala.
Paano mangalakal sa Binomo online?
Bago pag-usapan ang tungkol sa epektibong pangangalakal sa Binomo at mga oportunidad ng pamumuhunan, importanteng maunawaan kung paano mabawasan ang panganib na mawalan ng pondo. Samakatuwid, ang bawat mangangalakal ay dapat alam kung paano gumagana ang plataporma ng Binomo, mula sa pagpili ng mga asset hanggang sa pagset-up ng mga tsart.
Ano ang asset?
Ang asset ay isang instrumentong pinansyal na maaaring gamitin para sa live trading. Kasama sa mga halimbawa ng asset ay currency pairs, indices, mga commodity, at equity securities, upang pangalanan ang ilan. Ang kumpletong listahan ng mga asset na available para sa pangangalakal sa plataporma ay makikita sa iyong account sa kaliwang itaas na bahagi ng sulok sunod ng nakasulat na “Binomo”.
Ang bilang ng mga asset na available para sa online na kalakalan ay nagdedepende sa uri ng iyong Binomo account:
- Standard – mahigit sa 40;
- Gold – mahigit sa 60;
- VIP – mahigit sa 70.
Ang presyo ng mga asset ay parating nagbabago depende sa sitwasyon ng merkado. Ang trabaho ng mga mangangalakal ay ang suriin ito at hulaan kung paanong ang presyo ng isang asset ay magbabago sa isang tiyak na oras.
Para pumili ng asset, halimbawa, ang EUR/USD currency pair, sundin ang mga hakbang na ito:
- Pindutin ang asset sa kaliwang itaas na bahagi ng sulok ng plataporma upang makita ang listahan ng mga available na mga asset.
- Pumili ng isa sa mga asset upang mangalakal. Ang mga asset na available para sa uri ng iyong account (Standard, Gold, o VIP) ay nahahati sa mga seksyon.
Kung ikaw ay gumagamit ng web na bersyon ng plataporma, maaari kang mangalakal sa maraming asset ng sabay-sabay. Pindutin ang “+” na buton sa kaliwa mula sa asset section. Ang asset na iyong mapipili ay madadagdag.
Tandaan! Ilan sa mga asset ay available lamang sa mga particular na araw ng linggo.
Paano mag-umpisang mangalakal?
Ang pagkakaroon ng kailangang puhunan ay isa sa mga hakbang upang makapag-umpisa ng pangangalakal sa Binomo. Ngunit ang pagkakaroon ng mga pondo ay hindi sapat upang masiguro ang mga positibong resulta. Importanteng mauwaan kung paano gumagana ang Binomo, anong gamit sa pangangalakal ang binibigay nito, at paano sila epektibong gamitin.
Iyon ang dahilang kung bakit ang mga baguhan ay dapat subukan muna ang demo account bago lumipat sa tunay na pamumuhunan at pangangalakal sa Binomo. Ito ay isang ligtas na lugar na may birtwal na $1000 kung saan maaari kang matuto kung paano mangalakal sa plataporma. Kasabay nito, ang demo account ay nagpapahintulot sa iyo na gumamit ng mga live na tsart para sa pangangalakal.
Tandaan! Ang Binomo ay nagbibigay ng kanyang serbisyo sa Hindi, English, at iba pa (maliban sa Malayalam).
Paano gumagana ang Binomo?
Ang plataporma ng pamumuhunan ng Binomo ay available sa Pilipinas at mahigit 130 na bansa sa buong mundo. Dito, ang isang mangangalakal ay maaaring mamuhunan at mangalakal anuman ang kanilang karanasan. At ang lahat ay salamat sa maginhawa at tuwid na sistema ng FTT (Fixed Time Trades).
Tingnan natin kung paano mamuhunan at mangalakal sa Binomo:
- Pumili ng uri ng account. Bago mangalakal ng live, huwag kalimutang lumipat mula sa isang demo account papunta sa isang tunay na account.
- Pumili ng asset mula sa listahan ng mga available para sa uri ng iyong account. Ang porsyentong nakalagay kasunod ng asset ay nagsasaad ng kakayahang kumita nito. Kung mas mataas ito, mas marami kang makukuha mula sa halaga ng kalakalan kung sakaling magkaroon ng tamang hula.
- Itakda ang halaga ng kalakalan. Ang pinakamababang halaga ng kalakalan ay $1 o ang katumbas sa currency ng iyong account. Ang pinakamataas na halaga ng kalakalan ay $1000. Ang pinakaligtas na paraan para sa mga baguhan ay ang mag-umpisang mangalakal sa Binomo gamit ang maliit na puhunan lamang para subukan muna ang merkado at maging komportable.
- Pumili ng oras ng pag-expire ng kalakalan. Oras na para matapos ang kalakalan. Sa seksyon na “Time”, maaari mong itakda ang pinakamahusay na oras para sa iyong pangangalakal mula 1 hanggang 60 minuto. Sa kanang kolum, makikita mo ang mga 1 minutong yugto; sa kaliwang kolum, makikita mo ang mga 15 minutong yugto.
- Gumawa ng hula. Suriin ang paggalaw ng presyo sa tsart at gawin ang iyong hula kung ito ba ay tataas o bababa. Pindutin ang berdeng buton kung ikaw ay nakakasigurado na ang presyo ng asset ay tataas o ang pulang buton kung ikaw ay sigurado na ito ay bababa.
Kapag ang iyong hula ay tama, ikaw ay makakakuha ng karagdagang kita mula sa kalakalan (ang halaga ng puhunan at ang porsyento nito). Kung hindi, mawawala ang iyong puhunan.
Tandaan! Ang kakayahang kumita ng kalakalan ay nagdedepende sa uri ng Binomo account; hanggang 85% para sa Standard, hanggang 90% para sa Gold/VIP.
Ang pinakamagandang oras para makipagkalakalan
Ang pang-araw na pangangalakal ay perpekto para sa iyo kung alam mo na kung paano pamahalaan ang iyong kapital, kilalanin ang mga uso, at agad na tumugon sa pagbabago sa kondisyon ng mercado.
Sa gabi, ang merkado ay kalmado, kaya para sa mga baguhan, ito ang pinakamahusay na oras para mangalakal. Ang napiling estratehiya ay nakakaapekto rin sa oras ng pangangalakal. Halimbawa, ang “Night channel” na estratehiya ay maaaring gumana sa gabi, ngunit ito ay magdadala ng pagkalugi sa umaga.
Kasaysayan ng mga kalakalan
Ang plataporma ng Binomo ay nagpapahintulot sa iyo na subaybayan ang iyong aktibidad sa pangangalakal. Mahahanap mo ang impormasyon tungkol sa mga nakumpletong kalakal sa seksyon na “Trades”. Ang kasaysayan ng mga kalakalan ay available sa web na bersyon ng Binomo at sa mobile app.
Upang makita ang kasaysayan ng pagbukas at pagsara ng mga kalakalan, sundin ang mga hakbang na ito:
- Sa web na bersyon, piliin ang icon na relo at pindutin ang ginustong kalakalan.
- Sa mobile app, buksan ang menu at piliin ang seksyon na “Trades”.
- Sa bagong bersyon ng Android app, pindutin ang icon na relo sa menu bar sa baba.
Ang kasaysayang ng kalakalan ay isang mahalagang instrumento upang matulungan kang subaybayan at i-analisa ang iyong pag-unlad sa pangangalakal. Ang lahat ng ito ay magpapabuti sa iyong kakayahang mangalakal.
Mayroon bang trading software?
Ikaw ay maaaring mangalakal nang maluwag sa iyong PC sa plataporma ng Binomo sa bahay o gumamit ng mobile app upang mamuhunan at mangalakal on the go. Ang mobile software ay hindi mas mababa sa web na bersyon ng plataporma, habang ito ay available kahit saan mang mayroong internet connection.
Tandaan! Maaari mong i-download ang mobile app sa opisyal na website na www.binomo.com gamit ang QR code o ang Google o Apple app na mga tindahan.
Magbasa ng tsart
Ang tsart ay nagpapakita ng mga pagbabago sa presyo ng asset sa real-time; samakatuwid, ito ay isang importanteng gamit para sa isang mangangalakal. Ang plataporma ay may apat na uri ng tsart; Bar, Candle, line, at Mountain. Kailangan mong pumili ng uri ng tsart na magpapahintulot sa iyo na suriin ang mercado, mamuhunan at mangangalakal sa real-time ng epektibo.
Tingnan natin kung paano i-customize ang tsart ayon sa iyong mga kagustuhan:
- Pindutin ang icon na tsart sa kaliwang sulok sa ibaba ng plataporma at pumili ng uri ng tsart. Bilang isang tuntunin, ang Candle na tsart ay ang pinaka-informative at pinaka may pakinabang.
- Pindutin ang icon ng oras at itakda ang time frame, na nagpapakita ng dalas ng mga bagong pagbabago sa presyo ng mga asset.
- Ayusin ang sukat ng tsart sa pamamagitan ng pagpindot ng “+” at “-“ na mga buton o sa pag-scroll ng mouse. Kung ikaw ay gumagamit ng mga mobile na application, mag-zoom in at out sa tsart gamit ang iyong mga daliri.
Tandaan! Maaari kang mamili ng uri ng tsart, time frame, at mga indicator sa bagong bersyon ng Android app sa panel sa itaas ng tsart.
Gumamit ng mga indicator
Ang mga indicator ay ilan pa sa mga kapakipakinabang na gamit para sap ag-analisa ng tsart. Malinaw nilang ipinapakita kung paano ang mercado at ang presyo ng isang asset ay nagbabago. Ang mga indator ay gumagana ng maayos sa mga estratehiya upang matulungan ang mga mangangalakal sa pagawa ng tamang hula.
Mayroong iba’t-ibang indicator sa plataporma ng pangangalakal sa Binomo. RSI, Moving Average, Bollinger Bands, at iba pa. Kailangan mo lang pumili kung aling indicator ang pinakamahusay para sa kanilang mga layunin.
Isaalang-alang kung paano magset-up ng mga indicator sa Binomo:
- Pindutin ang icon ng “Trading tools” sa ibabang kaliwang sulok ng plataporma.
- Pindutin ang indicator na iyong kailangan.
- I-customize ito ayun sa iyong kagustuhan at pindutin ang “Apply”.
Makikita mo ang lahat ng mga aktibong indicator sa taas ng listahan. Kung ginagamit mo ang mobile app, sila ay ipinapakita sa tab na “Indicators”.
Sa kabila ng iba’t-ibang instrumento sa pangangalakal at demo account para sa pagsasanay, importanteng tandaan na ang pangangalakal ay laging may kaakibat na panganib na mawalan ng pondo. Ang pagpapahusay lamang ng iyong mga kakayahan sa pangangalakal at abilidad sa paggamit ng mga estratehiya at functionality ng plataporma sa tamang paraan ang makakapagbawas ng panganib na ito.
Mga madalas itanong (FAQ)
Nasa ibaba ang mga madalas na katanungan na makakatulong upang iyong maunawaan kung paano mangalakal sa plataporma ng Binomo.
Maaari ko bang isara ang isang kalakalan bago ang oras ng pag-expire?
Ang plataporma ng Binomo ay gumagamit ng FTT mechanics, kung kaya hindi mo maaaring isara ang isang kalakalan bago ito mag-expire. Halimbawa, kung pinili mo ang 17:30 bilang iyong oras ng pag-expire, ang kalakalan ay magsasara sa eksaktong 17:30. Hindi mo maaaring baguhin ang oras ng pagtatapos ng isang kalakalan.
Paano lumipat mula sa isang demo papunta sa isang tunay na account?
Ikaw ay maaaring lumipat mula sa isang demo account papunta sa isang tunay na account kahit anumang oras sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:
- Hanapin ang uri ng iyong account sa itaas na sulok ng iyong Binomo dashboard at pindutin ito.
- Piliin ang “Real account” sa dropdown na menu.
- Maghintay ng abiso na ikaw ay gumagamit na ngayon ng isang tunay na account.
Maaari ka nang mag-umpisang mangalakal gamit ang tunay na pondo pagkatapos mong lumipat mula sa isang demo account papunta sa totoong account.
Paano maging mahusay sa pangangalakal?
Upang epektibong makapangalakal, ang pagsulit sa bawat pagkakataon ay napakamahalaga. Ito ay nagpapahintulot sa iyo na hulaan ng tama ang paggalaw ng presyo ng asset, na humahantong sa karagdagang kita.
Sa ibaba ay mga gabay upang matulungan kang mapabuti ang iyong kahusayan sa pangangalakal:
- Galugarin muna ang plataporma bago magsimula sa aktwal na paglalakbay sa pangangalakal. Maaari kang gumamit ng demo account upang maging pamilyar sa iba’t-ibang tool at mga estratehiya na available sa Binomo. Maaari ka ring lumahok sa libreng “Daily Free” na torneo upang masubukan ang iyong potensyal laban sa mga tunay na mangangalakal.
- Pumili ng mga pamilyar na asset para sa pangangalakal. Kung hindi mo alam kung aling mga asset ang sikat, mag-umpisa sa pamamagitan ng pagsaliksik sa kanila. Magpokus sa iisang asset at subukang manghula kung paano magbago ang presyo nito.
- Subukan ang merkado sa pamamagitan ng pagdeposito ng mga maliliit na halaga. Sa plataporma ng pangangalakal ng Binomo, maaari kang magbukas ng isang kalakalan sa halagang kasing liit ng $1. Maaari mong dagdagan ang halaga ng kalakalan kapag may tiwala ka na sa iyong abilidad sa pangangalakal.
- Matuto ng mga bagong estratehiya, mga diskarte, at mga mekanika sa pangangalakal. Ang paggawa nito ay makakatulong upang ikaw ay makagawa ng mga tamang desiyon sa pangangalakal sa katagalan. Halimbawa, makakahanap ka ng mahusay na seksyon ng estratehiya sa plataporma ng Binomo na naglalarawan kung paano ang mga ito gamitin nang sunod-sunod.
Ano ang ibig sabihin ng natitirang oras?
Ang natitirang oras ay ang oras na natitira para sa isang mangangalakal na magbukas ng kalakalan na may napiling oras ng pag-expire. Sa mobile software, ito ay tinatawag na “Time to buy”. Ito ay minarkahan ng pulang patayong linya sa tsart at ipinapakita sa itaas nito (sa web na bersyon).
Ang natitirang oras ay depende sa nakatakdang oras ng pag-expire. Kapag iyong binago ang oras ng pag-expire, ang natitirang oras ay nagbabago rin.
Bakit hindi available sa akin ang ilang asset?
Ang hindi pagkakita sa ibang asset sa iyong Binomo account ay sanhi ng dalawang dahilan:
- Ang status ng iyong account. Ang ibang asset ay available lamang sa mga nagmamay-ari ng mga partikular na account. Halimbawa, kung ikaw ay may hawak na isang Standard na account, maaaring hindi mo ma-access ang ilan sa mga asset na available lamang para sa mga nagmamay-ari ng Gold o VIP na account.
- Availablity ng mga asset. Ang ilang mga asset ay available lamang sa mga partikular na araw ng linggo.
Ano ang time frame?
Ito ang panahon kung kailan nabuo ang tsart. Sa web na bersyon at sa mobile app, maaari mong baguhin ang time frame sa pamamagitan ng pagpindot sa icon sa ibabang-kaliwang sulok ng tsart. Sa bagong bersyon ng Android app, ang function na ito ay nakalagay sa panel sa taas ng tsart.
Tandaan na ang time frame ay maaaring mag-iba depende sa uri ng tsart:
- Para sa bar at candle na tsart, ang pinakamababang frame na pinapayagan ay 5 segundo, habang ang pinakamahaba naman ay 30 na araw.
- Para sa line at mountain na tsart, ang pinakamababang frame na pinapayagan ay 1 segundo, habang ang pinakamahaba naman ay 30 na araw.
Ang time frame na iyong itinakda para sa bawat tsart ay magtutukoy sa dami ng beses na ang pagbabago ng presyo ay ipinapakita sa mga tsart. Sa isang pagtaas ng time frame, ang pangunahing trend sa paggalaw ng presyo ay nagiging kapansin-pansin, na may pagbaba – kasalukuyan, lokal na mga uso.