Ang torneyo ng Binomo ay isang kaganapan na limitado sa oras kung saan ang mga mangangalakal ay makikipagkumpetensya sa bawat isa upang makatanggap ng premyong pondo. Ang torneyo ng Binomo ay maaring makatulong sa iyo na suriin ang iyong kakayahan sa pangangalakal. Dito maaari kang makipagkumpetensya sa iba pang mga mangangalakal: ayusin ang iyong mga estratehiya, pagbutihin ang iyong pangangalakal at makakuha ng karagdagang kita kung ikaw ay nagpakita ng kahanga-hangang resulta sa leaderboard.
- Paano gumagana ang mga torneyo ng Binomo?
- Paano hanapin ang mga torneyo ng Binomo?
- Pagsusuri sa mga detalye ng isang torneyo ng Binomo
- Tournament account
- Mga libreng kumpetisyon
- Mga bayad na paligsahan
- Accounting para sa mga resulta ng tournament sa talahanayan
- Pagbuo ng pondo ng premyo
- Mga muling pagbili ng torneyo
Paano gumagana ang mga torneyo ng Binomo?
Bawat kalahok sa torneyo ng Binomo ay magsisikap na maabot ang pinakamataas na balanse ng torneyo sa oras na ito ay matapos. Bilang resulta, ang mga kalahok na nakakuha ng mga lugar ng premyo ay nagagawaran ng mga premyong pondo. Ngunit tandaan, kung nais mong malaman kung paano laruin ang torneyo ng Binomo, hindi mo magagawa dahil ito ay hindi laro. Ito ay isang patas na kumpetisyon sa pagitan ng mga mangangalakal kung saan ang kaalaman sa pangangalakal at karanasan ay kailangan.
Ang tagal ng mga torneyo ng Binomo ay paiba-iba. Ang ibang torneyo ay natatapos sa loob lamang ng isang araw, at ang iba naman ay nagpapatuloy sa loob ng ilang lingo. Ang bayad sa paglahok ay nag-iiba rin mula sa ilang dolyar hanggang sa ilang daang dolyar batay sa premyong pondo, status at oras ng torneyo.
Paano hanapin ang mga torneyo ng Binomo?
Ang Binomo ay regular na nag-aabiso sa mga gumagamit nito tungkol sa mga torneyo. Maaari mong mahanap ang listahan ng mga torneyo ng Binomo sa website o sa mobile app.
Para sa mga web users:
- Sa kaliwang sulok na bahagi ng plataporma ng Binomo, mahahanap mo ang icon ng Mga Torneyo; pindutin ito.
- Makikita mo ang listahan ng mga available na torneyo. Para makapasok sa torneyo na interesado ka, pindutin ito upang makakuha ng karagdagang impormasyon at magparehistro upang lumahok sa paligsahan ng Binomo.
Para sa mga gumagamit ng Binomo mobile app:
- Pindutin ang menu at piliin ang icon ng Torneyo.
- Tingnan ang listahan ng mga available na mga torneyo. Pindutin lamang ang kahit anong torneyo para mag-sign up para dito at para matuto pa tungkol dito.
Tandaan! Kung ikaw ay isa sa mga users na gumagamit ng bagong bersyon ng Android app, mahahanap mo ang listahan ng mga torneyo sa ibaba ng screen.
Pagsusuri sa mga detalye ng isang torneyo ng Binomo
Ang pagsusuri sa mga detalye ng paligsahan ng Binomo ay makakatulong sa iyong malaman kung paano lumahok. Sundin ang mga hakbang na ito:
- Upang suriin ang pinakamababang balanse na kailangan mo para makapag-umpisa, mga gastos sa muling pagbili, ang bilang ng mga premyo at ang mga garantisadong pondo ng premyo, pindutin lamang o i-tap ang iyong napiling torneyo.
- Ang iyong napiling torneyo ay may tatlong tab dito:
- Tumingin sa ilalim ng mga detalye ng Conditions para suriin ang mga kailangan ng torneyo gaya ng pagbiling muli, pondo ng premyo at panimulang balanse.
- Tumingin sa ilalim ng Tournament Details upang malaman ang bilang ng mga kalahok at ang oras ng paligsahan.
- Kung nais mong makita ang mga kalahok at mga nangungunang mga mangangalakal, tumingin lamang sa ilalim ng Leaderboard ng mga torneyo.
Bayaran ang entry fee upang makasali sa paligsahan ng Binomo. Pagkatapos mong magparehistro, ikaw ay makakakuha ng isang espesyal na Tournament account. Ang layunin dito ay ang karaniwang pataasin ang iyong balance sa loob ng mga limitasyon sa oras ng torneyo ng Binomo.
Tournament account
Pagkatapos mag-sign up, ikaw ay makakakuha ng access sa Binomo tournament account na tumatakbo sa isang espesyal na currency ₮. Ito ay ang birtwal na currency na ginagamit sa mga paligsahan ng Binomo lamang at walang kinalaman sa mga pondo sa iyong Totoong account. Ito ay lalabas sa tab na Balanse.
Tandaan! Ikaw ay maaaring lumahok sa iba’t-ibang torneyo ng Binomo sa pamamagitan ng paglipat sa pagitan ng mga Tournament accounts.
Mga libreng kumpetisyon
Mayroon lamang isang libreng torneyo sa Binomo, Daily Free. Ngunit ang maganda ay available ang Daily Free na torneyo sa bawat mangangalakal na rehistrado sa plataporma, kahit pa sa mga nagsisimula na nag-uumpisa pa lamang at gumagamit ng demo account na walang totoong pondo.
Ang Daily Free ay isa pang libreng gamit upang masubukan nang husto ang iyong mga kakayahan at mga estratehiya sa tapat na kumpetisyon sa iba pang mga mangangalakal para sa isang totoong pondo ng premyo.
Tandaan! Ang halaga ng premyo ng Daily Free na torneyo ay mas mababa kaysa sa mga bayad na paligsahan, dahil ito ay itinataguyod ng plataporma.
Gayunpaman, kung nakarating ka sa leaderboard nang walang totoong account, kailangan mong magdeposito ng pinakamababang halaga sa Binomo ($5 para sa India at $10 para sa iba pang mga bansa). Sa kasong ito mo lamang magagamit ang pondo na natanggap mo sa torneyo.
Mga bayad na paligsahan
Ang mga bayad na paligsahan ay available lamang para sa mga mangangalakal na gumagamit ng totoong account. Gayunpaman, ang ilan sa mga ito ay ginawa para sa mga mangangalakal na may Gold o VIP account.
Ang prize pool ng mga bayad na paligsahan ng Binomo ay nakadepende sa bayad ng pagsali. Ang mas mataas na bilang ng kalahok ay nagreresulta sa mas mataas na prize pool. Ang mga bayad na paligsahan sa pangkalahatan ay mas kapakipakinabang ngunit mapanganib din kapag wala kang masyadong kakayahan.
Accounting para sa mga resulta ng tournament sa talahanayan
Ang layunin mo bilang isang kalahok sa torneyo ay ang magkaroon ng pinakamataas na posibleng balance o turnover.
Kung ikaw ay may ₮50 sa simula ng torneyo at tumaas ito ng hanggang ₮500 sa loob ng torneyo ng Binomo, pero sa huli, ay naging ₮100 ito, tapos pag ang layunin ng torneyo ay ang makakuha ng pinakamataas na turnover sa pagtatapos ng paligsahan ang iyong iskor ay bibilangin bilang ₮500.
Kung ang layunin ay ang magkaroon ng pinakamataas na balanse sa pagtatapos ng torneyo, ang ₮100 ay mabibilang bilang iyong balanse. Habang gumagawa ka ng mas mahusay na pangangalakal, ang iyong balanse ay tataas, at ikaw ay aakyat pa ng mas mataas sa leads board ng torneyo ng Binomo.
Pagbuo ng pondo ng premyo
Mayroong garantisadong pondo ng premyo sa bawat torneyo ng Binomo. Ito ay lumalaki habang ang bilang ng mga kalahok ay dumadami at ang bilang ng mga pagbiling muli ay tumataas. Gayunpaman, ang pondo ng premyo ay hind maging mas mababa kaysa sa garantisadong halaga na nabanggit sa Conditions ng Torneyo ng Binomo.
Sa pagtatapos ng bawat torneyo, ang ponding ito ay ipinapamahagi sa mga kalahok na nakakuha ng pinakamataas na pwesto sa pagmamarka sa paligsahan.
Tandaan! Ang bilang ng mga premyo ay nakadepende sa torneyo. Kung mas mataas ang lugar ng iyong premyo, mas mataas din ang porsyento na iyong matatanggap.
Mga muling pagbili ng torneyo
Maaari mong taasan ang balanse ng iyong Tournament account sa pamamagitan ng halaga ng muling pagbili. Pwede kang makakuha ng maraming muling pagbili hangga’t gusto mo kapag ang kabuuan ng iyong balanse sa torneyo at kalakalan ay mas mababa kaysa sa panimulang balanse. Ang halaga ng anumang muling pagbili ay ibabawas mula sa balanse ng iyong tunay na account.
Sa ilalim ng Conditions, malalaman mo ang halaga ng isang muling pagbili sa pamamagitan ng pagpindot ng buton na Muling Bilhin sa kanang bahagi ng natitirang halaga ng balanse. Pindutin ang buton na Magbayad upang makakuha ng muling pagbili.
Iyon lang ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga torneyo ng Binomo. Gayundin, huwag kalimutan ang mga panganib. Ang Binomo ay isang plataporma ng pangangalakal kung saan ang mga mangangalakal ay gumagamit ng mga totoo nilang pondo upang makakuha ng karagdagang kita. At ito ay nangangailangan ng kaalaman, estratehiya, at pagsasanay sa isang demo account.
















