Upang sumali sa milyon-milyong mangangalakal sa Binomo, kailangan mo munang gumawa ng account sa plataporma. Gayundin, ang tamang hakbang ay ang pagberipika ng account, na magbibigay ng access sa maraming mga function, kasama na ang pag-withdraw ng mga pondo. Sa artikulong ito, ating sasaklawin ang mga madalas tinatanong ng mga mangangalakal tungkol sa pagberipika ng pagkakakilanlan at mga paraan ng pagbabayad.
- Pangkalahatan
- Ano ang beripikasyon? Bakit ko kailangan ito?
- Kailan ako puwedeng mag-withdraw ng pondo?
- Gaano katagal ang beripikasyon?
- Paano ako papasa sa beripikasyon?
- Kailangan ko bang magberipika sa pagpaparehistro?
- Maaari ba akong mangalakal nang walang beripikasyon?
- Beripikasyon ng pagkakalinlan
- Paano ko ipaberipika ang aking pagkakilanlan?
- Maaari ba akong mangalakal kapag ako ay menor de edad?
- Bakit kailangan kong ipaberipika ang numero ng aking telepono?
- Beripikasyon ng mga paraan ng pagbabayad
- Paano magberipika ng bank card?
- Paano beripikahin ang isang birtwal/hindi pinangalanang bank card?
- Maaari ko bang ipa-beripika ang isang card na hindi akin?
- Paano magberipika ng BTC, LTC, o e-wallet?
- Kaligtasan at pag-troubleshoot
- Ligtas bang ipadala sa Binomo ang aking pribadong data?
- Bakit hinihiling sa akin na ipasang muli ang beripikasyon?
- Bakit tinanggihan ang aking mga dokumento?
- Paano ko malalaman kung ang beripikasyon ay naging matagumpay?
- Maaari ba akong magpaberipika ng maaga?
Pangkalahatan
Sa ibaba ay ang mga karaniwang katanungan na madalas tinatanong ng mga gumagamit ng Binomo tungkol sa pagberipika ng account.
Ano ang beripikasyon? Bakit ko kailangan ito?
Ang beripikasyon ay isang kumpirmasyon ng iyong pagkakakilanlan at mga paraan ng pagbabayad. Ang prosesong ito ay naglalayon na protektahan ang iyong account at ang mga pondo mula sa mga hindi otorisadong mga tao. Kung biglang na-hack ang iyong account, maaari mong makuhang muli ang iyong pondo.
Kadalasan, ang Binomo ay humihiling ng beripikasyon nang hindi mas maaga kaysa sa unang hiling ng pag-withdraw, ngunit ang kumpanya ay may karapatang gawin ito anumang oras. Kapag nahiling na, ang pag-withdraw ay magiging limitado hanggang sa makumpleto ang beripikasyon. Gayunpaman, maaari ka pa ring mangalakal at gumawa ng mga deposito. Bilang karagdagan, ang beripikasyon ay madalas tumatagal ng hindi lalagpas sa 10 minuto.
Tandaan! Ang mga detalyadong impormasyon tungkol sa beripikasyon ay binibigay sa Client Agreement.
Kailan ako puwedeng mag-withdraw ng pondo?
Kapag nakumpleto mo na ang beripikasyon, maaari ka nang magpadala ng hiling sa pag-withdraw ng pondo, na pinuproseso ng BInomo ayon sa uri ng account na pinagmamay-ari mo. Halimbawa, maaaring tatagal ng tatlong araw ng trabaho o higit pa para sa mangangalakal na may Standard status, hanggang 24 oras para sa mga may hawak ng Gold account, at maximum na 4 na oras para sa mga VIP na mangangalakal.
Tandaan! Ang huling panahon para sa pagkredito ng mga pondo mula sa Binomo account ay depende sa payment service provider.
Gaano katagal ang beripikasyon?
Karaniwang hindi tumatagal sa mahigit 10 minuto upang maberipika ang iyong Binomo account. Kapag ang otomatikong proseso ay nabigo, na bihira, ang pagberipika gamit ang kamay ay gagawin, na maaaring tumagal hanggang pitong araw ng trabaho. Gayunpaman, hindi nito tinatanggi sa iyo ang oportunidad na mangalakal. Kaya, maaari kang magpatuloy na kumuha ng karagdagang kita habang ikaw ay naghihintay na makumpleto ang proseso ng beripikasyon.
Paano ako papasa sa beripikasyon?
Ang pagpasa sa beripikasyon ng iyong account ay simple lamang kung susundin mo ang lahat ng tagubilin ng Binomo. Ang mga dokumentong kailangan mong ibigay para sa beripikasyon ay:
- Larawan ng iyong pasaporte/ID card o driver’s license. Kung ang mga dokumento para sa beripikasyon ay may dalawang panig, ibigay pareho. Tandaan na ang mga papeles na angkop para sa beripikasyon ay nag-iiba depende sa bansang tinitirhan kaya mag-ingat kapag nag-a-upload.
- Larawan ng harapang bahagi ng iyong card sa pagbabayad.
- Isang larawan ng bank statement kung ikaw ay nagpapaberipika ng isang non-personalized na bank card.
Ang mga dokumentong ito ay dapat may bisa sa loob ng isang buwan o higit pa pagkatapos i-upload. Ang mga format na tinatanggap sa pagberipika ay pdf, png, at jpg. Dapat kasama sa larawan ang lahat ng sulok ng dokumento, at lahat ng impormasyon ay kailangang nakikita.
Upang beripikahin ang iyong pagkakilanlan, kumpletuhin ang mga hakbang na ito pagkatapos kumpirmahin na ikaw ay mayroong mga kinakailangang dokumento:
- Beripikahin ang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pag-upload ng larawan ng magkabilang panig ng iyong ID.
- Beripikahin ang paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng pag-upload ng harapang bahagi ng iyong bank card. Para sa non-personalized, kakailanganin mo ring mag-upload ng harapang panig ng iyong bank statement.
- Maghintay ng hanggang 10 minuto para makumpleto ang beripikasyon.
Kapag natapos, ikaw ay aabisuhan na ang iyong Binomo account ay naberipika na.
Kailangan ko bang magberipika sa pagpaparehistro?
Hindi. Pagkatapos magparehistro sa Binomo account, kailangan mo lang kumpirmahin ang iyong email. Ang plataporma ay kadalasang humihiling ng beripikasyon sa panahon ng iyong unang withdrawal upang protektahan ang pondo mula sa pagbagsak sa maling mga kamay.
Maaari ba akong mangalakal nang walang beripikasyon?
Ang hindi pagpasa sa beripikasyon ay naglilimita sa abilidad ng pag-withdraw ng karagdagang kita mula sa Binomo account, ngunit maaari kang gumawa ng mga deposito at mangalakal anumang oras mo gustuhin. Kaya, kung ayaw mong beripikahin ng plataporma ang iyong pagkakilanlan at paraan ng pagbabayad ngayon, magpatuloy lang sa pangangalakal. Gayunpaman, hindi nararapat na matakot sa beripikasyon dahil ang proseso ay otomatiko at madalas ay tumatagal ng 10 minuto.
Beripikasyon ng pagkakalinlan
Tingnan natin ang mga karaniwang sagot sa mga karaniwang katanungan na mayroon ang mga mangangalakal tungkol sa beripikasyon ng pagkakakilanlan.
Paano ko ipaberipika ang aking pagkakilanlan?
Ang pag-beripika ay isang proseso na ang pangunahing pakay ay ang seguraduhin ang iyong Binomo account at maiwasang mahulog ang mga pondo sa mga kamay ng mga estranghero. Ang Binomo ay maaaring humiling sa iyo na iberipika ang iyong pagkakilanlan anumang oras pagkatapos ng rehistrasyon. Kung ito ay mangyari, makakita ka ng pop-up na notipikasyon sa iyong screen at ang “Verification” na item sa menu. Impormasyon tungkol sa proseso ng beripikasyon ay ipapadala rin sa iyong email.
Narito ang mga hakbang na kailangan mong sundin upang makumpleto ang proseso ng beripikasyon:
- Pindutin ang “Verify” sa loob ng pop-up na mensahe.
- Ang “Verification” na pahina ay lalabas. Kailangan mo munang beripikahin ang iyong pagkakilanlan sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa tabi ng “ID Card”.
- I-tsek ang dalawang check boxes (pagsang-ayon sa mga alituntunin at mga kondisyon at pagpayag sa pagproseso ng iyong data) bago simulan ang beripikasyon, pagkatapos ay pindutin ang “Next”.
- Pindutin ang drop-down menu upang piliin ang bansa ng isyu para sa iyong mga dokumento, na sinusundan ng kanilang uri. Tandaan na ang mga uri ng dokumento para sa beripikasyon ay nag-iiba ayon sa bawat bansa.
- I-upload ang dokumento na napili para sa beripikasyon sa format na jpg, pdf, o png. Kung ito ay may dalawang panig, unahin ang harap, pagkatapos ay i-upload ang likurang bahagi. Tandaan na ang dokumento ay kailangang may bisa ng hindi bababa sa isang buwan mula sa petsa ng pag-upload mo nito. Lahat ng laman ng iyong ID ay kailangang nababasa at lahat ng sulok ay nakikita. Pindutin ang “Next” kapag tapos na ang pagsusumite.
- Kapag isinumite mo ang iyong mga dokumento, maaari kang bumalik sa pahina ng beripikasyon sa pamamagitan ng pagpindot ng buton na “OK”.
- Ang status ng pagberipika ng iyong ID ay otomatikong magiging “Pending”. Ang pagberipika ay tatagal ng hanggang sampung minuto, ngunit ang proseso ay maaaring magtagal ng ilang araw sa mga pambihirang kaso.
Kapag ang pagberipika ng iyong pagkakilanlan ay nakumpleto na, ang status ay magiging “Done”, at maaari ka nang mag-umpisang magpaberipika ng iyong paraan sa pagbabayad. Ikaw ay makakatanggap kaagad ng “Verified” na status kapag ito ay hindi nangangailangan ng beripikasyon.
Maaari ba akong mangalakal kapag ako ay menor de edad?
Ang mga patakaran ng plataporma ng pangangalakal ng Binomo ay nagbabawal sa mga menor de edad na magparehistro. Kapag iyong nalabag ang clause na ito ng Client Agreement at subukang ipaberipika ang iyong account, ito ay haharangan.
Bakit kailangan kong ipaberipika ang numero ng aking telepono?
Ang pagberipika ng numero ng telepono ay hindi kinakailangan ngunit mahalaga upang mapanatiling ligtas ang iyong data at mga pondo. Halimbawa, kapag ang iyong Binomo account ay na-hack o iyong nakalimutan ang iyong password, maaari mo itong mabawing muli gamit ang numero ng iyong telepono.
Isa pa, ikaw ay makakatanggap ng impormasyon tungkol sa mga bonus at iba pang mga benepisyo na iniaalok ng plataporma bago sa ibang mga mangangalakal. Ang mga VIP na mga mangangalakal na nagpasyang ipaberipika ang kanilang mga numero ay agad na makakakuha ng isang personal na tagapamahala.
Beripikasyon ng mga paraan ng pagbabayad
Kapag naberipika mo na ang iyong pagkakilanlan, maaaring hilingin sa iyo ng Binomo na beripikahin ang iyong paraan ng pagbabayad. Tingnan natin ng malapitan ang prosesong ito sa pamamagitan ng pagsagot ng mga FAQ.
Paano magberipika ng bank card?
Para maprotektahan ng Binomo ang pondo ng iyong account, kailangan mong beripikahin na ang card na iyong ginamit sa pagdeposito at pag-withdraw ng pondo ay pagmamay-ari mo. Kapag tapos ka na sa pagberipika ng pagkakilanlan, sundin ang mga tagubiling ito upang beripikahin ang iyong bank card:
- Piliin ang paraan ng pagbabayad na nais mong iberipika sa pahinang “Verification”. Sa kasong ito, ito ay isang bank card. Ang pagberipika ng mga dokumento ng pagbabayad ay nangyayari pagkatapos makumpirma ang iyong pagkakilanlan.
- I-upload ang harapang bahagi ng larawan ng iyong bank card, na malinaw na ipinapakita ang pangalan ng may-ari, at ang petsa kung kelan ito mawawalan ng bisa sa format na jpg, pdf, o png. Bumalik sa pahina ng beripikasyon sa pamamagitan ng pagpindot ng “OK”.
- Ang status ay magiging “Pending”. Ang pagberipika sa isang bank card ay aabot ng hindi bababa sa 10 minuto.
Ikaw ay makakatanggap ng notipikasyon pagkatapos makumpleto ang beripikasyon, at ang iyong status ay magiging “Verified”. Bilang karagdagan, ikaw ay pahihintulutang mag-withdraw ng mga pondo.
Paano beripikahin ang isang birtwal/hindi pinangalanang bank card?
Upang kumpletuhin ang beripikasyon ng iyong birtwal na bank card, gawin lamang ang mga sumusunod:
- Piliin ang iyong birtwal na bank card sa pahinang “Verification”, pagkatapos ay pindutin ang “Verify”.
- Kumuha ng screenshot ng iyong birtwal na bank card para sa pagberipika at i-upload ito. Siguraduhing ang unang 6 at 4 na huling mga numero, petsa ng pagkawalang-bisa, at pangalan ng may-ari ng card ay nakikita at nababasa.
- Pindutin ang “OK” kapag ang iyong dokumento ay naipadala na.
Karaniwang tumatagal ng 10 minuto ang pag-verify ng isang birtwal na bank card. Kapag nakumpleto na ang proseso ng pagberipika, ikaw ay makakatanggap ng notipikasyon, at ang status ng paraan ng pagbabayad ay magiging “Done”.
Tandaan! Ang screenshot ay hindi dapat inedit, o ang iyong card ay babagsak sa beripikasyon.
Upang iberipika ang isang hindi pinangalanang bank card, sundin ang mga simpleng tagubilin sa ibaba:
- Pumili ng isang birtwal/hindi pinangalanang bank card sa bintana na “Verification” at pindutin ang “Verify”.
- I-upload ang harapang bahagi ng iyong card sa format na jpg, pdf, o png, na tinitiyak na ang petsa ng pagkawalang-bisa nito at numero ay nakikita.
- Idagdag ang larawan ng iyong bank statement, na nakikita ang iyong pangalan, stamp, at petsa ng pag-isyu. Ang dokumentong ito para sa beripikasyon ay hindi dapat higit pa sa tatlong buwan.
- Pindutin ang “OK” upang bumalik sa pahina ng beripikasyon kapag nasumite mo na ang iyong mga dokumento.
- Ang status ng beripikasyon ng iyong bank card ay magiging “Pending”, at kailangan mong maghintay na makumpleto ito. Ang Binomo ay kadalasang gumugugol ng hindi hihigit sa 10 minuto sa pagberipika.
Kapag nakumpleto na ang proseso ng pagberipika, maaari ka nang mag-withdraw ng pondo mula sa plataporma patungo sa card na ito.
Maaari ko bang ipa-beripika ang isang card na hindi akin?
Hindi mo maaaring ipaberipika ang isang bank card o kahit anumang paraan sa pagbabayad na hindi mo pagmamay-ari. Kasunod ng clause 5.3 ng Client Agreement, ang pagkredito ng pondo sa Binomo gamit ang detalye ng pagbabayad ng mga ikatlong partido ay pinagbabawal.
Tandaan! Kung ikaw ay may problema sa pagberipika ng iyong pagkakilanlan o mga paraan ng pagbabayad, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa mga tagapamahala sa support@binomo.com.
Paano magberipika ng BTC, LTC, o e-wallet?
Kung ikaw ay gumagamit lamang ng BTC, LTC, o e-wallet bilang iyong paraan sa pagdeposito at pag-withdraw, hindi mo ito kailangang iberipika kundi ang iyong pagkakilanlan lamang.
Kaligtasan at pag-troubleshoot
Kung nagdududa ka kung gaano kaligtas ang pagbibigay ng iyong data at mga dokumento sa Binomo, makakatulong na basahin ang mga impormasyon sa ibaba.
Ligtas bang ipadala sa Binomo ang aking pribadong data?
Oo. Narito kung bakit maari kang magtiwala na ang iyong pribadong data ay ligtas sa Binomo:
- Ang iyong buong data ay pinanatili sa mga server sa isang encrypted na format. Ang mga server ay matatagpuan sa mga data center na sumusunod sa mga internasyonal na pamantayan sa kaligtasan na TIA-942 at PCI DSS.
- Ang mga data center ng plataporma ng pangangalakal ay mga moderno at ligtas mula sa pagkabigo. Dagdag pa, sila ay siniserbisyuhan ng isang security service sa buong pag-ikot ng relo.
- Ang mga sensitibo mong impormasyon ay hindi accessible sa kahit na sino na may malisyosong intension dahil ang mga encryption keys ay pinapanatili ng hiwalay mula sa actual na data.
- Ang cryptographic encryption ay nagpuprotekta ng channel kung saan inililipat ang lahat ng data. Ang serbisyo ay otomatikong tinatakpan o pinapalabo ang isang parte ng mga simbolo kapag ikaw ay nag-upload ng mga pribadong larawan, impormasyon ng pagbabayad, at iba pa. Kahit subukan pa ng mga manloloko na nakawin ang iyong personal na impormasyon, makakakuha lamang sila ng mga encoded character na walang saysay kung walang susi.
- Bukod pa rito, hindi binabahagi ng Binomo ang impormasyon ng kanilang mga kliyente sa ibang mga partido o gamitin ito para sa mga layunin ng ibang tao.
Kaya, maaari mong tiyakin na ang iyong pribadong data ay ligtas sa panahon at pagkatapos ng beripikasyon. Maaari kang kumuha ng mas maraming impormasyon sa Privacy Policy.
Bakit hinihiling sa akin na ipasang muli ang beripikasyon?
Kung ikaw ay gumagamit ng bagong paraan sa pagbabayad, kailangan mong beripikahin ito. Maaari mong iwasan ang muling pagkumpirma sa pamamagitan ng pagpatuloy sa paggamit ng mga paraan sa pagbabayad na naberipika mo na. Ngunit sa mga kaso kung saan ang mga card at dokumento ng banko ay malapit ng mawalan ng bisa, ang Binomo ay humihiling din ng muling pagberipika.
Paminsan-minsan, hinihiling ng Binomo sa mga kliyente na muling magpaberipika ng kanilang pagkakilanlan, email address, o ibang personal na impormasyon. Ang muling pagberipika ay nangyayari pagkatapos ng pagbabago ng patakaran o bilang parte ng mga aktibidad ng kumpanya laban sa panloloko.
Bakit tinanggihan ang aking mga dokumento?
Maaaring ito ay dahil ang mga na-upload na mga larawan ay hindi nakatugon sa mga kinakailangan. Siguraduhin na ang apat na sulok ng mga dokumento na magbeberipika ng iyong pagkakilanlan at paraan ng pagbabayad ay nakikita at ang lahat ng nakasulat sa kanila ay nababasa.
Lagi mong makikita ang opsyong “Try again” sa pahina ng beripikasyon. Pindutin ito, at makikita mo ang paliwanag kung bakit ang iyong mga dokumento ay tinanggihan.
Itama ang mga larawan ayon sa komento at idagdag sila upang maberipika sa pamamagitan ng pagpindot ng link na “Upload new”.
Kung mayroon man sa mga dokumentong iyong sinumite upang iberipika ang tinanggihan, ang mga ito ay hindi nababasa ng tama ng system. Tapikin ang hindi tinanggap na file at pagkatapos ay ang “Contact support”.
Ang email client ay magbubukas, at ikaw ay makakakita ng isang draft na nagpapaliwanag ng problema. Magpadala ng email sa kawani ng suporta, at ang isyu sa iyong beripikasyon ay mareresolba.
Paano ko malalaman kung ang beripikasyon ay naging matagumpay?
Ang status na “Done” ay ia-apply sa lahat ng iyong mga dokumento. Isang pop-up na mensahe at isang email na kumpirmasyon ay ipapadala rin sa iyo.
Maaari ba akong magpaberipika ng maaga?
Hindi ito kinakailangan dahil ang proseso ng beripikasyon ay otomatiko at pangunahing ipinatutupad kapag ikaw ay nag-withdraw ng pondo mula sa Binomo account. Huwag mag-alala; wala kang makaligtaang hiling na iberipika ang iyong pagkakilanlan at paraan ng pagbabayad. Isang pop-up na abiso ang ipapakita, at ang “Verification” na menu ay lalabas upang tulungan kang makumpleto ang proseso.


























