Sa artikulong ito, ating magiging tampulan kung paano magbukas ng account, kumuha ng mga pondo pagkatapos makipagkalakalan at sagutin ang mga karaniwang katanungan ng mga nangangalakal tungkol sa pagpaparehistro at pagkuha ng mga-withdraw sa Binomo.
- Paano magbukas ng account sa Binomo?
- Buksan gamit ang isang email
- Buksan gamit ng account sa Facebook
- Buksan gamit ng account sa Google
- Paano buksan ang isang account gamit ng platapormang iOS sa selpon?
- Paano buksan ang isang account gamit ng platapormang Android sa selpon?
- Paano buksan ang isang account gamit ng platapormang bersyon ng web sa selpon?
- Mga madalas itanong (FAQ)
- Maaari bang magrehistro ang mga kamag-anak sa site at makipagkalakalan mula sa katulad na aparato?
- Sa anong mga bansa hindi nagbibigay ng serbisyo ang Binomo
- Gusto magrehistro ng bagong account, ngunit laging napupunta sa luma
- Bakit kailangan kong kumpirmahin ang sulatroniko?
- Kumpirmasyon sa sulatroniko
- Paano makumpirma ang sulatroniko kung ito ay maling nailagay?
- Paano mag-withdraw sa Binomo?
- Mga paraan ng pag-withdraw sa Binomo
- Bank Card
- Paano ako mag-withdraw ng pondo sa isang bank card?
- Paano ako mag-withdraw ng pondo sa isang non-personalized na bank card?
- E-wallet at cryptocurrency
- Skrill (Internasyonal)
- Perfect Money (Internasyonal)
- Advcash (Internasyonal)
- Mga withdrawal sa bank account
- Mga madalas itanong (FAQ)
- Bakit hindi ako makatanggap ng pondo pagkatapos ko humiling ng withdrawal?
- Anong paraan ng pagbabayad ang maari kong gamitin upang mag-withdraw ng pondo?
- Bakit hindi ako maka-withdraw ng pondo sa aking bank card o bank account?
- Ano ang pinakamababa at pinakamalaking limitasyon sa pag-withdraw?
- Ilang oras ang aabutin bago ma-withdraw ang mga pondo?
- Makakapag-withdraw ba ako sa currency ng aking bansa?
- Mayroon bang mga withdrawal fees at mga komisyon?
- Ano ang conversion exchange rate?
- Bakit ako nakakakita ng status na “Failed” kapag nagwi-withdraw?
- Maaari ba akong mag-withdraw ng pondo sa aking account bago ako magsimulang mangalakal?
Paano magbukas ng account sa Binomo?
Ang Binomo ay isa sa mga pinakaginagamit na plataporma sa pakikipagkalakalan sa buong mundo na kilala sa 130 na bansa. Kung gusto mong sumali sa milyun-milyong gumagamit ng Binomo, kakailanganin mo munang gumawa ng ‘account.’ Sa seksyon ng rebyu, ating tutukuyin ang lahat ng detalye ng proseso ng pagpaparehistro sa ‘website’ ng Binomo at sa aplikasyon o ‘app.’ Magbasa upang malaman kung paano makasali at makapasok o mag-‘log in’ sa Binomo gamit ng iba’t ibang paraan.
Buksan gamit ang isang email
Ang mga sumusunod ay ang sunud-sunod na hakbang kung paano bubuksan ang isang account sa Binomo gamit ng sulatroniko:
- Ilagay ang www.binomo.com sa web.
- Pindutin ang “Sign-in” sa kanang bahagi sa sulok sa itaas.
- Ilagay ang sulatronikong kinaroroonan at gumawa ng tiyak at ligtas na hudyat o password.
- Maingat na mamili ng siguradong tipo ng pera o currency na iyong gagamitin sa pakikipagkalakalan. Tandaan na hindi na ito puwedeng palitan pagkatapos magrehistro sa Binomo.
- Pag-aralan ang mga tuntunin ng serbisyo at lagyan ng marka ng tyek ang kahon kung ikaw ay sumasang-ayon. Huwag mong lampasan ang hakbang na ito dahil puwedeng mawala ang iyong account kapag ikaw ay sumuway sa mga palatuntunin.
- Pindutin ang gumawa ng account o “Create Account” at makakatanggap ka ng sulatroniko pagkatapos ng ilang sandali upang iyong kumpirmahin ang lokasyon ng iyong bahay. Sundan mo ang link sa loob nito upang makumpleto mo na ang proseso ng sign-up sa Binomo.
Puwede ka na ngayon pumasok sa account mo sa plataporma gamit ng iyong identipikasyong sulatroniko at magsimula ng pag-eensayo sa pakikipagkalakalan sa isang demonstrasyong account sa Binomo o di kaya’y puwedeng kang lumipat kaagad sa iyong totoong account.
Buksan gamit ng account sa Facebook
Puwede ka ring mag-sign up para sa Binomo gamit ng iyong account sa Facebook at ganito kung paano gawin iyon:
- Pagkatapos mong pindutin ang “Sign-in”, pindutin ang simbolo ng Facebook.
- Sa nagbukas na window, ilagay mo ang iyong sulatroniko at password upang mabuksan ang magkakaakibat na sosyal o social network.
- Pindutin ang “Login” at payagan ang platapormang ito na malaman ang iyong pangalan, sulatronikong kinaroroonan at litrato sa iyong profile.
Awtomatikong mapupunta ka sa Binomo at ang proseso ng pagpaparehistro ay makukumpleto.
Buksan gamit ng account sa Google
Mayroon din ang paggamit ng identipikasyon sa Gmail upang makapasok sa Binomo. Kailangan mo lamang sundin ang tatlong simpleng mga palatuntuning ito:
- Hanapin mo ang simbolo ng Google sa form ng pagpaparehistro at pindutin ito.
- Sa lalabas na pahina o pop-up window, ilagay ang sulatronikong kinaroroonan na konektado sa account at pindutin ang Susunod o “Next”.
- Ilagay ang ispesipikong hudyat o password at awtomatikong mapupunta ka sa account na demonstrasyon ng Binomo.
Puwede ka na kaagad pumasok sa pamamagitan ng pagpindot sa simbolo ng Google upang makapag-ensayo sa isang account na demonstrasyon ng Binomo o dimirekta na sa totoong pakikipagkalakalan.
Paano buksan ang isang account gamit ng platapormang iOS sa selpon?
Puwede kang mag-download ng opisyal na aplikasyon ng Binomo mula sa tindahan ng app o App Store kung mayroon kang aparato na IOS. Ang software na selpon ay madaling aralin at nagbibigay ng ‘on the go’ o madaling pakikipagkalakalan.
Ang panel ng pagpaparehistro ay awtomatikong mabubuksan sa iyong unang pagbisita sa aplikasyon ng Binomo. Katulad lamang nito ang proseso sa bersyon ng web: ilagay lamang ang sulatroniko, pumili ng tipo ng pera o currency, basahin at pumayag sa mga tuntunin ng Binomo at pindutin ang “Sign-up”. Kung nakagawa ka na ng account sa website ng Binomo, pumasok ka na lang sa aplikasyon gamit ng iyong identipikasyon.
Paano buksan ang isang account gamit ng platapormang Android sa selpon?
Ang Binomo ay mayroon ding aplikasyon para sa mga gumagamit ng Android na puwede mong ma-i-download mula sa tindahan ng laro ng Google o Google Play Store, tindahan ng Galaxy o Galaxy Store, Apptoko, AppGallery, at Aptoide. Hindi ito nangangailangan ng mabilis na internet hindi katulad ng ibang mga website.
Upang makapasok sa platapormang Binomo gamit ng kahit na anong aparato na Android, sundan lamang ang mga simpleng hakbang sa itaas. Kung mayroong kahirapan sa proseso ng pagpaparehistro, puwede ka laging magsulat sa support@binomo.com.
Paano buksan ang isang account gamit ng platapormang bersyon ng web sa selpon?
Ang besyon ng web sa selpon ay hindi aplikasyon o app. Maaari kang makipagkalakalan sa pamamagitan ng pagpasok sa plataporma gamit ng isang browser sa iyong selpon o tablet. Ang platapormang Binomo ay pumapayag na mamili ka kung saan plataporma ka makikipagkalakalan. Maaari mong gamitin ang bersyon na web o selpon o di kaya magpalipat-lipat sa dalawang ito. Upang makasali ka sa Binomo, kailangan mong ulitin ang mga hakbang na ipinaliwanag sa itaas: ilagay ang sulatroniko at hudyat o password, mamili ng tipo ng pera o currency at lagyan ng tsek ang kahon ng Kasunduan ng Kliyente o ‘Client Agreement’ at pindutin ang gumawa ng account o “Create an account”.
Mga madalas itanong (FAQ)
Ating suriin ang madalas na mga katanungan sa proseso ng pagpaparehistro ng mga bagong nakikipagkalakalan sa Binomo.
Maaari bang magrehistro ang mga kamag-anak sa site at makipagkalakalan mula sa katulad na aparato?
Ang mga miyembro ng katulad na tirahan ay kailangang gumawa ng iba’t ibang account upang makipagkalakalan sa Binomo. Ang platapormang ito ay dapat mabubuksan sa pamamagitan ng hiwalay na mga IP address at mga aparato.
Tandaan! Ang mga palatuntunin ng Binomo ay nagbabawal sa isang nakikipagkalakalan sa paglikha ng higit pa sa isa account.
Sa anong mga bansa hindi nagbibigay ng serbisyo ang Binomo
Ang mga gumagamit sa mga sumusunod na bansa ay hindi puwedeng gumawa ng account sa Binomo at hindi maaaring gumamit ng mga serbisyo ng platapormang pangkalakalang ito: Canada, North Korea, USA, Belarus, Australia, Belgium, Croatia, Bulgaria, Czech Republic, at iba pa. Ang kumpletong listahan ay narito sa talatang 10.2 ng Pinagsasang-ayunan ng Kliyente o Client Agreement ng Binomo.
Gusto magrehistro ng bagong account, ngunit laging napupunta sa luma
Bago gumawa ng panibagong account, kailangan harangan o i-block ang iyong kasalukuyang account. Kapag nagawa mo na ito, tska ka lang makakagawa ng bagong account nang walang nilalabag na palatuntunin sa Binomo.
Tandaan! Hindi mo puwedeng gamitin ang naharangan o na-block na sulatroniko upang sumali. Upang makagawa ng panibago, kailangan mong maglagay ng ibang sulatronikong kinaroroonan.
Bakit kailangan kong kumpirmahin ang sulatroniko?
Pagkatapos makumpleto ang pagpaparehistro sa website o aplikasyon ng Binomo, ikaw ay tatanungin na kumpirmahin ang iyong sulatroniko. Isipin mong hindi kinakailangan ang pagkumpirma ng sulatroniko kung di, para na rin ito sa iyong sariling benepisyo na rin:
- Ang account ay ligtas mula sa mga hindi awtorisado na mga tao at mga manloloko. Dahil sa iyong napatunayang sulatronikong kinaroroonan, puwede kang lumapit sa pangkat ng suporta, alamin ang iyong ‘password’ at kahit na harangan o i-block ang iyong account.
- Makakatangap ka palagi nang may eksklusibong material pang edukasyon, kasama na ang mga dalubhasa sa komentaryo, estratehiya, at mga tip sa pakikipagkalakalan.
- Palagi kang magiging maalam sa mga promosyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga abiso tungkol sa mga kumpetisyon at bagong mga dagdag o bonus, kasama na ang mga kodigo ng promo.
Kumpirmasyon sa sulatroniko
Humigit-kumulang sa limang minuto mula nang makumpleto ang proseso ng pagpaparehistro ay magpapadala ang Binomo ng sulatroniko na may link upang mapatunayan ang sulatronikong kinaroroonan. Kung hindi ka pa nakakatanggap, magsabi sa tagapamahala na magdala ng panibago sa pamamagitan ng pagsusulat sa support@binomo.com. Gayunpaman, bago makipag-usap sa suporta, tignan muna ang iyong polder ng spam.
Paano makumpirma ang sulatroniko kung ito ay maling nailagay?
Kung aksidente mong nailagay ang maling identipikasyon ng sulatroniko noong ikaw ay sumasali pa lamang sa Binomo, pumunta ka sa seksyon ng “Profile”, magdagdag ng puwedeng sulatroniko upang mapalitan ang mali at pindutin ang kumpirmahin o “Confirm”.
Ang sistema ay agad-agad magpapadala ng kumpirmasyon sa sulatroniko sa iyong bagong sulatronikong kinaroroonan. Sa plataporma, makakakita ka ng isang abiso tungkol sa pagpapadala, at maaari ka rin humingi ng sulat muli kung hindi mo ito natanggap.
Paano mag-withdraw sa Binomo?
Ang rebyu na ito ay tutulong sa iyo upang makahanap ng kasagutan sa mga tanong tungkol sa pag-withdraw ng pondo mula sa Binomo: paraan ng pagbabayad, opsyon sa pag-withdraw, mga kondisyon, mga limitasyon, at oras.
Mga paraan ng pag-withdraw sa Binomo
Kabilang sa mga pinakasikat na paksa na nais malaman ng mga mangangalakal bago magparehistro sa isang plataporma ng pangangalakal ay ang posibilidad ng pag-withdraw ng pondo. Iyon ang dahilan kung bakit idinetalye ng Binomo ang proseso ng pag-withdraw sa India at ibang mga bansa sa Help Center, na nagpapatunay ng kanilang malasakit sa mga users.
Kabilang sa mga tanong na nakapukaw sa interes ng mga baguhan, mahanap mo ang mga sumusunod:
- Paano mag-withdraw ng pera mula sa Binomo sa isang bank account?
- Ano ang pinakamababang withdrawal amount?
- Ano ang patunay ng withdrawal?
- Mayroong bang withdrawal limit?
Ngunit higit sa lahat, ang mga mangangalakal ay interesado sa mga opsyon ng withdrawal. Ang Binomo ay nagbibigay ng iba’t-ibang paraan sa pamamagitan ng withdrawal policy nito. Ang mga mangangalakal ay makaka-withdraw ng pondo gamit ang bank card, e-wallet, o bank transfers.
Bank Card
Ang paraan ng pag-withdraw na ito ay available lamang sa mga users mula sa Ukraine at Kazakhstan o sa mga users na sa mga bansang ito naisyu ang kanilang mga card. Alamin natin kung paano mag-withdraw ng pera mula sa Binomo patungo sa isang bank card, personalized man o hindi.
Paano ako mag-withdraw ng pondo sa isang bank card?
Ang mga hakbang na ito ay makakatulong sa iyo na makapag-withdraw ng pondo mula sa Binomo:
- Pindutin ang profile icon at piliin ang seksyong “Cashier” sa www.binomo.com.
- I-tap ang “Withdraw funds”.
- Ipasok ang halaga na nais mong i-withdraw.
- Piliin ang iyong gustong paraan ng pagbabayad: Visa, MasterCard, o Maestro bank cards.
- Pindutin ang “Request withdrawal” na buton.
Ikaw ay makakatanggap ng mensahe kapag nakumpirma na ang iyong hiling. Ito ay magsisilbing iyong patunay ng withdrawal.
Kapag ikaw ay gumagamit ng Binomo app sa pag-withdraw ng pondo, ang mga hakbang ay pareho lamang. Kailangan mong buksan ang kaliwang menu, piliin ang seksyong “Balance” at pindutin ang buton na “Withdrawal”.
Kapag ikaw ay gumagamit ng bagong bersyon ng Android app, pindutin ang iyong Profile icon, pumunta sa tab na “Balance”, at pindutin ang “Withdrawal”.
Ang mga withdrawal ay maki-kredito sa iyong bank card sa loob ng 12 oras o higit pa, depende sa paraan ng pagbabayad na iyong pinili at sa status ng iyong account. Minsan ang panahong ito ay maaaring pahabain ng hanggang 7 araw ng negosyo sanhi ng withdrawal policy ng iyong banko o iba pang mga rason na hindi kontrolado ng Binomo.
Upang subaybayan ang status ng iyong kahilingan sa pag-withdraw, pumunta sa seksyong “Cashier” at hanapin ang tab ng “Transaction history kapag ikaw ay gumagamit ng web na bersyon o ang tab ng “Balance” kapag ikaw ay gumagamit ng Binomo app.
Tandaan! Ikaw ay maaaring magpatuloy sa pangangalakal habang ang iyong kahilingan sa pag-withdraw ay pinuproseso.
Paano ako mag-withdraw ng pondo sa isang non-personalized na bank card?
Ang mga non-personalized bank card ay walang mga pangalan ng may hawak ng card, ngunit sila ay ginagamit sa mga cash withdrawals. Kapag ikaw ay isang non-personalized bank card holder, ipasok ang iyong pangalan gaya ng tinutukoy sa kasunduan ng iyong banko, at sundin ang mga hakbang na ito:
- Kapag ikaw ay gumagamit ng web na bersyon, i-tap ang iyong Profile icon at hanapin ang tab na “Cashier” sa dropdown menu. Pindutin ang buton na “Withdraw funds”.
Kapag ikaw ay gumagamit ng mobile app na bersyon, hanapin ang tab na “Balance” sa kaliwang menu at pindutin ang buton na “Withdraw”.
Kapag ikaw ay gumagamit ng bagong Android app na bersyon, i-click ang Profile icon, i-click ang “Balance” tab, at pindutin ang “Withdrawal”. - Ipasok ang mga kinakailangang detalye, gaya ng halaga na nais mong i-withdraw at ang klase ng bank card na iyong ginagamit, e.g., Visa, MasterCard, o Maestro.
- Pindutin ang “Request Withdrawal”.
Ikaw ay makakatanggap ng notipikasyon na ang iyong kahilingan sa withdrawal ay pinuproseso. Tandaan na ikaw ay maaaring mangalakal at i-enjoy ang iba pang mga tampok sa plataporma habang naghihintay ng iyong withdrawal.
Upang subaybayan ang status ng iyong kahilingan sa pag-withdraw, maaari kang pumunta sa seksyong “Cashier” at pindutin ang “Transaction history” kapag ikaw ay gumagamit ng web na bersyon. Sa mobile app na bersyon, pumunta sa tab na “Balance”.
Tandaan! Ikaw ay maaari lamang mag-withdraw ng pondo sa mga bank card kung saan ikaw ay naglagay muli ng deposito.
E-wallet at cryptocurrency
Lahat ng mga mangangalakal na nakapagdeposito ng halaga sa kanilang mga account ay maaaring mag-withdraw ng pondo gamit ang kanilang mga e-wallet o BTC/LTC wallet (para sa bitcoin). Kabilang sa mga pinakakilalang opsyon sa e-wallet ay Skrill, Perfect Money, at Advсash. Ang pag-withdraw sa Binomo para sa mga mangangalakal na nakatira sa India ay available din gamit ang Paytm.
Skrill (Internasyonal)
Upang mag-withdraw ng pondo gamit ang Skrill, sundin ang mga hakbang na ito:
- Para sa mga gumagamit ng web na bersyon:
- Buksan ang seksyong “Cashier” sa pamamagitan ng pagpindot sa iyong Profile icon.
- Pindutin ang tab na “Withdraw funds”.
- Ipasok ang mga kinakailangang detalye: halaga ng payout at Skrill withdrawal method.
- Pindutin ang “Request Withdrawal”.
- Para sa mga gumagamit ng mobile app:
- Ilunsad ang menu na nasa kaliwang bahagi.
- Pindutin ang seksyon na “Balance” at ang buton na “Withdraw”.
- Ipasok ang halaga ng payout at piliin ang Skrill bilang iyong withdrawal method.
- Pindutin ang “Request Withdrawal”.
Kadalasan, ang pondo ay pumapasok sa account sa loob ng isang oras, ngunit minsan ito ay umaabot ng hanggang 7 araw ng negosyo dahil sa iyong payment provider.
Perfect Money (Internasyonal)
Upang makagawa ng cash withdrawal gamit ang Perfect Money, sundin ang mga hakbang na ito:
- Para sa mga gumagamit ng web na bersyon:
- Buksan ang seksyong “Cashier” at pindutin ang dilaw na buton ng “Deposit” kasunod ng Profile icon.
- Pindutin ang tab na “Withdraw funds”.
- Ipasok ang halaga na nais mong i-withdraw.
- Piliin ang Perfect Money bilang iyong withdrawal method.
- Pindutin ang buton na “Request Withdrawal”.
- Para sa mga gumagamit ng mobile app:
- Ilunsad ang kaliwang bahagi na menu.
- Pindutin ang seksyong “Balance” at ang buton na “Withdraw”.
- Ipasok ang halaga ng payout at piliin ang Perfect Money bilang iyong withdrawal method.
- Pindutin ang “Request Withdrawal”.
Hintayin ang patunay ng pagbabayad mula sa Binomo. Karaniwan, ang oras ng pag-withdraw ay umaabot mula 1 oras hanggang ilang araw (depende sa iyong payment provider).
Advcash (Internasyonal)
Upang gumawa ng cash withdrawal gamit ang Advcash, sundin ang mga hakbang na ito:
- Para sa mga gumagamit ng web na bersyon:
- Buksan ang seksyong “Cashier”.
- Pindutin ang tab na “Withdraw funds”.
- Sa Payout Amount, ipasok ang kinakailangang halaga na nais mong i-withdraw.
- Sa withdrawal method, piliin ang Advсash.
- Pindutin ang buton na “Request Withdrawal”.
- Para sa mga gumagamit ng mobile app:
- Ilunsad ang kaliwang bahagi na menu.
- Pindutin ang seksyong “Balance”.
- Pindutin ang buton na “Withdraw”.
- Pindutin ang tab na Withdraw Funds.
- Sa ilalim ng Payout Amount, ipasok ang halaga na nais mong i-withdraw.
- Sa ilalim ng Withdrawal Method, piliin ang Advсash.
- Pindutin ang “Request Withdrawal”.
Tiyakin na ang e-wallet na iyong napili para sa withdrawal ay nagamit na sa paggawa ng deposito. Kung hindi, ang iyong kahilingan ay tatanggihan.
Maaari mong subaybayan ang status ng iyong withdrawal sa pamamagitan ng pag tsek nito sa seksyong “Cashier”, “Transaction history” para sa web na bersyon, o “Balance” para sa mobile na bersyon.
Mga withdrawal sa bank account
Ang pag-withdraw sa isang bank account ay isinasagawa nang gaya ng pag-withdraw sa e-wallet at bank card, na may konting pagkakaiba. Ang mga hakbang ay ang mga sumusunod:
- Para sa mga gumagamit ng web na bersyon:
- Buksan ang seksyong “Cashier” ng Binomo.
- Pindutin ang tab na “Withdraw funds”.
- Ilagay ang halaga na nais mong i-withdraw sa ilalim ng Payout Amount.
- Piliin ang Bank Transfer sa ilalim ng “Withdrawal Method”.
- Pindutin ang “Request Withdrawal”.
- Para sa mga gumagamit ng mobile app:
- Ilunsad ang kaliwang bahagi na menu.
- Pindutin ang seksyong “Balance”.
- Pindutin ang buton na “Withdraw”.
- Piliin ang Bank Transfer sa ilalim ng “Withdrawal Method”.
- Pindutin ang “Request Withdrawal”.
- Para sa mga gumagamit ng bagong Android app:
- Pindutin ang profile icon na matatagpuan sa ilalim na bahagi ng plataporma.
- Pindutin ang tab na “Balance”.
- Pindutin ang “Withdrawal”.
- Sa ilalim ng tab na Withdraw funds, ipasok ang halaga na nais mong i-withdraw.
- Piliin ang Bank Transfer bilang paraan ng pagbabayad.
Maaaring kailanganin mong maghintay ng 1 hanggang 3 araw ng negosyo bago mo makita ang pondo sa iyong account. Sa ilang pagkakataon, ang oras ng paghihintay para sa mga withdrawal ay aabot hanggang 7 araw depende sa patakaran ng iyong banko at iba pang mga kadahilanan. Kung walang natatanggap na bayad sa loob ng isang linggo, makipag-ugnayan sa support@binomo.com.
Mga madalas itanong (FAQ)
Kung ikaw ay may mga katanungan tungkol sa pinakamababang withdrawal sa India o iyong bansa, bisitahin ang opisyal na website o basahin ang mga nasa ibaba para sa ilang mga madalas na katanungan.
Bakit hindi ako makatanggap ng pondo pagkatapos ko humiling ng withdrawal?
Lahat ng kahilingang withdrawal ay pinuproseso agad pagkatapos nilang matanggap. Ang panahon ng pag-withdraw o kung gaano katagal iproseso ang kahilingan, gayunpaman, ay maaaring magdepende sa status ng iyong account. Halimbawa, kung ikaw ay isang Standard account holder, kailangan mong maghintay ng hanggang tatlong araw para sa pagproseso ng withdrawal request. Kung ikaw ay isang Gold account holder, kailangan mong maghintay ng hanggang 24 oras.
Kung ikaw ay VIP account holder, matatanggap mo ang pondo na iyong na-withdraw sa loob ng apat na oras. Sa ilang bihirang kaso, maaaring umabot ng hanggang 7 araw bago lumabas ang pondo sa iyong bank account. Ang pagkaantala ay maaring sanhi ng mga patakaran ng sistema ng pagbabayad o sa mga pambansang pista opisyal, at iba pang mga sitwasyon na nakakaapekto sa kakayahan ng sistema ng pagbabayad sa paglipat ng pondo.
Anong paraan ng pagbabayad ang maari kong gamitin upang mag-withdraw ng pondo?
Ikaw ay maaaring mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong Binomo account sa maraming paraan: e-wallets, bank cards, at bank accounts. Ang pag-withdraw ng pondo sa e-wallet ay available sa lahat ng mga mangangalakal na nakapagdeposito. Ang pag-withdraw ng pondo sa mga bank card ay available lamang sa mga cardholder na inisyuhan sa Ukraine at Kazakhstan.
Sa kabilang dako, ang pagwithdraw sa pamamagitan ng bank transfer ay available lamang para sa mga mangangalakal na may bank account sa India, Vietnam, Indonesia, Mexico, South Africa, Pakistan, Turkey, at Brazil.
Bakit hindi ako maka-withdraw ng pondo sa aking bank card o bank account?
Ang pag-withdraw gamit ang bank card o bank account ay hindi available sa mga residente ng mga partikular na bansa. Ito ay dahil ang ibang lokal na banko ay naniningil ng mataas na komisyon para sa pag-withdraw. Ang mga mangangalakal lamang na may bank card na inisyu sa Ukraine at Kazakhstan ang maaaring humiling na mag-withdraw sa isang bank card. Kaya, ang mga pondo ay maki-kredito sa card.
Kung ikaw ay hindi makapag-withdraw ng pondo sa iyong bank card o bank account dahil ang mga opsyong ito sa pag-withdraw ay hindi available sa iyong bansa, maaari kang magdeposito at mag-withdraw ng pondo gamit ang e-wallet. Maaari kang gumamit ng Advсash, Skrill, Perfect Money, Paytm, at iba pa.
Ano ang pinakamababa at pinakamalaking limitasyon sa pag-withdraw?
Maaari kang mag-withdraw ng pinakamababang halaga na $10 o ang katumbas sa iyong currency. Ang pinakamalaking halaga na maaaring i-withdraw ay maaaring magdepende sa kung ang pagwithdraw ba ay ginagawa bawat araw, linggo, o buwan:
- Mayroong $3000 na limit sa pag-withdraw bawat araw.
- Mayroong $10.000 na limit sa pag-withdraw bawat linggo.
- Mayroong $40.000 na limit sa pag-withdraw bawat buwan.
Minsan ang mga payment system ay nagtatalaga ng limitasyon sa pag-withdraw kaya ang mga halaga ay maaaring maging magkaiba.
Ilang oras ang aabutin bago ma-withdraw ang mga pondo?
Ang pag-withdraw ng pondo ay sumasailalim sa tatlong yugto sa sandaling gumawa ka ng kahilingan:
- Yugto ng pag-apruba. Ang iyong kahilingan sa pag-withdraw ay iaapruba at ipapasa sa payment provider.
- Yugto ng pagproseso. Ipuproseso ng payment provider ang pag-withdraw.
- Paglipat. Ang mga pondo ay maki-kredito sa iyong account.
Sa yugto ng pag-apruba, ang iyong kahilingan ay maaaring bigyan ng status na “Pending” o “Approving”. Sinusubukan ng Binomo na iapprove ang lahat ng kahilingan sa pag-withdraw sa lalong madaling panahon, ngunit ang tagal ng pagproseso ay magdedepende sa klase ng iyong account.
Kung nais mong subaybayan ang panahon ng pag-apruba ng iyong kahilingan sa pag-withdraw, maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagsunod nitong mga hakbang:
- Para sa mga gumagamit ng web na bersyon:
- Pindutin ang iyong profile icon.
- Pindutin ang tab na “Cashier”.
- Pindutin ang “Transaction history”.
- Pindutin ang “Withdrawal”.
- Para sa mga gumagamit ng mobile app:
- Ilunsad ang kaliwang bahagi na menu.
- Pindutin ang “Balance”.
- Pindutin ang “Withdrawal”.
Pagkatapos nyan, makikita mo ang panahon ng pag-apruba ng iyong kahilingan.
Kung ang panahon ng pag-apruba ay masyadong matagal, maaari mong kontakin ang customer support sa pamamagitan ng pagpindot ng “Waiting for more than N days?” o ang “Contact support” na buton kung ikaw ay gumagamit ng mobile app na bersyon. Tutulungan ka ng Binomo na mahanap ang problema at susubukan nilang padaliin ang proseso.
Sa sandaling matanggap ng kahilingan ang status na “Approved”, ito ay napupunta sa yugto ng pagproseso. Ang kahilingan ay pinapadala sa payment service provider. Maaaring magtagal ang “Processing status”, depende sa payment service provider. Sa “Transaction history”, makikita mo ang average at maximum na oras ng pagproseso ng transaksyon ng iyong kahilingan.
Ang mga payment service providers ay maaaring abutin ng ilang minuto hanggang 3 araw ng negosyo sa pag-kredito ng pondo sa iyong account. Sa ilang pagkakataon, ang paglipat ay maaaring abutin ng 7 araw o higit pa. Ang panahon ng pagproseso ay nakadepende rin sa patakaran ng payment service provider.
Kapag ang pondo ay hindi pa na-kredito sa iyong account, maaari mong kontakin ang Binomo support sa pamamagitan ng pagpindot ng buton na “Contact support” kung ikaw ay gumagamit ng mobile app na bersyon, o maaari mong i-click ang “Waiting more than N days?” kung ikaw ay gumagamit ng web na bersyon. Susubaybayan ng Binomo ang iyong withdrawal at tutulungan kang makuha ang iyong pondo sa lalong madaling panahon.
Makakapag-withdraw ba ako sa currency ng aking bansa?
Oo, ikaw ay maaaring mag-withdraw sa currency ng iyong bansa. Sa pagpaparehistro, hihilingin sa iyo na itakda ang iyong account currency. Maaari mong piliin ang dolyar, euro, o currency ng iyong bansa. Ito ay gagamitin para sa pangangalakal, mga deposito, at mga withdrawal.
Mayroon bang mga withdrawal fees at mga komisyon?
Ang Binomo ay hindi karaniwang naniningil ng withdrawal fees. Gayunpaman, maaari kang mag-withdraw ng isang beses kada 24 oras nang walang bayad kung ikaw ay galing sa India o Brazil. Kung ang limitasyon sa withdrawal ay nalampasan na, ikaw ay sisingilin ng bayad na 10%.
Sa ibang mga kaso, ang mga payment provider ay maaaring maningil ng bayad kung ang currency ng iyong Binomo account ay iba sa pinili mo bilang paraan ng pagbabayad sa panahon ng pag-withdraw. Ang bayad ay sinisingil para sa pag-convert ng currency. Gayunpaman, babayaran ng Binomo ang bayarin na ito, at ang binawas na halaga ay otomatikong ibabalik sa iyong account.
Tandaan! Naniningil ang Binomo ng 10% sa halaga ng iyong diniposito sa iyong account at magdesisyon na i-withdraw nang hindi gumagawa ng trading turnover.
Ano ang conversion exchange rate?
Ang conversion exchange rate ay nagdedepende sa kasalukuyang presyo ng merkado. Kung ang currency ng iyong piniling paraan ng pagbabayad sa panahon ng pag-withdraw ay iba sa currency ng iyong Binomo account, ito ay otomatikong iku-convert.
Bakit ako nakakakita ng status na “Failed” kapag nagwi-withdraw?
Ito ay maaaring mangyari sanhi ng mga sumusunod na rason:
- Naipasok mo ang mga maling detalye ng pagbabayad.
- Ang payment service provider ay nakakaranas ng mga teknikal na paghihirap.
Ang mga payment providers ay karaniwang hindi nagpapahiwatig ng mga rason sa problema. Ngunit minsan, makakahanap ka ng paglalarawan ng error kapag binuksan mo ang seksyon ng “Transaction history”.
Kapag ang error ay nangyari habang nagsumite ng kahilingan sa pag-withdraw, ikaw ay maaaring magsumite ng isa pa. Kapag ang error ay lumalabas pa rin sa pangalawang pagsubok, makipag-ugnayan sa support@binomo.com. Ang kuponan ng suporta ay tutulong na matukoy at maresolba ang isyu.
Maaari ba akong mag-withdraw ng pondo sa aking account bago ako magsimulang mangalakal?
Oo, ikaw ay maaaring mag-withdraw ng pondo sa iyong account bago mangalakal. Gayunpaman, ikaw ay sisingilin ng 10% na bayad kung ikaw ay mag-withdraw ng pondo bago maging doble sa halaga ng deposito ang iyong trading turnover. Ito ay ginagawa lamang dahil sa patakaran ng kumpanya sa anti-fraud.
Tandaan na ang Binomo ay laging handa na tulungan ka kapag ikaw ay may problema sa iyong pag-withdraw ng mga pera. Kontakin ang support team sa pamamagitan ng email kung ikaw ay makatagpo ng anumang isyu. Para sa mga katanungan sa email, ipadala ang mga ito sa support@binomo.com.