Ang pangangalakal sa mga CFD ay nagiging mas kilala hindi lamang sa mga dalubhasang mga mangangalakal kundi pati na rin sa mga baguhan. Ang artikulong ito ay gagabay sa iyo sa hakbang-hakbang na proseso kung paano mangalakal ng CFD sa Binomo, turuan ka kung paano ikalkula ang potensyal na kita at lugi, at sasagutin ang mga madalas na katanungan mula sa mga mangangalakal ng Binomo.
- Ano ang CFD?
- Paano mangalakal ng CFD sa Binomo?
- Paano magkalkula ng kita at pagkalugi?
- Mga Madalas Itanong
- Bakit sarado ang kalakalan ng CFD pagkatapos ng 15 na araw?
- Bakit CFD lang ang maaari kong ikalakal sa Binomo demo account?
- Ano ang multiplier?
- Bakit sinisingil sa komisyon ang CFD, at paano ito kinakalkula?
- Paano kalkulahin ang kita at pagkalugi sa isang CFD na kalakalan?
Ano ang CFD?
Ang ibig sabihin ng CFD ay Contract for Difference. Ito ay isang mekanika ng pangangalakal na nagpapahintulot sa pagkamit ng karagdagang kita sa pagkakaiba sa pagitan ng mga presyo ng pagbili at pagbenta ng isang asset. Ang halaga ng CFD ay hindi isinaalang-alang ang batayan ng halaga ng isang asset; ang pagbabago lamang ng presyo sa pagitan ng pagpasok at paglabas sa isang kalakalan.
Ang layunin ng mekanika ng pangangalakal sa Binomo ay hulaan kung TATAAS o BABABA ang presyo ng isang asset at, kung ito ay tama, kumita ng karagdagang kita. Ang laki nito ay tinutukoy ng pagkakaiba sa pagitan ng pagbubukas at pagsasara ng presyo ng isang asset.
Paano mangalakal ng CFD sa Binomo?
Ang mga mekanika ng CFD ay madaling unawain kahit pa ng mga hindi pa nakapangalakal dati. Sundin lamang ang mga simpleng hakbang na ito:
- Magtungo sa website na www.binomo.com, at magparehistro gamit ang iyong email address o Google/Facebook account.
- Mag-log in sa iyong demo account. Tandaan na ang pangangalakal sa CFD ay hindi posible sa isang tunay na Binomo account.
- Pindutin ang “+” sa kaliwang sulok, at piliin ang nais na asset sa seksyong “CFD”.
- Tukuyin ang halaga ng kalakalan (mula $1 hanggang $1000).
- Itakda ang multiplier (ang mga available na pagpilian ay 1, 2, 3, 4, 5, and 10).
- Hulaan ang galaw ng presyo ng asset sa pamamagitan ng pagpindot ng pataas o pababang arrow.
- Pindutin ang “Trade” na buton.
- Sundan ang iyong kalakalan sa seksyong “Trades”.
- Isara ang kalakalan sa nais na oras sa pamamagitan ng pagpindot ng “Close”.
Tandaan! Kapag hindi mo sinara ang kalakalan ng manu-mano, ito ay otomatikong magsasara 15 na araw pagkatapos ng pagbukas.
Paano magkalkula ng kita at pagkalugi?
Ang kita at pagkalugi sa CFD na kalakalan at sa Binomo ay kinakalkula gamit ang susunod na formula:
Puhunan x multiplier x [(presyo ng pagsasara / presyo ng pagbubukas) – 1]
Ang kakayahang kumita ng mga kalakalan sa CFD ay nakadepende sa mga pagbabago sa mga presyo ng pagbili at pagbenta ng isang asset, o mas tiyak, sa pagkakaiba sa pagitan ng mga ito. Kung ang presyo ng pagsasara ay mas malaki kaysa sa pagbubukas, ikaw ay makakakuha ng karagdagang kita. Kung ang kabaligtaran ang mangyari, ikaw ay mawawalan ng pondo na pinuhunan sa kalakalan.
Tandaan! Ang pinakamalaking lugi sa kalakalan sa CFD ay umaabot hanggang 95%.
Mga Madalas Itanong
Upang mas maunawaan ang mga mekanika ng CFD, paghiwalayin natin ang mga madalas itanong na mga katanungan mula sa mga mangangalakal ng Binomo.
Bakit sarado ang kalakalan ng CFD pagkatapos ng 15 na araw?
Dahil ang CFD ay available lamang sa isang demo account, nagpasya ang Binomo na ang 15 na araw ay ang pinakamainam na panahon upang maunawaan ang mga mekanika at makahanap ng mga epektibong estratehiya.
Kung kailangan mong manatiling bukas ang kalakalan nang mas matagal pa kaysa sa panahong ito, isaalang-alang ang otomatikong pagsasara. Pagkatapos nyan, maaari kang magbukas ng bagong kalakalan na may parehong mga kondisyon.
Bakit CFD lang ang maaari kong ikalakal sa Binomo demo account?
Ang mga mekanika ng CFD ay bago sa plataporma at kasalukuyan pang ginagawa. Ito ay available sa Binomo demo account upang ikaw ay maging pamilyar dito at masubukan ang iba’t-ibang estratehiya nang hindi nilalagay sa panganib ang iyong mga pondo.
Tandaan! Sundan ang mga balita ng Binomo upang maging unang makaalam kung kailan posibleng mangalakal ng CFD sa tunay na mga account.
Ano ang multiplier?
Ang multiplier ay isang numero kung saan ang iyong paunang puhuan sa CFD ay pinarami. Ang plataporma ng Binomo ay nag-aalok ng limang uri, i.e., 1, 2, 3, 5, and 10.
Ang multiplier ay nagpapahintulot sa iyo na mangalakal gamit ang mas malaking halaga kaysa sa iyong dineposito at makakuha ng karagdagang kita. Ipagpalagay na ang iyong paunang puhunan sa CFD ay $50, at ikaw ay pumili ng isang multiplier ng 2. Sa ganitong paraan, ikaw ay nangangalakal nang may budget na $100, at ang kabuuang kita ay ikakalkula ayon sa tumaas na halaga.
Bakit sinisingil sa komisyon ang CFD, at paano ito kinakalkula?
Ang komisyon ay sinisingil para sa pangangalakal sa mga CFD, ngunit hindi ito nangangailangan ng mga tunay na pondo at binabawas mula sa Binomo demo account. Ang bayad ay dinadagdag para sa mas detalyadong imitasyon ng tunay na pangangalakal. Ang pagkalkula ng komisyon ay nagbibigay-daan sa mga baguhang mangangalakal ng CFD na makabisado ang mga prinsipyo sa pamamahala ng pera, na mahalaga para sa mga mekanika.
Ang komisyon ay nakapirmi sa 0.02% ng dami ng kalakalan, na maaaring makalkula gamit ang susunod na formula:
Puhunan x multiplier
Upang matukoy ang laki ng komisyon, kailangan mong i-multipy ang dami ng kalakalan sa 0.02%. Halimbawa, kung ang puhunan na $50 ay ginawa na may multiplier ng 2, ang komisyon ay magiging 50 x 2 x 0.02% = $0.02.
Paano kalkulahin ang kita at pagkalugi sa isang CFD na kalakalan?
Ang Binomo ay nagtatakda ng partikular na formula upang kalkulahin ang kita at pagkalugi sa isang CFD na kalakalan.
Puhunan x multiplier x [(presyo ng pagsasara/ presyo ng pagbubukas) – 1]
Ipagpalagay na ang iyong puhunan sa CFD sa Binomo ay $100, at ikaw ay nagtakda ng multiplier na 3. Dahil dito, ikaw ay karapat-dapat na mangalakal nang may budget na $3000, at ang kakayahang kumita ay ibabase sa numerong ito. Ipagpalagay natin na noong sinimulan mo ang kalakalan, ang presyo ng asset ay $10,000; nang isinara mo ang kalakalan, tumayo ito sa $15,000.
Isaksak ang mga numerong ito sa formula:
100 x 3 x [(15,000/10,000) – 1] = 300 x (1.5 – 1) = $150
Kaya, ikaw ay nakatanggap ng karagdagang kita na $150. Ang pangunahing rason para dito ay ang pagtaas ng presyo ng pagsasara ng asset kumpara sa kanyang presyo ng pagbubukas. Kung ang kabaligtaran ang nangyari, iyon ay magreresulta sa pagkawala.