Ang Binomo ay available sa mahigit 130 na bansa at sa maraming wika (Hindi, English, at iba pa). Ang popularidad nito ay dahil sa pagiging simple ng mga mekanika ng pangangalakal at mga libreng materyales para sa edukasyon. Tingnan natin kung paano gamitin ang mga ito para maging mas epektibo ang pangangalakal sa Binomo.
Gamitin ang demo para sa edukasyon
Pagkatapos ng unang sign-in sa plataporma ng Binomo, ang bawat user ay makakakuha ng access sa isang libreng demo account sa loob ng walang limitasyong panahon. Ito ay isang ligtas na kapaligiran na magtuturo sa iyo kung paano mangalakal sa mga totoong tsart na may birtwal na pondo.
Ang demo account ay naglalaman ng mga video tutorials na tunay na makakatulong sa mga mangangalakal na nagsisimula pa lang. Maikli nilang ipapaliwang kung paano gumagana ang Binomo. Ikaw ay matututong mangalakal gamit ang Fixed Time Trade na mekanika, kung saan ang FTT ay magpahintulot sa iyo na makakuha ng karagdagang kita sa loob ng isang minuto.
Sundin lamang ang mga hakbang na ito:
- Pumili ng asset. Ang porsyento sa tabi ng asset ay nagpapahiwatig ng pinakamataas na kakayahang kumita ng kalakalan. Para sa mga VIP na mangangalakal, ang porsyentong ito ay laging mas mataas.
- Itakda ang halaga ng kalakalan. Ang pinakamababang halaga ng kalakalan ay $1; ang pinakamataas ay $1000 o ang katumbas nito sa iyong account currency. Kung ikaw ay baguhan sa pangangalakal, mas mabuting mamuhunan ng mababang halaga.
- Piliin ang oras ng pag-expire ng kalakalan. Maaari mong tukuyin ang oras ng pagtatapos ng kalakalan mula 1 hanggang 60 minuto. Tandaan na maaari kang pumili ng oras ng pagsara ng kalakalan, hindi ang tagal nito.
- Gumawa ng hula. Suriin ang paggalaw ng presyo ng asset sa tsart at hulaan kung ito ba ay tataas o bababa. Pindutin ang berdeng buton kung sa palagay mo tataas ang presyo ng asset o pula kung sa isip mo ito ay bababa.
- Hintaying magsara ang kalakalan. Kung ang iyong hula ay tama, ikaw ay makakakuha ng karagdagang kita depende sa porsyento ng kakayahang kumita ng kalakalan. Kung ang iyong hula ay mali, ang iyong puhunan ay hindi na babalik.
Ang plataporma ay nag-aalok din ng kapaki-pakinabang na Help Center. Ang FAQ section na ito ay nagpapaliwanag kung ano ang Binomo, paano baguhin ang account currency, paano gumamit ng mga estratehiya, bakit hindi plataporma ng forex trading ang Binomo, at marami pang iba. Kung hindi mo pa nahanap ang kasagutan sa iyong tanong, maaari kang sumulat palagi sa isang chatbot o makipag-ugnayan sa support@binomo.com.
Tandaan! Lahat ng materyales na pang-edukasyan ng Binomo ay ibinibigay nang walang bayad.
Igalang ang mga tuntunin
Isa pang mahalagang aspeto na dapat isaalang-alang kapag nangangalakal sa Binomo ay ang mga tuntunin ng plataporma. Kapag nagpaparehistro sa Binomo, kailangan mong basahin at tanggapin ang Kasunduan ng Kliyente at Patakaran sa Privacy. Ang pag-aaral sa mga panuntunang ito ay magbibigay-daan upang iyong masagot ang tanong: “Paano gumagana ang Binomo?”.
Matuto ng mga estratehiya
Ang pag-aaral at pagsubok ng mga estratehiya sa isang demo account ay mahalaga sa pangangalakal upang magdala ng mga resulta. Ang Binomo ay nag-aalok ng iba’t-ibang estratehiya ng pangangalakal para sa mga mangangalakal mula sa lahat ng antas: baguhan, may karanasan, at mga propesyonal.
Ang mga baguhan ay matututo tungkol sa mga technical indicators, news trading, “Night Channel at “Bollinger Breakdown” na mga estratehiya. Para sa mga may karanasang mangangalakal, ang section ng “Strategies” ay naglalaman ng impormasyon sa pangangalakal sa Fibonnaci na antas at sa flat, gamit ang RSI, at marami pa.
Tandaan na walang estratehiya ng pangangalakal ang makakagarantiya ng 100% na resulta ng iyong kalakalan. Samakatuwid, gamitin ang Binomo demo account upang matuto kung paano sila gamitin at mapabuti ang iyong mga abilidad sa panghuhula ng presyo. Mahalaga ring gumagamit ng mga indicator kasabay ng napiling estratehiya. Mababawasan nila ang panganib ng mga maling hula.
Paano gamitin ang mga indicator?
Ang mga indicator ay mga visual na mga kagamitan; ang mga mangangalakal ay ginagamit sila upang subaybayan ang mga pagbabago ng presyo ng isang asset sa isang tsart. Ang mga indicator ay dapat ginagamit kasabay ng isang estratehiya ng pangangalakal upang maging epektibo ang isang kalakalan.
Ikaw ay maaaring pumili at mag-customize ng indicator sa ibabang-kaliwang sulok ng plataporma:
- Pindutin ang icon ng “Trading tools”.
- Piliin ang kailangang indicator mula sa listahan.
- Ayusin ang “Overbought”, “Oversold”, at “Period” na setting at pindutin ang Apply.
Ang iyong aktibong indicator ay lilitaw sa itaas ng listahan. Maaari mong burahin ito sa pamamagitan ng pagpindot sa icon na basurahan.
Lumahok sa mga torneyo
Ang mga mangangalakal ay maaari ring lumahok sa mga torneyo ng Binomo upang mapabuti ang kanilang mga abilidad sa pangangalakal at makipagkumpetensya para sa prize pool. Ang “Daily Free” na torneo ay bukas para sa lahat ng users, kasama na ang mga may hawak ng demo account. Ito ay hindi nangangailangan ng bayad sa pagsali ngunit nagbibigay ng oportunidad na makakuha ng tunay na karagdagang kita. Ito ay isa pang kaakit-akit na paraan ng pangangalakal sa Binomo na nagpapahintulot sa iyo na makakuha ng karagdagang kita sa isang mapagkumpetensyang diwa.
Basahin ang blog ng Binomo
Dagdag pa sa Help Center at chatbot, na talaga namang kapaki-pakinabang par sa mga baguhan, ang Binomo ay mayroon ding opisyal na blog. Ito ay naglalaman ng mga artikulo na nagpapaliwanag tungkol sa kabuuan ng pangangalakal at kung paano gumagana ang plataporma. Ang blog ng Binomo ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sikat na estratehiya at mga indicator, mga tip sa pangangalakal, at marami pa.
Ngunit tandaan na ang panganib sa pagkawala ng pondo ay palaging naroroon kapag makikipagkalakalan, kahit pa may access sa mga materyal na pang-edukasyon at libreng pagsasanay sa isang demo account. Upang magtrabaho sa Binomo, kakailanganin mo ang lahat ng iyong kaalaman at abilidad upang mabawasan ito.