Kung baguhan ka lang sa pakikipagkalakalan at gustong magpatupad ng sarili mong mga estratehiya nang walang panganib na mawala ang iyong mga naipundar, puwede mong subukan ang demonstrasyong account ng Binomo. Sa artikulo na ito, magpopokus tayo sa kung paano magbukas at pumasok o mag-log in sa demonstrasyong account ng Binomo.
- Magbukas ng demonstrasyong account gamit ang sulatroniko o Email
- Magbukas ng demonstrasyong account gamit ang Facebook
- Magbukas ng demonstrasyong account gamit ang Gmail
- Magbukas ng demonstrasyong account sa iOS
- Magbukas ng demonstrasyong account sa Android
- Magbukas ng demonstrasyong account sa bersyon ng web sa selpon o mobile web version
- Paano lumipat mula sa demonstrasyon papunta sa totoong account sa Binomo?
- Mga madalas itanong (FAQ)
- Puwede ba akong makakuha ng karagdagang kita sa demonstrasyong account?
- Puwede bang makapagrehistro ang aking mga kamag-anak sa site at makipagkalakalan mula sa kaparehas na aparato?
- Bakit kailangan kong kumpirmahin ang aking sulatroniko o email?
- Pagkumpirma ng sularoniko o Email confirmation
- Paano makumpirma ang isang sulatroniko o email kung ito ay nailagay sa maling paraan?
Magbukas ng demonstrasyong account gamit ang sulatroniko o Email
Ang unang paraan upang makapagbukas at makapasok o maka-log in sa demonstrasyong account ng Binomo ay sa pamamagitan ng iyong address ng sulatroniko o email address. Kung wala ka pang pagpaparehistro, pakiusap, sundin ang mga pagtuturo:
- Pumunta sa opisyal na website ng Binomo at pindutin ang “Sign in” na pindutan.
- Punuin ang sign up form ng iyong sulatroniko at gumawa ng matibay na kontrasensyas o password.
- Pumili ng tipo ng pera o currency.
- Magbasa at pumayag sa Kasunduan ng Kliyente o Client Agreement at Patakaran na Palihim o Privacy Policy.
- Pindutin ang Gumawa ng account o “Create an account” at kumpirmahin ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng pagpindot sa link mula sa sulat.
- Pindutin ang Pumasok o “Login” na pindutan at ilagay ang address ng sulatroniko mo at kontrasensyas o password na tinukoy habang ikaw ay nagpaparehistro.
- Pagkatapos nito, puwede ka nang magsanay sa demonstrasyong account ng Binomo.
Tandaan! Mahalaga na mapili ang wastong tipo ng pera o currency ng account habang nagpaparehistro dahil hindi na ito puwede mapalitan sa susunod.
Magbukas ng demonstrasyong account gamit ang Facebook
Maraming mga nakikipagkalakalan ang mas gusto na magbukas ng demonstrasyong account ng Binomo gamit ng kanilang mga anyo o profile ng Facebook. Magagawa ito sa ganitong paraan:
- Pindutin ang pamilyar na asul na simbolo na may letrang “f” pagkatapos pindutin ang dilaw na pindutan na “Sign in” sa www.binomo.com.
- Punuin ang form ng iyong address ng sulatroniko o email address at kontrasensyas o password mula sa iyong account sa Facebook at pindutin ang “Login”. Magtatanong ito ng permiso mo tungkol sa pagkaalam nito ng iyong pangalan, litrato ng iyong anyo o profile at address ng sulatroniko o email address.
- Pindutin ang Tumuloy bilang si o “Continue as…” na pindutan.
Awtomatikong mapupunta ka sa plataporma ng Binomo papunta sa iyong demonstrasyong account para sa pagsasanay at pakikipagkalakalan.
Magbukas ng demonstrasyong account gamit ang Gmail
Puwede mo rin magamit ang itong anyo o profile sa Gmail upang makapasok o maka-log in sa demonstrasyong account ng Binomo. Ano ang dapat mong gawin:
- Upang makapagparehistro ka gamit ang Gmail account, pindutin ang “G” na pindutan sa signup form.
- Pagkatapos mong ilagay ang iyong address ng sulatroniko sa Gmail o Gmail address at kontrasensyas o password, magpapadala ng pagtuturo ang Binomo sa iyong address ng sulatroniko o email address.
- Sa pagsunod sa mga ito, makakakuha ka ng mabilis na daanan sa iyong demonstrasyong account ng Binomo.
Ito na ang lahat; handa ka nang magsimulang makipagkalakalan.
Magbukas ng demonstrasyong account sa iOS
Puwede ka rin magbukas ng demonstrasyong account ng Binomo sa pamamagitan ng aplikasyon sa selpon o mobile app. Sa kasalukuyan, ang aplikasyon o app sa Binomo na pangkalakalan ay makikita na sa tindahan ng mga aplikasyon o App Store at puwede mong mailagay o ma-i-download ito sa iyong iPhone o iPad.
Mga hakbang kung paano magbukas ng demonstrasyong account ng Binomo sa iOS:
- Pagkatapos makuha o mag-download, pindutin ang “Sign up”.
- Punuin ang address ng sulatroniko o email address at kontrasensyas o password.
- Piliin ang tipo ng pera o currency ng account.
- Magbasa at pumayag sa Kasunduan ng Kliyente o Client Agreement at Patakaran na Palihim o Privacy Policy.
Kaya, maaari ka nang makapagsanay sa demonstrasyong account ng Binomo gamit ng birtwal na $10.000 o makipagkalakalan ka sa totoong account.
Magbukas ng demonstrasyong account sa Android
Katulad ng iOS, ang Binomo ay makikita na rin sa Google Play, at ang mga gumagamit ng Android ay puwedeng makapaglagay o makapag-download nito sa kanilang mga aparato. Ang mga hakbang sa pag-sign in sa demonstrasyong account ng Binomo ay katulad lamang ng platapormang web at iOS na aplikasyon sa selpon o iOS mobile app:
- Punuin ang address ng sulatroniko o email address at kontrasensyas o password.
- Piliin nang maigi ang tipo ng pera o currency ng account.
- Magbasa at pumayag sa Kasunduan ng Kliyente o Client Agreement at Patakaran na Palihim o Privacy Policy.
Kung may kahirapan sa paglalagay o pagda-download ng aplikasyon o app mula sa Google Play, puwede mo naman laging gamitin ang Binomo APK. Ang mga gumagamit ng Android ay puwedeng maglagay o mag-install mula sa website ng Binomo gamit ng kodigo ng QR сode.
Magbukas ng demonstrasyong account sa bersyon ng web sa selpon o mobile web version
Kung hindi ka sabik sa pag-download ng aplikasyon o app sa iyong aparato, puwede kang makaabot sa bersyon ng web sa selpon o mobile web, gamit ng iyong browser. Kung iyong hahanapin ang “binomo.com”, puwede kang magkapasok doon gamit ng pahina ng plataporma ng web.
Maaari kang magbukas ng demonstrasyong account ng Binomo sa bersyon ng web sa selpon o mobile web version nang walang kahirap-hirap katulad na lamang sa website. Gawin ang lahat ng mga hakbang na inilarawan sa itaas gamit ng iyong address ng sulatroniko o email address at kontrasensyas o password o mga account ng Facebook/Google para sa login, at pindutin ang Gumawa ng account o “Create account”.
Paano lumipat mula sa demonstrasyon papunta sa totoong account sa Binomo?
Kung ikaw ay nakaipon ng tamang karanasan sa demonstrasyong account ng Binomo at naiisip na handa ka na para sa totoong pakikipagkalakalan, puwede ka nang magpalit ng demonstrasyong account sa totoo gamit ng plataporma.
Sundan ang mga pagtuturo:
- Hanapin ang iyong account na Binomo at ilagay sa kananang ibabaw na bahagi ng menu at pindutin ito.
- Piliin ang totoong account sa halip na demonstrasyon.
Makakakita ka ng abiso na nakalipat ka mula sa demonstrasyong account ng Binomo papunta sa totoo.
Kailangan mong maging maingat kapag nakapunta ka na sa totoo mong account sa Binomo sa halip na sa demonstrasyon dahil may posibilidad ng karagdagang kita o pagkawala depende sa iyong mga estratehiya sa pakikipagkalakalan.
Mga madalas itanong (FAQ)
Ating pag-usapan kung ano ang kadalasang mga tanong ng mga tao bago magbukas ng isang demonstrasyong account ng Binomo
Puwede ba akong makakuha ng karagdagang kita sa demonstrasyong account?
Ang demonstrasyong account ng Binomo ay ginawa lamang para sa mga gumagamit nito upang magsanay ang mga ito sa pakikipagkalakalan at makakuha ng karanasan, kaya wala itong dala-dalang totoong halaga. Makikita mo ang mga resulta ng iyong mga estratehiya sa demonstrasyong account ng Binomo ngunit, ang mga pondong natanggap mo bilang resulta ng iyong pag-eensayo ay hindi puwedeng makuha o ma-withdraw.
Puwede bang makapagrehistro ang aking mga kamag-anak sa site at makipagkalakalan mula sa kaparehas na aparato?
Ang ibang miyembro ng iyong pamilya ay puwedeng makipagkalakalan gamit ng kanilang mga account ngunit tandaan ang dalawang kondisyon na ito:
- Ang bawat gumagamit ay mangangailangan ng hiwalay na aparato.
- Ang bawat gumagamit ay mangangailangan ng ibang address ng IP.
Ang mga miyembro ng parehong pamilya ay puwedeng makipagkalakalan sa Binomo sa ibat ibang mga account dahil ang maraming account ay hindi pinapayagan.
Bakit kailangan kong kumpirmahin ang aking sulatroniko o email?
Ang plataporma ay nagmumungkahi sa mga gumagamit na kumpirmahin ang kanilang sulatroniko o email sa iilang mga rason.
Unang-una, dahil ang seguridad ng mga nakikipagkalakalan ay isa sa mga prayoridad ng Binomo, Importante na maprotektahan ang kahit na anong account na pangkalakalan kasama na ang demonstrasyon mula sa posibleng mga panghihimasok. Ang pagkukumpirma ng sulatroniko o email confirmation ay pinapayagan kang protektahan ang iyong account mula sa hacking o puwede nitong maibalik ang iyong daan kung sakaling makalimutan mo ang iyong kontrasensyas o password.
Pangalawa, pinapaalam ng Binomo sa mga gumagamit ang mga promosyon ng plataporma at kampanya sa pamamagitan ng mga abiso sa sulatroniko o email notifications.
Sa wakas, kung mapapatunayan mo ang iyong address ng sulatroniko o email address, puwede kang makapasok sa mga nakakatulong na nilalaman kasama na ang mga bidyo ng pagtuturo, estratehiya ng pakikipagkalakalan at mga istilo.
Pagkumpirma ng sularoniko o Email confirmation
Ipapadala sayo ang kumpirmasyon sa iyong inbox sa iyong sulatroniko o email ilang minuto matapos mo pumasok o mag-log in sa plataporma ng pangkalakalan ng Binomo. Kung hindi mo makita ito, una mong tignan ang iyong spam folder. Kung hindi mo pa rin makita ito, puwede ka laging kumonekta sa support@binomo.com at manghingi ng tulong.
Paano makumpirma ang isang sulatroniko o email kung ito ay nailagay sa maling paraan?
Hindi ka makakatanggap ng kumpirmasyon sa sulatroniko o email kung may mali kang nailagay na impormasyon habang ikaw ay nagpaparehistro. Sa pangyayaring ito, puwede kang mag-sign in sa iyong demonstrasyong account ng Binomo upang maitama ang iyong mga detalye sa iyong log in sa pahina ng personal na impormasyon o “Personal Information” page at kumpirmahin ito. Pagkatapos nito, makakatanggap ka ng kumpirmasyon sa sulatroniko o email.
Kung nakakaranas ka pa rin ng mga problema, puwede kang manghingi ng tulong sa pangkat ng suporta o support team. Sila ay palaging nandiyan 24/7 upang resolbahin ang lahat ng mga reklamo. Kaya, huwag mahiyang lumapit sa kanila kung makakaranas ka man ng mga isyu.




















