Ang bawat estratehiya ng pangangalakal sa Binomo ay base sa pagsusuri pagkatapos basahin ang mga tsart. Ang pinakakilalang tsart sa plataporma ay ang Kandila, na binubuo ng isang katawan at mga anino. Ating alamin kung paano epektibong mangalakal sa Binomo gamit ang Japanese candlestick shadow na pamamaraan.
Tungkol sa Japanese candlesticks
Ang Japanese candlesticks ay isang teknikal na kagamitan sa pagsusuri na tumutulong sa mga mangangalakal sa pagbasa at pagsuri ng galaw ng mga presyo ng mga asset. Ang tsart ng mga candlesticks sa Binomo ay nagpapakita ng ilang patuloy na gumagalaw na mga kandila sa iba’t-ibang kulay at laki. Ang mga pula ay bearish, at ang mga berde ay mga bullish.
Sa tsart ng Binomo candlestick, makikita mo ang katawan at mga anino ng kandila. Ang katawan ay isang guwang o napunong bahagi nito. Ang mga linya sa itaas at sa ibaba ng katawan ay mga anino ng candlestick. Ang charting candlestick technique ay gumagamit ng mitsa o anino ng candlestick upang magbigay sa mga mangangalakal sa Binomo ng detalyadong pagsusuri ng direksyon kung saan ang presyo ng isang asset ay gumagalaw.
Ang mga anino ay nagsasaad kung saan nagbago ang presyo ng isang asset kaugnay ng mga presyo ng pagbubukas at pagsasara. Ang isang candlestick na may anino ay nagbibigay ng isang signal ng kalakalan sa dalawang kaso:
- Ang presyo ay gumagalaw patagilid at umaabot sa support/antas ng paglaban;
- Ang presyo ay bumabagsak sa antas ng suporta/paglaban. Ito ay bumubuo ng isang uso at muling susubukin ang antas.
Bilang parte ng edukasyon sa Binomo, makikita mo kung paano nabubuo ang isang tsart ng candlestick salamat sa isang demo account.
Pakikipagkalakalan sa mga anino ng kandila sa Binomo
Ngayong alam mo na kung ano ang mga Japanese candlesticks, tingnan natin kung paano mo magagamit ang kanilang mga anino sa iyong diskarte sa pangangalakal sa Binomo:
- Mag-login sa iyong Binomo account at piliin ang asset na ikakalakal.
- Sa bandang kaliwa ng screen, makikita mo ang apat na icon na naglalarawan sa timeframe, uri ng tsart, mga kagamitan sa pangangalakal, at mga kagamitan sa pagguhit.
- Pindutin ang icon ng tsart, at pagkatapos ay piliin ang Candle mula sa apat na pagpipilian. Ang mga pula at berdeng candlesticks ay lilitaw sa screen.
- Pumili ng timeframe (mula 5 segundo hanggang isang oras).
- Piliin ang tagapagpahiwatig na nais mong gamitin sa pagsusuri.
Gaya ng aming sinabi, mayroong dalawang sitwasyon kung saan maaari mong gamitin ang mga anino ng candlestick upang matukoy kung kailan papasok sa isang kalakalan. Tingnan natin ang mga sitwasyong ito na madalas nangyayari kapag nangangalakal sa Binomo gamit ang isang tsart ng candlestick.
Tandaan! Ang 5 minutong tsart ay ang pinakamalawak na ginagamit na agwat ng oras gamit ang diskarteng candlestick na anino sa Binomo.
Sitwasyon 1. Ang presyo ay gumagalaw patagilid
Ang patagilid na uso ay kung kailan ang presyo ay gumagalaw nang pahalang dahil sa pantay na pwersa ng supply at demand. Sa isang patagilid na uso, ang presyo ay gumagalaw sa isang makitid na banda, hindi pataas o pababa. Ito ay karaniwang nangyayari sa panahon ng pagsasama-sama at ang presyo ay patungo sa nauna o pabaliktad na uso. Ang isang patagilid na uso ng presyo ay kilala din bilang “range-bound” o “horizontal trend”.
Ang mga mahahabang anino ng candlestick ay madalas lumilitaw sa dulo ng isang uso bago bumabaligtad ang presyo, na bumubuo ng isang bagong uso sa kabilang direksyon. Ang mga anino ng mga maiikling candlestick ay nagpapakita na ang karamihan sa mga aktibidad ng pangangalakal ay nangyayari sa pagitan ng mga panahon ng pagbubukas at pagsasara ng mga presyo.
Ipagpalagay na ang sitwasyon kung kailan sulit na magbukas ng isang posisyon sa pagbili:
- Gumuhit ng linya ng suporta kung kailan ang presyo ay gumagalaw patagilid upang makita ang signal upang magbukas ng kalakalan.
- Maghintay hanggang ang isang candlestick na may mahabang pababang anino ay dumampi sa iyong linya ng suporta.
Ang kabaligtarang sitwasyon ay kapag ang isang kandila na may mahabang tumataas na anino ay lilitaw sa antas ng paglaban. Sa kasong ito, sulit na magbukas ng isang maikling kalakalan.
Tandaan! Kapag ikaw ay gagamit ng 5 minutong tsart, ang oras ng pagkawalang bisa ng kalakalan ay dapat 5 minuto.
Sitwasyon 2. Isang breakout ng mga makabuluhang zones
Ang breakout ay tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan ang presyo ng isang asset ay lumampas sa lugar ng pagtutol. Ang mga breakout ay mahahalagang tagapahiwatig na nagkukumpirma ng direksyon ng presyo. Halimbawa, ang isang pataas na breakout ng isang kandila ay maaaring nagpapahiwatig na ang presyo ay mag-uumpisang gumalaw ng mas mataas. Dapat kang magbukas ng isang maikling posisyon kung ang presyo ay dumampi sa anino ng nakaraang pababang anino ng candlestick na pinakamalapit sa breakout point.
Konklusyon
Ang Binomo candlestick na estratehiya ng pangangalakal para sa mga nakapirming kalakalan ay ang madalas ginagamit. Ito ay praktikal at isa sa pinakamahusay na teknik na available sa plataporma ng Binomo. Ang display ng candle chart ay nag-aalok ng isang madaliang pangkalahatang ideya base sa kulay, laki, at dami ng kandila. Nakakatulong ito sa mga mangangalakal na pumasok sa madaliang mga kalakalan at makakuha ng oportunidad na kumita ng karagdagang kita. Upang tingnan ito, magpunta sa Binomo demo account ngayon.
Huwag kalimutan na ang pangangalakal ay laging may kaakibat na panganib na mawalan ng pondo. Bago lumipat sa isang tunay na account, kailangan mo munang matutunan kung paano pumili ng pinakamahusay na tagapagpahiwatig, magbasa ng mga anino ng kandila, at magsubok ng mga estratehiya sa pangangalakal sa iyong Binomo demo account.














