Paano mangalakal kapag ang merkado ay patag sa Binomo

trading in a flat market Estratehiya

Ang Binomo ay isang plataporma ng pangangalakal na nag-uugnay ng mga users sa merkado ng tunay na mundo at nagpapahintulot sa kanila na mangalakal nang kumportable online. Dahil ang Binomo ay kumukuha ng real-world dynamics, posibleng makahanap ng patag na merkado. Ngunit maaari itong maging isang nakakalitong sitwasyon para maniobrahin ng mga mangangalakal. Sa artikulong ito, titingnan natin ang mga paraan upang makapangalakal sa isang patag na merkado sa plataporma ng Binomo.

Ano ang isang patag na merkado?


Bago matutong mangalakal sa isang patag na merkado, mahalagang maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. Ang merkado ay palaging nagbabago. Maaari itong magkaroon ng pataas o pababang galaw, ngunit maaari rin itong patagilid, at pagkatapos ay isa itong merkado na patag.

Maaaring isipin mo na ang ibig sabihin nito ay walang mga makabuluhang pagbabago sa patag na merkado. Gayunpaman, hindi ganito ang laging ganito ang nangyayari. Ang isang patag na merkado ay maaari ring magkaroon ng maihahambing na pagbaba sa mga presyo ng seguridad mula sa ibang mga sector na maaaring gamitin upang kontrahin ang pataas na paggalaw ng presyo ng ilang mga sector o ng mga equity ng mga industriya. Sa madaling salita, walang tunay na pagbabago sa isang patag na merkado.

Tandaan! Ang isang patag na merkado ay isa kung saan mayroong kaunti hanggang sa walang paggalaw sa stock market sa loob ng mahabang panahon.

Pananaliksik

use news for trading
Ang isang merkado ay patuloy na nagbabago dahil sa mga trigger mula sa iba’t-ibang mga transaksyon at mga kaganapan na nangyayari sa buong mundo. Maaari mong sabihin na ang merkado ay patag kung walang pataas o pababang paggalaw kundi patagilid lamang. Dahil sa kawalan ng pataas o pababang mga uso, ang isang patag na merkado ay hindi pinapahalagahan ng mga mangangalakal.

Isang magandang lugar upang magsimula ay sa pamamagitan ng paghahanap ng mga potensyal na dahilan sa likod nito. Kapag nadiskubre mo na kung ano ang nagpapalitaw sa mga magkabilang pwersa na nagpapanatili sa merkado na hindi gumagalaw at patag, ikaw ay mapupunta sa mas magandang posisyon upang mas sulitin ito.

Ang katwiran para sa pagpapatatag ng merkado ay nakasalalay sa pampulitika, panlipunan, at klimang pang-ekonomiya. Trabaho mo ang pagsagawa ng ilang simpleng pag-aaral upang mahanap ito para magamit mo ito sa paghula ng mga pagbabago sa presyo sa hinaharap.

Narito ang ilan sa mga mapagkukunan na dapat mong tingnan upang maging mas maalam sa usapin:

  • Mga ulat sa ekonomiya.
  • Mga ulat ng mas malalaking korporasyon
  • Mga pahayagan.
  • Mga pahayag ng mga taong nauugnay sa merkado at seguridad.

Bagama’t mukhang nakakapagod itong parte ng proseso, mahalaga ito sa iyong tagumpay sa pangangalakal. Higit pa rito, ito ay isang beses na bagay hanggang sa isa pang makabuluhang pangyayari ang magaganap.

Pagsusuri

Kapag tapos ka na sa iyong pananaliksik, maaari mo nang suriin ang mga natuklasan at ang pangkalahatang kapaligiran sa merkado bago magbukas ng isang kalakalan. Sa Binomo, maaari kang gumamit ng ilang kagamitan sa teknikal na pagsusuri upang subukan ang mga projection ng isang partikular na asset. Siguraduhing panatilihing simple at kumprehensibo ang iyong mga estratehiya at kagamitan. Subukan ang iyong estratehiya at iba pang mga tagapagpahiwatig sa isang demo account upang matukoy kung aling kagamitan ang pinakamabisa.

Mga resulta

Pagkatapos magsagawa ng iyong pananaliksik, mahalagang subaybayan ang lahat na sa tingin mo ay kailangan para sa iyong mga kalakalan. Manatiling nakasubaybay sa mga makabuluhan at iba’t-ibang piraso ng balita upang laging napapanahon.

Bilang karagdagan, subaybayan ang iyong mga kalakalan at ang kanilang mga resulta nang detalyado. Iminumungkahi ng Binomo na gumamit ng isang trading journal upang i-record ang lahat ng iyong mga kalakalan. Ang magandang trading journal ay isasama ang mga sumusunod:

  • Ang oras na inilagay mo ang bawat kalakalan at ang mga presyo sa bawat sandali.
  • Mga kondisyon sa merkado sa mga panahon ng pagbukas at pagsara.
  • Parehong matagumpay at mga nabigong kalakalan.

Papayagan ka nitong sagutin ang mga mahahalagang katanungan:

  • Ano ang sana ay nagawa mong iba para sa kalakalan na ito kung magagawa mo itong muli.
  • Ano ang dahilan kung bakit inilagay mo ang kalakalang ito?
  • Ano ang pumipigil sa iyo sa paglagay ng kalakalan?

Mahalagang suriin ang mga kinalabasan at mga resulta ng iyong mga kalkulasyon upang tumaas ang iyong pagkaepektibo sa pagsulong. Ang isang trading journal na regular na napapanatili ay isang mahusay na kagamitan upang tulungan ka sa trabahong ito.

Konklusyon 

Huwag magmadaling lumabas sa isang trading account kapag ang merkado ay pumasok sa isang patag. Tiyak na hindi magandang ideya ang magbukas ng isang kalakalan ngayon, ngunit maaari mong gamitin ang panahong ito sa iyong kalamangan at suriin ang iyong mga nakaraang kalakalan.

Rate article
Binomo traders club