Ang Binomo ay isa sa mga pinakakilalang plataporma ng pangangalakal sa buong mundo, ginagamit ng mahigit 130 na bansa. Kung nais mong sumali sa milyon-milyong mga mangangalakal, ang unang kailangan mong gawin ay ang gumawa ng account. Magbasa pa upang malaman kung paano magparehistro sa plataporma sa iba’t-ibang paraan at kung paano magsimulang mangalakal gamit ang mga CFDs.
- Magrehistro gamit ng sulatroniko
- Magrehistro gamit ng account sa Facebook
- Magrehistro gamit ng account sa Google
- Paano magrehistro sa platapormang iOS sa selpon ng Binomo?
- Paano magrehistro sa platapormang Android sa selpon ng Binomo?
- Paano magrehistro sa bersyon na ‘web’ sa selpon sa Binomo?
- Mga Madalas Itanong
- Maaari bang magrehistro ang mga kamag-anak sa site at makipagkalakalan mula sa katulad na aparato?
- Sa anong mga bansa hindi nagbibigay ng serbisyo ang Binomo
- Gusto magrehistro ng bagong account, ngunit laging napupunta sa luma
- Bakit kailangan kong kumpirmahin ang sulatroniko?
- Kumpirmasyon sa sulatroniko
- Paano makumpirma ang sulatroniko kung ito ay maling nailagay?
- Lahat ng tungkol sa pangangalakal ng mga CFD sa plataporma ng Binomo
- Ano ang CFD?
- Paano mangalakal ng CFD sa Binomo?
- Paano magkalkula ng kita at pagkalugi?
- Mga Madalas Itanong
- Bakit sarado ang kalakalan ng CFD pagkatapos ng 15 na araw?
- Bakit CFD lang ang maaari kong ikalakal sa Binomo demo account?
- Ano ang multiplier?
- Bakit sinisingil sa komisyon ang CFD, at paano ito kinakalkula?
- Paano kalkulahin ang kita at pagkalugi sa isang CFD na kalakalan?
Magrehistro gamit ng sulatroniko
Ang mga sumusunod ay ang sunud-sunod na hakbang kung paano bubuksan ang isang account sa Binomo gamit ng sulatroniko:
- Ilagay ang www.binomo.com sa web.
- Pindutin ang “Sign-in” sa kanang bahagi sa sulok sa itaas.
- Ilagay ang sulatronikong kinaroroonan at gumawa ng tiyak at ligtas na hudyat o password.
- Maingat na mamili ng siguradong tipo ng pera o currency na iyong gagamitin sa pakikipagkalakalan. Tandaan na hindi na ito puwedeng palitan pagkatapos magrehistro sa Binomo.
- Pag-aralan ang mga tuntunin ng serbisyo at lagyan ng marka ng tyek ang kahon kung ikaw ay sumasang-ayon. Huwag mong lampasan ang hakbang na ito dahil puwedeng mawala ang iyong account kapag ikaw ay sumuway sa mga palatuntunin.
- Pindutin ang gumawa ng account o “Create Account” at makakatanggap ka ng sulatroniko pagkatapos ng ilang sandali upang iyong kumpirmahin ang lokasyon ng iyong bahay. Sundan mo ang link sa loob nito upang makumpleto mo na ang proseso ng sign-up sa Binomo.
Puwede ka na ngayon pumasok sa account mo sa plataporma gamit ng iyong identipikasyong sulatroniko at magsimula ng pag-eensayo sa pakikipagkalakalan sa isang demonstrasyong account sa Binomo o di kaya’y puwedeng kang lumipat kaagad sa iyong totoong account.
Magrehistro gamit ng account sa Facebook
Puwede ka ring mag-sign up para sa Binomo gamit ng iyong account sa Facebook at ganito kung paano gawin iyon:
- Pagkatapos mong pindutin ang “Sign-in”, pindutin ang simbolo ng Facebook.
- Sa nagbukas na window, ilagay mo ang iyong sulatroniko at password upang mabuksan ang magkakaakibat na sosyal o social network.
- Pindutin ang “Login” at payagan ang platapormang ito na malaman ang iyong pangalan, sulatronikong kinaroroonan at litrato sa iyong profile.
Awtomatikong mapupunta ka sa Binomo at ang proseso ng pagpaparehistro ay makukumpleto.
Magrehistro gamit ng account sa Google
Mayroon din ang paggamit ng identipikasyon sa Gmail upang makapasok sa Binomo. Kailangan mo lamang sundin ang tatlong simpleng mga palatuntuning ito:
- Hanapin mo ang simbolo ng Google sa form ng pagpaparehistro at pindutin ito.
- Sa lalabas na pahina o pop-up window, ilagay ang sulatronikong kinaroroonan na konektado sa account at pindutin ang Susunod o “Next”.
- Ilagay ang ispesipikong hudyat o password at awtomatikong mapupunta ka sa account na demonstrasyon ng Binomo.
Puwede ka na kaagad pumasok sa pamamagitan ng pagpindot sa simbolo ng Google upang makapag-ensayo sa isang account na demonstrasyon ng Binomo o dimirekta na sa totoong pakikipagkalakalan.
Paano magrehistro sa platapormang iOS sa selpon ng Binomo?
Puwede kang mag-download ng opisyal na aplikasyon ng Binomo mula sa tindahan ng app o App Store kung mayroon kang aparato na IOS. Ang software na selpon ay madaling aralin at nagbibigay ng ‘on the go’ o madaling pakikipagkalakalan.
Ang panel ng pagpaparehistro ay awtomatikong mabubuksan sa iyong unang pagbisita sa aplikasyon ng Binomo. Katulad lamang nito ang proseso sa bersyon ng web: ilagay lamang ang sulatroniko, pumili ng tipo ng pera o currency, basahin at pumayag sa mga tuntunin ng Binomo at pindutin ang “Sign-up”. Kung nakagawa ka na ng account sa website ng Binomo, pumasok ka na lang sa aplikasyon gamit ng iyong identipikasyon.
Paano magrehistro sa platapormang Android sa selpon ng Binomo?
Ang Binomo ay mayroon ding aplikasyon para sa mga gumagamit ng Android na puwede mong ma-i-download mula sa tindahan ng laro ng Google o Google Play Store, tindahan ng Galaxy o Galaxy Store, Apptoko, AppGallery, at Aptoide. Hindi ito nangangailangan ng mabilis na internet hindi katulad ng ibang mga website.
Upang makapasok sa platapormang Binomo gamit ng kahit na anong aparato na Android, sundan lamang ang mga simpleng hakbang sa itaas. Kung mayroong kahirapan sa proseso ng pagpaparehistro, puwede ka laging magsulat sa support@binomo.com.
Paano magrehistro sa bersyon na ‘web’ sa selpon sa Binomo?
Ang besyon ng web sa selpon ay hindi aplikasyon o app. Maaari kang makipagkalakalan sa pamamagitan ng pagpasok sa plataporma gamit ng isang browser sa iyong selpon o tablet. Ang platapormang Binomo ay pumapayag na mamili ka kung saan plataporma ka makikipagkalakalan. Maaari mong gamitin ang bersyon na web o selpon o di kaya magpalipat-lipat sa dalawang ito. Upang makasali ka sa Binomo, kailangan mong ulitin ang mga hakbang na ipinaliwanag sa itaas: ilagay ang sulatroniko at hudyat o password, mamili ng tipo ng pera o currency at lagyan ng tsek ang kahon ng Kasunduan ng Kliyente o ‘Client Agreement’ at pindutin ang gumawa ng account o “Create an account”.
Mga Madalas Itanong
Ating suriin ang madalas na mga katanungan sa proseso ng pagpaparehistro ng mga bagong nakikipagkalakalan sa Binomo.
Maaari bang magrehistro ang mga kamag-anak sa site at makipagkalakalan mula sa katulad na aparato?
Ang mga miyembro ng katulad na tirahan ay kailangang gumawa ng iba’t ibang account upang makipagkalakalan sa Binomo. Ang platapormang ito ay dapat mabubuksan sa pamamagitan ng hiwalay na mga IP address at mga aparato.
Tandaan! Ang mga palatuntunin ng Binomo ay nagbabawal sa isang nakikipagkalakalan sa paglikha ng higit pa sa isa account.
Sa anong mga bansa hindi nagbibigay ng serbisyo ang Binomo
Ang mga gumagamit sa mga sumusunod na bansa ay hindi puwedeng gumawa ng account sa Binomo at hindi maaaring gumamit ng mga serbisyo ng platapormang pangkalakalang ito: Canada, North Korea, USA, Belarus, Australia, Belgium, Croatia, Bulgaria, Czech Republic, at iba pa. Ang kumpletong listahan ay narito sa talatang 10.2 ng Pinagsasang-ayunan ng Kliyente o Client Agreement ng Binomo.
Gusto magrehistro ng bagong account, ngunit laging napupunta sa luma
Bago gumawa ng panibagong account, kailangan harangan o i-block ang iyong kasalukuyang account. Kapag nagawa mo na ito, tska ka lang makakagawa ng bagong account nang walang nilalabag na palatuntunin sa Binomo.
Tandaan! Hindi mo puwedeng gamitin ang naharangan o na-block na sulatroniko upang sumali. Upang makagawa ng panibago, kailangan mong maglagay ng ibang sulatronikong kinaroroonan.
Bakit kailangan kong kumpirmahin ang sulatroniko?
Pagkatapos makumpleto ang pagpaparehistro sa website o aplikasyon ng Binomo, ikaw ay tatanungin na kumpirmahin ang iyong sulatroniko. Isipin mong hindi kinakailangan ang pagkumpirma ng sulatroniko kung di, para na rin ito sa iyong sariling benepisyo na rin:
- Ang account ay ligtas mula sa mga hindi awtorisado na mga tao at mga manloloko. Dahil sa iyong napatunayang sulatronikong kinaroroonan, puwede kang lumapit sa pangkat ng suporta, alamin ang iyong ‘password’ at kahit na harangan o i-block ang iyong account.
- Makakatangap ka palagi nang may eksklusibong material pang edukasyon, kasama na ang mga dalubhasa sa komentaryo, estratehiya, at mga tip sa pakikipagkalakalan.
- Palagi kang magiging maalam sa mga promosyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga abiso tungkol sa mga kumpetisyon at bagong mga dagdag o bonus, kasama na ang mga kodigo ng promo.
Kumpirmasyon sa sulatroniko
Humigit-kumulang sa limang minuto mula nang makumpleto ang proseso ng pagpaparehistro ay magpapadala ang Binomo ng sulatroniko na may link upang mapatunayan ang sulatronikong kinaroroonan. Kung hindi ka pa nakakatanggap, magsabi sa tagapamahala na magdala ng panibago sa pamamagitan ng pagsusulat sa support@binomo.com. Gayunpaman, bago makipag-usap sa suporta, tignan muna ang iyong polder ng spam.
Paano makumpirma ang sulatroniko kung ito ay maling nailagay?
Kung aksidente mong nailagay ang maling identipikasyon ng sulatroniko noong ikaw ay sumasali pa lamang sa Binomo, pumunta ka sa seksyon ng “Profile”, magdagdag ng puwedeng sulatroniko upang mapalitan ang mali at pindutin ang kumpirmahin o “Confirm”.
Ang sistema ay agad-agad magpapadala ng kumpirmasyon sa sulatroniko sa iyong bagong sulatronikong kinaroroonan. Sa plataporma, makakakita ka ng isang abiso tungkol sa pagpapadala, at maaari ka rin humingi ng sulat muli kung hindi mo ito natanggap.
Lahat ng tungkol sa pangangalakal ng mga CFD sa plataporma ng Binomo
Ang pangangalakal sa mga CFD ay nagiging mas kilala hindi lamang sa mga dalubhasang mga mangangalakal kundi pati na rin sa mga baguhan. Ang artikulong ito ay gagabay sa iyo sa hakbang-hakbang na proseso kung paano mangalakal ng CFD sa Binomo, turuan ka kung paano ikalkula ang potensyal na kita at lugi, at sasagutin ang mga madalas na katanungan mula sa mga mangangalakal ng Binomo.
Ano ang CFD?
Ang ibig sabihin ng CFD ay Contract for Difference. Ito ay isang mekanika ng pangangalakal na nagpapahintulot sa pagkamit ng karagdagang kita sa pagkakaiba sa pagitan ng mga presyo ng pagbili at pagbenta ng isang asset. Ang halaga ng CFD ay hindi isinaalang-alang ang batayan ng halaga ng isang asset; ang pagbabago lamang ng presyo sa pagitan ng pagpasok at paglabas sa isang kalakalan.
Ang layunin ng mekanika ng pangangalakal sa Binomo ay hulaan kung TATAAS o BABABA ang presyo ng isang asset at, kung ito ay tama, kumita ng karagdagang kita. Ang laki nito ay tinutukoy ng pagkakaiba sa pagitan ng pagbubukas at pagsasara ng presyo ng isang asset.
Paano mangalakal ng CFD sa Binomo?
Ang mga mekanika ng CFD ay madaling unawain kahit pa ng mga hindi pa nakapangalakal dati. Sundin lamang ang mga simpleng hakbang na ito:
- Magtungo sa website na www.binomo.com, at magparehistro gamit ang iyong email address o Google/Facebook account.
- Mag-log in sa iyong demo account. Tandaan na ang pangangalakal sa CFD ay hindi posible sa isang tunay na Binomo account.
- Pindutin ang “+” sa kaliwang sulok, at piliin ang nais na asset sa seksyong “CFD”.
- Tukuyin ang halaga ng kalakalan (mula $1 hanggang $1000).
- Itakda ang multiplier (ang mga available na pagpilian ay 1, 2, 3, 4, 5, and 10).
- Hulaan ang galaw ng presyo ng asset sa pamamagitan ng pagpindot ng pataas o pababang arrow.
- Pindutin ang “Trade” na buton.
- Sundan ang iyong kalakalan sa seksyong “Trades”.
- Isara ang kalakalan sa nais na oras sa pamamagitan ng pagpindot ng “Close”.
Tandaan! Kapag hindi mo sinara ang kalakalan ng manu-mano, ito ay otomatikong magsasara 15 na araw pagkatapos ng pagbukas.
Paano magkalkula ng kita at pagkalugi?
Ang kita at pagkalugi sa CFD na kalakalan at sa Binomo ay kinakalkula gamit ang susunod na formula:
Puhunan x multiplier x [(presyo ng pagsasara / presyo ng pagbubukas) – 1]
Ang kakayahang kumita ng mga kalakalan sa CFD ay nakadepende sa mga pagbabago sa mga presyo ng pagbili at pagbenta ng isang asset, o mas tiyak, sa pagkakaiba sa pagitan ng mga ito. Kung ang presyo ng pagsasara ay mas malaki kaysa sa pagbubukas, ikaw ay makakakuha ng karagdagang kita. Kung ang kabaligtaran ang mangyari, ikaw ay mawawalan ng pondo na pinuhunan sa kalakalan.
Tandaan! Ang pinakamalaking lugi sa kalakalan sa CFD ay umaabot hanggang 95%.
Mga Madalas Itanong
Upang mas maunawaan ang mga mekanika ng CFD, paghiwalayin natin ang mga madalas itanong na mga katanungan mula sa mga mangangalakal ng Binomo.
Bakit sarado ang kalakalan ng CFD pagkatapos ng 15 na araw?
Dahil ang CFD ay available lamang sa isang demo account, nagpasya ang Binomo na ang 15 na araw ay ang pinakamainam na panahon upang maunawaan ang mga mekanika at makahanap ng mga epektibong estratehiya.
Kung kailangan mong manatiling bukas ang kalakalan nang mas matagal pa kaysa sa panahong ito, isaalang-alang ang otomatikong pagsasara. Pagkatapos nyan, maaari kang magbukas ng bagong kalakalan na may parehong mga kondisyon.
Bakit CFD lang ang maaari kong ikalakal sa Binomo demo account?
Ang mga mekanika ng CFD ay bago sa plataporma at kasalukuyan pang ginagawa. Ito ay available sa Binomo demo account upang ikaw ay maging pamilyar dito at masubukan ang iba’t-ibang estratehiya nang hindi nilalagay sa panganib ang iyong mga pondo.
Tandaan! Sundan ang mga balita ng Binomo upang maging unang makaalam kung kailan posibleng mangalakal ng CFD sa tunay na mga account.
Ano ang multiplier?
Ang multiplier ay isang numero kung saan ang iyong paunang puhuan sa CFD ay pinarami. Ang plataporma ng Binomo ay nag-aalok ng limang uri, i.e., 1, 2, 3, 5, and 10.
Ang multiplier ay nagpapahintulot sa iyo na mangalakal gamit ang mas malaking halaga kaysa sa iyong dineposito at makakuha ng karagdagang kita. Ipagpalagay na ang iyong paunang puhunan sa CFD ay $50, at ikaw ay pumili ng isang multiplier ng 2. Sa ganitong paraan, ikaw ay nangangalakal nang may budget na $100, at ang kabuuang kita ay ikakalkula ayon sa tumaas na halaga.
Bakit sinisingil sa komisyon ang CFD, at paano ito kinakalkula?
Ang komisyon ay sinisingil para sa pangangalakal sa mga CFD, ngunit hindi ito nangangailangan ng mga tunay na pondo at binabawas mula sa Binomo demo account. Ang bayad ay dinadagdag para sa mas detalyadong imitasyon ng tunay na pangangalakal. Ang pagkalkula ng komisyon ay nagbibigay-daan sa mga baguhang mangangalakal ng CFD na makabisado ang mga prinsipyo sa pamamahala ng pera, na mahalaga para sa mga mekanika.
Ang komisyon ay nakapirmi sa 0.02% ng dami ng kalakalan, na maaaring makalkula gamit ang susunod na formula:
Puhunan x multiplier
Upang matukoy ang laki ng komisyon, kailangan mong i-multipy ang dami ng kalakalan sa 0.02%. Halimbawa, kung ang puhunan na $50 ay ginawa na may multiplier ng 2, ang komisyon ay magiging 50 x 2 x 0.02% = $0.02.
Paano kalkulahin ang kita at pagkalugi sa isang CFD na kalakalan?
Ang Binomo ay nagtatakda ng partikular na formula upang kalkulahin ang kita at pagkalugi sa isang CFD na kalakalan.
Puhunan x multiplier x [(presyo ng pagsasara/ presyo ng pagbubukas) – 1]
Ipagpalagay na ang iyong puhunan sa CFD sa Binomo ay $100, at ikaw ay nagtakda ng multiplier na 3. Dahil dito, ikaw ay karapat-dapat na mangalakal nang may budget na $3000, at ang kakayahang kumita ay ibabase sa numerong ito. Ipagpalagay natin na noong sinimulan mo ang kalakalan, ang presyo ng asset ay $10,000; nang isinara mo ang kalakalan, tumayo ito sa $15,000.
Isaksak ang mga numerong ito sa formula:
100 x 3 x [(15,000/10,000) – 1] = 300 x (1.5 – 1) = $150
Kaya, ikaw ay nakatanggap ng karagdagang kita na $150. Ang pangunahing rason para dito ay ang pagtaas ng presyo ng pagsasara ng asset kumpara sa kanyang presyo ng pagbubukas. Kung ang kabaligtaran ang nangyari, iyon ay magreresulta sa pagkawala.





















