Ang mga electronic wallet ay isa sa mga pinakakilalang paraan sa pagdeposito sa plataporma ng pangangalakal sa Binomo. Sa rebyung ito, ating tatalakayin ang kung paano magdeposito sa Binomo at mag-withdraw ng karagdagang pera mula rito gamit ang Skrill.
Paano pondohan ang trading account gamit ang Skrill?
Kapag naramdaman mong handa ka nang lumipat mula sa isang libreng Binomo account papunta sa isang tunay, maaari ka nang magdeposito. Ang minimum na halaga na ideposito sa Binomo ay $10 lamang ($5 para sa India).
Upang mamuhunan sa plataporma gamit ang Skrill, sundin lamang ang mga hakbang sa ibaba:
- Pindutin ang dilaw na “Deposit” na buton sa itaas na kanang sulok ng iyong screen.
- Tukuyin ang iyong bansa, at piliin ang “Skrill” mula sa listahan ng mga available na opsyon sa pagdeposito.
- Ipasok ang halaga, at pindutin ang “Deposit”.
- Kopyahin ang email address na ginamit sa pagrehistro ng iyong Binomo account, at pindutin ang “Next”. Kung kailangan mo ng detalyadong GIF na mga tagubilin, tapikin ang buton na “How to make a deposit”.
- Upang ipasok ang Skrill transaction ID, buksan ang Skrill account at ipadala ang mga pondo sa Binomo account, kung aling email address ang kinopya mo sa nakaraang hakbang.
Para dito:- Gamitin ang “Skrill to Skrill” sa seksyong “SEND”.
- I-paste ang email address, at pindutin ang “Continue”.
- Ipasok ang halaga, at tapikin ulit ang “Continue”.
- Rebyuhin ang mga detalye ng transaksyon, at pindutin ang “Confirm”.
- Sa popup window, ipasok ang PIN, at pindutin ang “Confirm”.
- Magtungo sa seksyong “Transactions”, at kopyahin ang transaction ID.
- Gamitin ang “Skrill to Skrill” sa seksyong “SEND”.
- Bumalik sa plataporma ng Binomo, i-paste ang Transaction ID sa binigay na field, at pindutin ang “Confirm”.
Kadalasan, ang mga pondo ay agad na naki-kredito sa trading account, ngunit minsan ito ay maaaring abutin ng hanggang 24 oras. Maaari mong subaybayan ang status ng iyong deposito sa seksyong “Transaction History” ng Binomo.
Proseso ng pag-withdraw
Ayon sa patakaran ng Binomo, ang minimum na halaga para sa pag-withdraw ng cash ay kapareho ng sa minimum na deposito. Ito ay $10 o katumbas nito, gaya ng INR 830. Ang mga kondisyon para sa paggamit ng Binomo ay nagbibigay din ng maximum na limitasyon sa pag-withdraw: $3000 bawat araw, $10,000 bawat linggo, at $40,000 bawat buwan.
Upang mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong trading account patungong Skrill, kailangan mong:
- Tapikin ang buton na “Deposit” o piliin ang opsyong “Cashier” sa menu. Kung ikaw ay gumagamit ng Binomo App, buksan ang menu sa kaliwa at pindutin ang “Balance”.
- Piliin ang tab na “Withdraw Funds” (“Withdrawal” para sa mga gumagamit ng app), at ipasok ang halaga.
- Piliin ang “Skrill” mula sa listahan ng mga paraan sa pagbabayad, at pindutin ang “Request Withdrawal”.
Pagkatapos maproseso ang kahilingan sa pag-withdraw, ang oras para ang mga pondo ay makredito ay maaaring abutin ng 3 araw o mahigit (depende sa uri ng Binomo account). Upang subaybayan ang status at makakuha ng patunay ng withdrawal, maaari mong bisitahin ang seksyong “Transaction History”.
Konklusyon
Ang plataporma ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga opsyon sa pagbabayad, kasama na ang e-wallet gaya ng Skrill, kaya ang mga gumagamit ng Binomo ay kadalasan walang problema sa pagdeposito at pag-withdraw. Gayunpaman, ang pangangalakal ay may kaakibat na panganib na mawalan ng puhunan, na maaari lamang mabawasan sa pamamagitan ng pagkatuto at pagsanay sa isang demo account. Bago magdeposito ng kahit pinakamaliit na halaga, magsanay sa Binomo ng libre.