Paano magdeposito sa Binomo gamit ang isang bank card

binomo deposit bank card Tutoryal

Ang Binomo ay naglalayon na gumawa ng isang world-class na plataporma ng pangangalakal. Samakatuwid, ang iba’t-ibang pamamaraan sa pagbabayad ay available sa online na plataporma para sa pagdeposito at pag-withdraw ng mga pondo. Sa artikulong ito, titingnan natin kung paanong ang mga mangangalakal sa iba’t-ibang mga bansa ay nakakapagpondo sa kanilang mga Binomo account gamit ang mga bank card at kung paano iwasan ang mga posibleng problema.

Paano magdeposito gamit ang bank card?

Ang pagdeposito ng mga pondo sa iyong Binomo account gamit ang kahit anumang bank card ay medyo diretso. Maaari kang gumamit ng personalized bank card (na may pangalan mo) o isang non-personalized bank card (walang pangalan mo). Bukod dito, ikaw ay maaari ring gumamit ng card na may ibang currency kaysa sa isang ginamit sa iyong Binomo account (INR, KZT, at iba pa).

Ngayong handa ka nang magdeposito ng pera sa isang Binomo account, maaari mong sundin ang mga simpleng alintuntunin na ito upang mas makagalaw pa dito:

  1. Buksan ang iyong Binomo account dashboard at ang “Deposit” (Magdeposito) na buton.
    binomo deposit adv
  2. Pindutin ito at gamitin ang drop-down menu upang piliin ang iyong “Country” (Bansa) o rehiyon.
    binomo deposit bank card
  3. Piliin ang iyong card service provider mula sa listahan, gaya ng VISA o MasterCard.
    binomo deposit bank card 1
  4. Ngayon ay kailangan mong pumili ng halaga ng deposito. Ikaw ay maaaring pumili ng rekomendadong halaga o pasadyang uri base sa iyong pangangailangan.
    binomo deposit bank card 2
  5. Punan ang mahahalagang detalye ng card: pangalan ng cardholder, numero, CSC, petsa ng pagkawalang-bisa.
    binomo deposit bank card 4
  6. Pindutin ang “Pay” (Magbayad).
    binomo deposit bank card 5
  7. Ikaw ay makakatanggap ng push notification o confirmation code sa pamamagitan ng text message sa iyong mobile. Ipasok ito upang makumpleto ang transaksyon.

Maghintay ng ilang sandali upang makumpleto ang transaksyon. Ikaw ay ire-redirect sa pahina na nagpapakita ng mga detalye ng iyong transaksyon. Bumalik sa iyong dashboard upang paganahin ang mga pondong iyon. Kung ikaw ay may problema sa pagdeposito ng mga pondo sa Binomo, makipag-ugnayan sa suporta.

Tandaan! Maaari mong subaybayan ang iyong mga transaksyon at/o suriin ang katayuan ng iyong mga transaksyon sa pamamagitan ng pagpindot sa buton na “Transaction History” (Kasaysayan ng Transaksyon).

Tandaan na habang maaari kang gumamit ng isang non-personalized na bank card upang magdeposito ng mga pondo sa iyong Binomo account, kailangan mong kumpirmahin ang pagmamay-ari ng card. Para sa layuning ito, maaaring kakailanganin mong magbigay ng isa sa mga sumusunod na mga karagdagang dokumento sa suporta ng Binomo:

  1. Bank reference na may opisyal na lagda/selyo.
  2. Bank statement na inisyu ng iyong banko na may opisyal na lagda/selyo.
  3. Screenshot mula sa bank app o website na nagkukumpirma na ikaw ang nagmamay-ari ng account.

Pinapayagan ng Binomo ang mga libreng deposito, i.e., walang bayad, at ang mga pondo ay karaniwang makikita sa iyong account sa loob ng isang oras. Sa ibang mga kaso, maaaring umabot ng mga ilang oras o di kaya araw bago makredito ang mga pondo sa iyong account.

Kapag ikaw ay naka-engkwentro ng ganitong problema, makipag-ugnayan sa iyong card provider at magbasa tungkol sa mga partikular na alituntuning nauugnay sa pagpuproseso ng bayad sa iyong bansa. Sa halos lahat ng mga ganitong kaso, ang pagkaantala ay mula sa banko, kadalasan dahil sa mga regulasyong partikular sa bansa.

Tandaan! Kailangan mong malaman na ang en-version ng site ay available para sa lahat ng rehiyon.

Ang mga sumusunod na talata ay magtatalakay sa mga cash deposit na transaksyon na may kaugnayan sa mga partikular na rehiyon.

India

binomo deposit bank card india
Ang Binomo ay lalong popular sa India. Ang mga mangangalalakal ay maaaring magdeposito sa Binomo gamit ang Mastercard/Maestro sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa taas. Para sa mga karagdagang opsyon sa pagdeposito na available sa mga Indian na mga mangangalakal (e-wallets, internet banking), tingnan ang mga sumusunod na seksyon.

Turkey and Near East

binomo deposit bank card turkey
Kung ikaw ay may Turkish citizenship at isang wastong Turkish IP address, ikaw ay maaaring gumamit ng mga payment options na ito: VISA at Mastercard / Maestro upang magdeposito ng mga pondo sa iyong Binomo account. Ang lahat ng iba pang mga hakbang habang nagdedeposito ng mga pondo ay kagaya ng mga natalakay kanina.

Nararapat ding bigyan ng atensyon ang tatlong mahahalagang punto kapag muling magdagdag ng mga pondo:

  1. Ikaw ay pinahihintulutan lamang na gumawa ng 5 transaksyon sa isang araw sa kalendaryo.
  2. Maghintay ng hindi bababa sa 30 minuto pagkatapos ng iyong unang deposito upang makagawa ng isa pa.
  3. Habang pinupunan ang iyong account, ikaw ay maaaring gumamit ng 1 Turkish ID lamang.

Ang parehong mga punto ay naaangkop din sa lahat ng mga teritoryo sa Near East.

Mga bansang Arabic

binomo deposit bank card qatar
Ang pangangalakal ay laganap sa bansang Arabo. Maraming mga Binomo account ang hawak at pinamamahalaan ng mga residente na Arabo, gaya nung mga nasa Qatar, UAE, at Saudi Arabia. Ikaw ay maaaring pumili mula sa mga ilang mga card issuers upang kumpletuhin ang mga transaksyong deposito sa mga teritoryong Arabo. Maaaring kabilang sa mga ito ang Mastercard / Maestro.

Para sa karagdagang opsyon sa pagdeposito, sumangguni sa mga sumusunod na mga talata. Kailangan mong sundin ang parehong mga hakbang na tinalakay kanina sa plataporma upang makapagdeposito ng cash sa iyong Binomo account.

Mga bansang Latam at Brazil

binomo deposit bank card mexico
Ipagpalagay na ikaw ay residente ng mga bansang Latin-America, gaya ng Mexico, Brazil, at Argentina. Sa ganitong kaso, ikaw ay maaaring makapagdeposito ng mga pondo sa Binomo gamit ang kahit alin sa mga cards na binibigay ng iyong lokal na banko. Muli, ang card ay maaaring personalized o non-personalized.

Mangyaring sumangguni sa mga susunod na seksyon para sa mga karagdagang opsyon sa pagdeposito, gaya ng e-wallet. Upang magdagdag ng pera sa iyong Binomo account, ulitin ang mga hakbang sa taas.

Tandaan! Hindi lahat ng mga bansa sa Latin America ay may option sa pagdeposito sa Binomo gamit ang isang bank card.

Ukraine

binomo deposit bank card ukraine
Ang mga mamamayan ng Ukraine ay maaaring maglagay muli sa kanilang mga Binomo account gamit ang bank cards. Ang kailangan mo lang ay isang balidong bank card na inisyu ng iyong lokal na banko at sinusuportahan ng mga card mula sa mga malalaking kumpanya gaya ng VISA at Mastercard.

Upang gumawa ng isang deposito gamit ang isang bank card na inisyu ng isang Ukranian na banko, sundin ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Pindutin ang dilaw na buton na “Deposit” (Magdeposito) na kasunod ng profile icon.
  2. Piliin ang “Ukraine” sa seksyon na “Country” (Bansa).
  3. Piliin ang paraan ng pagdeposito: VISA or MasterCard / Maestro.
  4. Ipasok ang halaga ng deposito.
  5. Isulat ang mga detalye ng iyong bank card (numero ng card, petsa ng pagkawalang-bisa, CVV2) at pindutin ang “Pay Now” (Magbayad Ngayon) na buton.
  6. Kumpirmahin ang pagbabayad gamit ang one-time password na matatanggap sa isang SMS na mensahe.

Kapag ang mga pondo ay nakredito na sa iyong Binomo account, ikaw ay ire-redirect sa pahina na may halaga ng pagbabayad, petsa, at ID ng transaksyon.

Kazakhstan

binomo deposit bank card kazakhstan
Ang mga may hawak ng Kazakhstan bank card ay maaari ring magdeposito ng pondo sa kanilang Binomo account. Magagawa nila ito gamit ang Mastercard / Maestro at VISA / Mastercard P2P.

Kung pipiliin mo ang pangalawang opsyon, sundin ang mga tagubiling ito para sa pagdeposito ng pondo sa Binomo:

  1. Pumunta sa iyong profile sa site na www.binomo.com at piliin ang “Cashier” na seksyon.
  2. Pindutin ang “Deposit funds” (Magdeposito ng Pondo) at pindutin din ang “VISA / MasterCard P2P”.
  3. Ipasok ang halaga at pindutin ang “Deposit” (Magdeposito).
  4. Ikaw ay ire-redirect sa payment system na pahina, kung saan kailangan mong pumili ng banko mula sa listahan.
  5. Pindutin ang “Confirm” (Kumpirmahin) at “Payment completed” (Nakumpleto ang pagbabayad). Mayroon kang 25 minuto para sa proseso na ito.

Tandaan! Maaari mong dagdagan ang halaga ng iyong deposito gamit ang bonus o kupon. Ang halaga ng bonus ay nagdedepende sa kalagayan ng iyong account.

Mga Madalas Itanong

binomo faq
Kapag ikaw ay hindi pa rin nalinawan tungkol sa ilang aspeto ng pagdeposito ng pondo sa Binomo, ang mga sumusunod na maikling sagot sa ilang mga madalas na tanong ay makakatulong.

Ligtas bang magpagpadala ng iyong pondo?

Ganap na ligtas magpadala ng pondo sa pamamagitan ng “Cashier” na seksyon o sa buton na “Deposit” sa www.binomo.com. Ang kompanya ay nakikipagtrabaho lamang sa mga napatunayan at maaasahang mga payment service provider, parehong pambansa at internasyonal.

Higit pa rito, ang mga payment service provider ay sumusunod sa lahat ng lokal at internasyonal personal data protection at security standards. Kasama sa mga ito ang 3-D Secure at ang PCI standard (ginagamit ng VISA at iba pa). Samakatuwid, ang iyong datos ay laging ligtas, at ikaw ay makakapagdeposito ng pera sa Binomo nang hindi nababahala tungkol sa seguridad.

Paano magdeposito gamit ang isang non-personalized card?

Sa Binomo, ikaw ay makakapagdeposito gamit ang isang non-personalized card, halimbawa, isang bank card na pinagmamay-ari mo ngunit walang pangalan mo. Gayunpaman, may mga ilang karagdagang hakbang na dapat gawin kapag gumagamit ng ganitong klaseng bank card.

Kailangan mong patunayan na ikaw nga ang nagmamay-ari ng non-personalized card. Isumite ang isa sa mga sumusunod na dokumento sa Binomo support upang kumpirmahin ang iyong pagmamay-ari ng card:

  1. Reference mula sa banko na may opisyal na lagda/selyo.
  2. Bank statement na inisyu ng iyong banko na may opisyal na lagda/selyo.
  3. Screenshot mula sa iyong bank account sa app o website.

Siguraduhin na ang pangalan ng may hawak ng card at ang numero ng card ay nakikita sa mga dokumento. Upang magpadala ng mga dokumento sa support@binomo.com, gamitin ang email na iyong tinukoy noong ikaw ay nagrehistro sa plataporma.

Hindi makapagdeposito gamit ang bank card, ano ang aking gagawin?

Kapag ikaw ay hindi makakapagdagdag ng pera sa Binomo gamit ang bank card, subukan ang mga sumusunod na tip:

  1. Tiyakin na ang iyong bansang tinitirhan ay nakasaad ng tama sa iyong profile at payment order. Ito ay dapat kapareho ng tirahan ng may hawak ng card.
  2. Tingnan kung napili mo ba ang tamang tatak ng card. Halimbawa, maaari mong napili ng mali ang Mastercard, kahit na ang tatak ng iyong card ay VISA.
  3. Suriin ng dalawang beses at siguraduhin na lahat ng detalye ng accout gaya ng Numero ng Card, Petsa ng Pagkawalang Bisa, at CVC ay tama.
  4. Kontakin ang iyong card provider o mobile operator kapag hindi mo natanggap ang code ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng SMS. Kapag natanggap mo na ito, siguraduhing naipasok ng tama ang code.
  5. Gumamit ng ibang browser o linisin ang iyong cache kung ang isyu ang magpapatuloy.

Kapag hindi mo pa rin naresolba ang isyu, kumontak sa Binomo support at pumili ng ibang paraan ng pagbabayad gaya ng e-wallet o internet banking.

Hindi tumuloy ang aking deposito, ano ang gagawin ko?

Ang problemang ito ay hindi madalas na nangyayari ngunit maaari pa ring mangyari sanhi ng iba’t-ibang rason.

1) Ang mga pondo ay hindi nabawas mula sa iyong Wallet o Card

binomo deposit problem 1
Ang pinakakaraniwang dahilan ay ang iyong bayad ay nakabinbin, at maaari itong tumagal na ilang oras (hanggang 3 business days) para ito ay maproseso. Ngunit, kapag ang iyong bayad ay hindi tinanggap, sasabihin sa iyo ng service provider ang rason ng pagtanggi upang maresolba mo ang isyu.

Kapag ang bayad ay hindi pumasok sa loob ng 7 araw, makipag-ugnayan sa Binomo support o sa iyong service provider para sa tulong at gabay tungkol sa pagkumpleto ng transaksyon.

2) Ang mga pondo ay nabawas ngunit hindi nakredito sa Binomo

binomo deposit problem 2
Sa kasong ito, nirerekomenda ng Binomo na maghintay ng isang business day. Ngunit kapag ang problema ay nagpatuloy, makipag-ugnayan sa Binomo support sa pamamagitan ng email, magpadala ng katibayan ng pagbabayad gaya ng ID ng transaksyon, numero ng account, at screenshots.

Kapag nakita mo ang kalagayan ng iyong bayad bilang “Pending”, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Tingnan kung nasunod mo ba ang mga tagubilin ng tama para sa pagdeposito sa Binomo. Available ito sa Help Center sa ilalim ng “Deposit”.
  2. Kontakin ang iyong banko/digital wallet provider upang makatulong sa isyu kapag ang pagproseso ng iyong bayad ay umabot sa mahigit isang araw ng negosyo.
  3. Mag-email sa support@binomo.com kapag ang pondo ay hindi nakredito sa iyong account at ang iyong payment provider ay sinisiguradong maayos ang lahat.

binomo deposit problem 3
Maaari mong tingnan ang seksyon ng transaction history sa iyong account upang makakuha ng iba pang mga impormasyon tungkol sa lahat ng nagdaang transaksyon. Ang seksyon ng “Transaction history” ay matatagpuan sa “Cashier” kapag ikaw ay nangangalakal sa pamamagitan ng site na www.binomo.com. Kapag ikaw ay gumagamit ng mobile application, buksan ang kaliwang bahagi na menu, piliin ang seksyon na “Balance” at tingnan ang kasaysayan ng transaksyon.

Kapag ang kalagayan ng iyong deposito ay “Rejected” or “Error”, pindutin ang tinanggihang deposito upang malaman kung bakit. Subukang tanggalin ang sanhi at magpadala ulit ng deposito. Kapag nagpatuloy ang error, mag email sa support@binomo.com.

Ilang oras ang aabutin upang madeposito ang pondo sa aking account?

Sa sandaling makumpleto mo na ang transaksyon, itatalaga ang status na “Pending”. Ipinahihiwatig nito na ang payment service provider ay nagpuproseso ng bayad. Sa karamihan ng mga kaso, ang iyong pondo ay lalabas sa iyong account sa loob ng isang oras. Ngunit minsan, dahil sa mga regulasyong nasyonal o sa mga limitasyon sa pagproseso, maaari itong abutin ng hanggang 6-8 na oras.

Tandaan na ang maximum na oras ng pagproseso para sa karamihan ng mga payment service provider ay 3-5 araw ng trabaho, na bihirang dumating doon. Gayunpaman, ang iyong bayad ay maaaring tumugma sa mga pambansang pista opisyal at maaaring maantala ng ilang araw. Sa ganitong kaso, kontakin ang iyong service provider upang malaman ang eksaktong kalagayan ng iyong bayad at ang inaasahang oras na kailangan upang ma-clear ito.

Paano ko pondohan ang aking account gamit ang card (e-wallet) sa ibang currency?

Hindi mo kailangang mag-alala kung ang iyong card o wallet ay nasa ibang currency. Magpatuloy sa karaniwang paraan ng pagbabayad, i.e., sa pamamagitan ng seksyong “Cashier” sa website na www.binomo.com o sa “Balance” sa app. Ang iyong pondo ay otomatikong maku-convert sa currency ng Binomo account.

Gayundin, tandaan na ang Binomo ay hindi naniningil ng anumang currency conversion fees. Gayunpaman, ang ibang fees ay maaaring ma-apply mula sa payment service provider. Samakatuwid, nirerekomenda na alamin ang tungkol dito mula sa iyong service provider bago magbayad.

Bukod dito, bago maproseso ang iyong bayad, ipapakita sa iyo ng Binomo ang na-convert na halaga sa target na currency. Sinisiguro nito ang mas mahusay na pagawa ng desisyon mula sa dulo ng user.

Naniningil ba kayo sa pagdedeposito?

Ang Binomo ay hindi naniningil ng bayad o komisyon kapag ikaw ay nagdeposito ng pondo sa Binomo account. Sa totoo lang, ito ay kabaligtaran. Kapag ikaw ay naglagay muli sa iyong account, makakakuha ka ng bonus. Ang halaga ng deposit bonus ay depende sa status ng iyong account at maaaring umabot ng hanggang 100% para sa Standard, hanggang 150% para sa Gold, at hanggang 200% para sa VIP.

Gayunpaman, ang ilang mga payment service provider ay maaaring maningil ng bayad para sa paglipat ng pondo. Ito ay totoo kapag ang iyong paraan ng pagbabayad at Binomo account ay pinapatakbo sa iba’t-ibang currency. Sa mga ganitong kaso, ang service provider ay maaaring maningil ng partikular na conversion fee.

Tandaan! Tiyaking magtanong sa iyong payment service provider kung mayroon bang applicable fee/fees.

Maaari ba akong magdeposito gamit ang isang card na hindi akin?

Ang isang malinaw at direktang sagot sa tanong na ito ay HINDI.

Ang paggamit ng card ng iba o ng ibang paraan ng pagbabayad ay mahigpit na pinagbabawal ayon sa Kasunduan sa Kliyente. Tiyakin na ang alinmang card o e-wallet na iyong ginagamit sa pagdeposito ng pondo sa Binomo ay iyong pagmamay-ari.

Maaari ka pa ring gumamit ng non-personalized card bilang paraan ng pagdeposito. Tandaan, ang non-personalized card ay walang pangalan mo, pero ito ay iyo. Kapag gumawa ng transaksyon, kailangan mong i-verify ang iyong ownership sa card para makumpleto ang transaksyon.

Kailan ma-kredito ang mga pondo sa aking account?

Maaaring ito ay higit na nakadepende sa iyong payment service provider. Ang ilang paglipat, kadalasan sa pamamagitan ng bank card, ay agad na naki-kredito, habang ang iba ay maaaring abutin ng 3 araw.

Tandaan na ang mga pambansang batas, mga polisiya ng payment service provider, o mga lokal na holiday ay maaaring makaantala sa pagproseso ng transaksyon. Sa 99% na mga kaso, ang pagka-antala ay nasa payment service provider at wala sa Binomo.

Huwag mag-alala kung ang iyong pondo at hindi nakredito sa iyong account kahit pagkatapos ng ilang oras. Maghintay ng hindi bumaba sa isang araw ng negosyo. Kapag ang isyu ay nagpatuloy, makipag-ugnayan sa support@binomo.com upang malaman ang tunay na rason ng pagkaantala.

Rate article
Binomo traders club