Ang Binomo ay nag-aalok ng apat na uri ng account sa plataproma: Free (Demo), Standard, Gold, at VIP. Gayunpaman, ang mga may hawak ng Gold at VIP na account ay maaaring i-enjoy ang mas maraming mga benepisyo kaysa sa iba. Ang ilan sa mga ito ay ang cashback, mga karagdagang asset, insurance, at access sa isang personal na tagapamahala. Tingnan natin ng malapitan ang mga benepisyong ito.
Cashback
Ang cashback ay tumutukoy sa halaga na binibigay sa isang mangangalakal na may isang hindi produktibong linggo. Ito ay otomatikong naipapasok sa account bawat Lunes.
Kaya, kung ikaw ay nakakuha ng pagkalugi sa iyong aktibidad sa pangangalakal sa nakaraang linggo, maaari kang makakuhang muli ng porsyento ng halagang nagastos. Para sa mga may hawak ng Gold status, ang cashback ay hanggang 5% ng kung anumang pinuhunan nila sa kalakalan at pagkalugi. Ang mga may hawak ng Binomo VIP account ay makakakuha ng hanggang 10% na cashback sa kanilang mga account.
Ang pagkalkula ng cashback ay ang mga sumusunod:
Cashback = (Ang kabuuang halaga ng mga deposito para sa linggo – ang kabuuang halaga ng mga na-withdraw para sa linggo – natitirang halaga sa Linggo) * 5% (Gold) or 10% (VIP)
Halimbawa. Sa Lunes, ikaw ay nagdeposito ng $100 sa account. Sa Huwebes, ikaw ay nag-withdraw ng $30. Sa Linggo, ikaw ay may natirang $25 sa balanse ng account.
$100 – $30 – $25 = $45
Ang cashback ay inilalapat sa halagang ito.
$45 x 10% = $4.5 ay iki-kredito sa VIP account.
$45 x 5% = $2.25 ay iki-kredito sa Gold account.
Mga karagdagang asset
Para sa mga nagmamay-ari ng isang Standard na account, mayroong mahigit 40 na asset para sa pangangalakal. Ang mga may hawak ng Binomo Gold account ay may karapatang makakuha ng karagdagang 12 na asset: Qualcomm, Oil, JPMorgan C, Intel, Starbucks, Nvidia, GBP/CHF, Weibo, Ferrari, Yum brands, Visa, at USD/DKK.
Sa kabilang banda, ang mga may hawak ng VIP account ay maaring mag-enjoy sa 12 karagdagang mga asset: Apple, Meta, Tesla, EUR/HKD, CAD/CHF, GPB/AUD, EUR/CHF, EUR/AUD, CitiGroup, Alibaba, eBay, at Netflix.
Ang pagkakaroon ng mga naturang asset ay maaaring magbago sa buong araw. Ang mga ito ay maaari ring hindi available sa mga partikular na araw ng linggo.
Insurance
Maaaring iseguro ng mga VIP na mangangalakal ang deposito sa kanilang mga Binomo account. Ang insurance ay nagbibigay ng karapatan sa isang mangangalakal na makatanggap ng kabayaran kung ang halaga ng account ay umabot sa zero.
Ang kabayarang ibinibigay ay nakadepende sa halaga ng pamumuhunan:
- Mula $200 to $499 – ang kabayaran ay 20% ng halaga ng pamumuhunan sa anyo ng bonus na mga pondo.
- Mula $500 to $999 – ang kabayaran ay 40% ng halaga ng pamumuhunan sa anyo ng bonus na mga pondo.
- Mula $1000 to $1999 – 10% ng halaga ng pamumuhunan ay babayaran ng tunay na pondo o 50% na may bonus ng mga pondo.
- Mula $2000 pataas – 15% ng halaga ng pamumuhunan ay babayaran ng tunay na pondo o 60% na may bonus na mga pondo.
Ang mga sumusunod na hakbang ay makakatulong sa iyo na maseguro ang deposito:
- Magdeposito ng hindi bababa sa $200 o higit pa sa iyong account. Ang mga kupon at mga bonus, maliban sa mga kalakalan na walang panganib, ay hindi dapat gamitin sa paggawa ng deposito.
- Kontakin ang personal na tagapamahala o mag email sa kanila sa support@binomo.com. Ipaalam sa kanila na nais mong iseguro ang iyong deposito.
- Magapatuloy sa pangangalakal gaya ng karaniwan mong ginagawa. Hindi kailangang maghintay ng kumpirmasyon na ang iyong hinihiling na insurance ay aprubado.
- Kontakin ang Binomo o ang iyong tagapamahala upang humiling ng kabayaran kapag ang iyong kalakalan ay hindi matagumpay at ang iyong balanse ay naging zero. Kung ang iyong kalakalan ay may resulta, maaari kang mag-withdraw ng mga pondo kahit hindi makipag-ugnayan sa suporta.
- Hilingin ang bonus o tunay na pondo bilang kabayaran. Ang anyo ng kabayaran na maaari mong makuha ay depende sa halaga na iyong nasegurado. Ikaw ay makakauha rin ng 10% ng iyong nasegurong pondo sa walang panganib na kalakalan.
Tandaan! Ang tiyak na porsyento ng halaga ng nasegurong pondo ay ibibigay sa anyo ng walang panganib na kalakalan o bonus na mga pondo.
Personal na tagapamahala
Ang mga may hawak ng VIP account ay higit na mas nakakalamang sa ibang may hawak ng mga Binomo account sa aspetong ito. Sila ay maaaring gumamit ng mga personal na tagapamahala upang mapabuti ang resulta ng kanilang pangangalakal.
Ang iyong personal na tagapamahala ay laging nakikipag-ugnayan at handang sumagot sa iyong mga katanungan tungkol sa pangangalakal sa Binomo. Pinagsasama-sama din nito ang isang indibidwal na programa upang ikaw ay makakuha ng mga bonus, mga walang panganib na kalakalan, at mga regalo.
Tandaan! Ang Binomo ay hindi nagbibigay ng personal na tagapamahala para sa mga may hawak ng Gold account. Ito ay eksklusibong alok para sa mga VIP na mga mangangalakal lamang.
Bonus na deposito
Ang mga may hawak ng Binomo Gold at VIP account ay makakatanggap din ng mas pinataas na mga bonus na deposito, hanggang 150% at 200%, ayon sa pagkakabanggit. Ang mga bonus na ito ay makapag-pataas ng kanilang potensyal sa pangangalakal.
Bago sila gamitin, basahin ang mga alintuntunin sa pagamit ng mga bonus. Hindi mo sila maaaring i-withdraw hanggang ikaw ay makagawa ng Trading Turnover. Ang detalyadong impormasyon ay tinutukoy sa par. 8 ng Client Agreement.
Paano magbukas ng Gold at VIP account?
Ang Gold at VIP account ay otomatikong magbukas sa Binomo kapag ang kabuuang deposito ay umabot sa $500 o $1000, ayon sa mga nabanggit. Bawat mangangalakal na nakagawa ng deposito ay mabubuksan sila.
Ang mga benepisyo ng Gold at VIP account gaya ng deposito o cashback na bonus ay nagpapahintulot sa mga mangangalakal na taasan ang kanilang kahusayan. Gayunpaman, ang responsibilidad sa resulta ng pangangalakal ay laging nasa mangangalakal. Ang mga panganib ng pagkawala ng pondo ay laging naririyan sa pangangalakal, kaya hindi mo dapat kalimutan ang mga diskarte, demo account, at pagpapabuti ng iyong mga kakayahan.












