Ang Binomo ay isa sa mga pinakasikat na plataporma ng pangangalakal sa buong mundo, na may mahigit 3 milyong kliyente. Gayunpaman, ang iba sa mga mangangalakal ay maaring may mga rason upang isara ang kanilang mga account. Sa artikulong ito, ating tingnang mabuti kung paano magtanggal ng isang Binomo account at kung posible bang magbukas ulit at magpatuloy sa pangangalakal.
Paano magsara at magtanggal ng isang Binomo account?
Ang mga mangangalakal ay maaaring magtanggal ng kanilang mga account dahil sa iba’t-ibang rason. Halimbawa, ang iba ay kailangang magbukas ng panibagong Binomo account dahil sa pagpili ng maling currency, na nangangailangang isara ang nagawa na.
Narito ang mga hakbang kung paano tanggalin ang isang Binomo account:
- Pindutin ang iyong profile picture sa kanang itaas na sulok.
- Pumunta sa “Profile” section.
- Mag scroll sa pinakailalim ng pahina at pindutin ang “Block Account”.
- Ilagay ang password para sa iyong Binomo account at pinduting muli ang “Block Account”.
Tandaan na kapag nasara na ang iyong account, ikaw ay hindi na makaka-access nito.
Tandaan! Ang Binomo support team ay nagreresolba ng mga problema ng mga mangangalakal sa buong ikot ng relo, kaya aming nirerekomenda na kayo ay sumulat sa support@binomo.com bago gumawa ng pinal na desisyon na isara ang iyong account.
Posible bang magbukas ng panibagong Binomo account?
Opo, maaari kang magbukas ng bagong Binomo account pagkatapos isara ang dating nauna. Gayunpaman, kailangan mong dumaan ulit sa proseso ng pagpaparehistro at gumamit ng ibang email. Ang pagbukas ng panibagong Binomo account gamit ang email na nagamit na sa nakaharang na account ay imposible.
Maaari ko bang buksang muli ang naisarang account?
Opo, ang pagbukas ng nakaharang na Binomo account ay posible. Makakatanggap ka ng email na mag-aalok na ibalik muli ang naisarang account. Ngunit kahit pa wala kang natanggap o hindi sinasadya na mabura mo ang email na ito, ikaw ay maaari pa ring humiling sa support na buksang muli ang iyong account anumang oras sa pamamagitan ng pagsulat sa support@binomo.com.
Bakit nakaharang o nakasara ang aking Binomo account?
Maaaring naisara ng Binomo ang iyong account dahil ikaw ay nakagawa ng paglabag sa mga tuntunin ng plataporma. Halimbawa, ikaw ay wala pang 18 taong gulang o nagmamay-ari ng maraming account ng sabay-sabay. Upang maiwasan ang pag-ulit ng ganitong sitwasyon, kailangan mong basahin ng maigi at unawain ang mga tuntunin ng Kasunduan sa Kliyente bago kumpletuhin ang pagpaparehistro ng bagong account.
Kailan ko dapat isara at burahin ang aking account?
Ang currency na pinili sa pagawa ng account ay hindi maaaring baguhin. Kung ikaw ay nagkamali sa pagpili o, pagkatapos ng ilang pagkakataon, ay nagdesisyon na mangalakal gamit ang ibang currency, ang tanging solusyon ay ang alamin kung paano burahin ang iyong umiiral na account, gawin ito, at magbukas ng panibago.
Kailangan mo ring isara ang iyong account kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang o kung may nalabag na mga tuntunin sa pangangalakal sa Binomo. Mag-ingat na hindi na maulit pa ang paglabag sa bagong account.
Ang Binomo ba ay scam?
Bumaling tayo sa mga katotohanan upang masiguro na ang Binomo ay hindi scam. Ang kumpanya ay tumatakbo mula pa noong 2014 at nagamit na ng mga mangangalakal mula sa 130 na bansa. Makakahanap ka ng maraming positibong puna tungkol sa Binomo sa social media at mga forum gaya ng Quora at LinkedIn.
Gayundin, ang kumpanya ay nakakatanggap ng ilang internasyonal na parangal, kasama na ang FE at IAIR, para sa pagiging pinakamahusay na plataporma ng pangangalakal para sa mga baguhan at mga bihasang mangangalakal. Bukod pa rito, ang Binomo ay kinukontrol ng Financial Commission at nakatanggap ng sertipiko ng dekalidad na kalakalan mula sa Verify My Trade, na nag-audit ng 5,000 na kalakalan sa plataporma buwan-buwan.
Hindi kailangang tanggalin ang iyong account kung bigla mong maisip na ang Binomo ay isang scam. Ang mga katotohanan ay iba ang sinasabi.
Ang pangangalakal ay nauugnay sa panganib na mawala ang mga puhunan, ngunit ang Binomo ay nagbibigay ng lahat ng mga kinakailangang gamit sa pagsasanay upang mabawasan ito, gaya ng Help Center at isang libreng demo account. Ang Chatbot at mga support managers ay available din sa lahat ng oras upang magresolba ng kahit anuman sa inyong mga paghihirap.
Kung kaya, tamasahin ang lahat ng mga benepisyo sa pangangalakal sa Binomo. Kung ikaw ay nais magpahinga, hindi mo kailangang burahin ang iyong account para dito. Bumalik ka kaagad kapag gusto mo na ulit sumabak sa mundo ng pangangalakal.












