Upang makasali sa milyun-milyon nakikipagkalakalan sa Binomo, kailangan mo munang gumawa ng account sa plataporma. Ang tamang hakbang ay ang pagpapatunay ng account na magbubukas ng maraming tungkulin kasama na ang pagkuha o pag-withdraw ng mga pondo. Makikita sa ibaba ang diskusyon kung paano mapapatunayan ang iyong pagkakakilanlan at paraan ng pagkuha ng pera.
- Paano patunayan ang aking pagkakakilanlan?
- Pagpapatunay ng tarheta ng bangko
- Paano patunayan ang hindi ginawang pansarili ang tarheta ng bangko?
- Patunayan ang birtwal na tarheta ng bangko
- Mga madalas itanong (FAQ)
- Pangkalahatang mga Tanong
- Paano ako makakapasa sa pagpapatunay?
- Kailangan ko ba magpatunay sa pagpaparehistro?
- Maaari ba akong makipagkalakalan kahit walang pagpapatunay?
- Kailan ako puwedeng makakakuha ng mga pondo?
- Gaano katagal ang pagpapatunay?
- Bakit ko kailangan patunayan ang aking numero ng telepono?
- Paano patunayan ang elektronikong pitaka o e-wallet?
- Kaligtasan at Safety at pag-troubleshoot
- Ligtas ba magpadala sa Binomo ng aking pribadong datos?
- Bakit ako tinanong ulit na ipasa ang pagpapatunay?
- Bakit natanggihan ang aking mga dokumento?
- Paano ko malalaman na matagumpay ang pagpapatunay?
- Maaari ba ako magpatunay nang mas maaga?
- Konklusyon
Paano patunayan ang aking pagkakakilanlan?
Ang pagpapatunay ay isang proseso na ang pangunahing pakay ay ang pagligtas ng iyong account sa Binomo at pigilan mapunta ang iyong mga pondo sa maling kamay ng ibang mga tao. Maaaari kang tanungin ng Binomo na patunayan ang iyong pagkakakilanlan kahit kailan pagkatapos ng pagpaparehistro. Kapag ito ay nangyari, may makikita kang abiso na lalabas sa iyong screen at ang aytem na Pagpapatunay o Verification sa pagpipilian. Ang impormasyon tungkol sa proseso ng pagpapatunay ay ipapadala rin sa iyong sulatroniko.
Heto ang mga hakbang na kailangan mong sundin upang makumpleto ang proseso ng pagpapatunay:
- Pindutin ang Patunayan o Verify sa loob ng lumabas na mensahe.
- Ang pahina ng Pagpapatunay o Verification ay lalabas. Kailangan mo munang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagpindot ng pindutan katabi ng tarheta ng identipikasyon.
- Lagyan ng tsek ang dalawang kahon (nangangahulugang ikaw ay sumasang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon at pumapayag na iproseso ang iyong mga datos) bago simulan ang pagpapatunay at pindutin ang sunod o “Next”.
- Pindutin ang listahan ng pagpipilian na bubukas upang makapili ng bansa ng kaso ng iyong mga dokumento at kasunod nito ang pagpili ng uri ng mga ito. Paalala na ang mga dokumento ay maaaring mag-iba ayon sa iyong bansa.
- Ipadala ang iyong dokumento sa pormat na jpg, pdf, o png. Kung ito ay may dalawang panig, magsimula sa harap at pagkatapos, ipadala mo na rin ang likuran. Paalala na ang dokumento ay dapat wasto pa ng isang buwan mula sa petsa ng paglagay mo nito. Lahat ng nilalaman ng iyong identipikasyon ay kailangang nababasa at lahat ng kanto ay dapat nakikita. Pindutin ang Sunod o “Next” kapag natapos na ipasa.
- Kapag iyong pinadala ang iyong mga dokumento, maaari kang bumalik sa pahina ng pagpindot sa Sige o “OK” sa pahina ng pagpapatunay.
- Ang kalagayan ng pagpapatunay ng identipikasyon ay awtomatikong mapapalitan ng nakabinbin o “Pending”. Ang pagpapatunay ay aabot ng sampung minuto ngunit maaari itong umabot ng ilang araw sa ibang eksklusibong mga pagkakataon.
Kapag kumpleto na ang iyong pagpapatunay, ang kalagayan ay mapapalitan ng Tapos o Done at puwede mo nang simulan ang paraan ng pagbabayad. Maaari mong matanggap nang mabilisan ang Napatunayan o “Verified” na kalagayan kung hindi nito kinakailangan na ang pagpapatunay.
Pagpapatunay ng tarheta ng bangko
Upang maprotektahan ng Binomo ang mga pondo sa iyong account, kailangan mong mapatunayan na ang tarhetang iyong ginagamit sa pag-deposit o pagkumuha o pag-withdraw ng mga pondo ay sayo. Kapag tapos ka na sa pagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan, sundin mo ang mga sumusunod na tagubilin upang mapatunayan ang iyong tarheta ng bangko:
- Pillin ang paraan ng pagbayad na gusto mo upang mapatunayan sa pahina ng pagpapatunay. Sa pagkakataong ito, ito ay isang tarheta ng bangko. Ang pagpapatunay ng mga dokumento ng pagbabayad ay nangyayari pagkatapos mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan.
- Ilagay ang litrato ng tarheta ng iyong bangko sa harapan nang malinaw na ipinapakita ang pangalan ng may-ari, numero ng tarheta, at petsa kung kailan ito mawawalan ng bisa sa jpg, pdf, o png na pormat. Bumalik sa pagpapatunay na pahina sa pamamagitan ng pagpindot ng “OK”.
- Ang kalagayan mo ay mapapalitan ng Nakabinbin o “Pending”. Ang pagpapatunay ng tarheta ng bangko ay maaaring umabot ng 10 minuto.
Makakatanggap ka ng abiso pagkatapos makumpleto ang pagpapatunay, at ang iyong kalagayan ay magiging Napatunayan o “Verified”. Bukod pa rito, ikaw ay mapapayagan na kumuha o mag-withdraw ng mga pondo.
Paano patunayan ang hindi ginawang pansarili ang tarheta ng bangko?
Ang pagpapatunay ng hindi ginawang pansarili ang tarheta ng bangko ay mangangailangan din na iyong patunayan muna ang iyong pagpapatunay. Kapag natapos, maaari mong makumpleto ang iyong pagpapatunay ng tarheta ng bangko na iyong gagamitin na makikita sa ibaba:
- Pumili ng birtwal o walang pangalan na tarheta ng bangko sa seksyon ng pagpapatunay at pindutin ang Patunayan o “Verify”.
- Ilagay ang harapan ng iyong tarheta sa pormat na jpg, pdf, o png, habang sinisigurado mo na ang araw ng pagtatapos nito at numero ay nakikita.
- Idagdag ang litrato ng pahayag ng bangko na nagpapakita ng iyong pangalan, pagtatak, at araw kung kailan ito nailabas. Ang dokumentong ito ay hindi dapat mas matagal pa sa tatlong buwan.
- Pindutin ang Sige o “OK” upang bumalik sa pahina ng pagpapatunay pagkatapos mong ipasa ang iyong mga dokumento.
- Ang kalagayan ng tarheta ng iyong bangko ay mapapalitan ng Nakabinbin o “Pending”, at kailangan mong maghintay na matapos ito. Ang Binomo ay hindi lumalagpas sa 10 minuto sa pagpapatunay dito.
Kapag natapos mo na ang proseso ng pagpapatunay, maaari mo nang makuha ang iyong mga pondo mula sa plataporma sa tarheta na ito.
Patunayan ang birtwal na tarheta ng bangko
Upang makumpleto ang pagpapatunay ng iyong birtwal na bangko, gawin mo lamang ang mga sumusunod:
- Piliin ang iyong birtwal na tarheta ng bangko sa pahina ng Pagpapatunay o “Verification”, tapos pindutin ang Patunayan o “Verify”.
- Kumuha ng screenshot ng iyong birtwal na tarheta ng bangko para sa pagpapatunay at ilagay ito nang sinisigurado na nakikita at nababasa ang unang anim hanggang apat na numero, petsa ng pagtatapos nito, at pangalan ng may-ari.
- Pindutin ang “OK” kapag naipadala na ang dokumento.
Kadalasang umaabot sa sampung minuto ang pagpapatunay ng iyong birtwal na tarheta ng iyong bangko. Kapag ang proseso ng pagpapatunay ay nakumpleto na, ang paraan ng pagbabayad ay mapapalitan ng Tapos o “Done”.
Tandaan! Ang screenshot ay hindi dapat naisaayos kundi ang pagpapatunay ng iyong tarheta ay hindi papasa.
Mga madalas itanong (FAQ)
Upang sa wakas maintindihan ang proseso ng pagpapatunay ng account sa Binomo, makatutulong kung babasahin mo ang mga kasagutan sa mga tanong na kadalasang itinatanong ng mga nangangalakal.
Pangkalahatang mga Tanong
Sa ibaba ang iilan sa mga karaniwang katanungan na itinatanong ng mga gumagamit ng Binomo tungkol sa pagpapatunay ng account.
Paano ako makakapasa sa pagpapatunay?
Simple lang ang pagpasa ng pagpapatunay ng iyong account kung susundin mo ang lahat ng mga direksyon. Ang mga dokumento na kailangan mong maisama ay ang mga:
- Litrato ng iyong pasaporte o identipikasyon ng iyong tarheta o lisensya ng drayber. Kung ang dokumento ay may dalawang panig, ibigay parehas. Paalala na ang mga papel na karapat-dapat sa pagpapatunay ay maaaring mag-iba ayon sa tinitirahang bansa kaya, maging maingat sa pagpapadala.
- Litrato ng harapang panig ng tarheta ng pagbayad.
- Ang pahayag ng bangko kung ikaw ay nagpapatunay na hindi ginawang pansarili ang tarheta ng bangko.
Ang mga dokumentong ito ay dapat mabisa ng isang buwan o higit pa pagkatapos ang pagpapadala. Ang mga tinatanggap na pormat ay ang mga pdf, png, at jpg. Ang litrato ay dapat magsama ng lahat ng kanto ng dokumento at lahat ng impormasyon ay dapat nakikita.
Upang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan, kumpletuhin ang mga hakbang na ito pagkatapos mong kumpirmahin ang mga kinakailangang mga dokumento:
- Patunayan ang iyong pagkakakilanlan sa pagpapadala ng parehas na panig ng litrato ng iyong ID dokumento.
- Patunayan ang paraan ng pagbayad sa pamamagitan ng pagpapadala ng harapan ng tarheta ng iyong bangko. Para sa hindi ginawang pansarili, iyong kakailanganin din na ipadala ang harapan ng pahayag ng iyong bangko.
- Maghintay ng mga 10 minuto para makumpleto ang pagpapatunay. Kapag natapos, ikaw ay maabisuhan na ang iyong Binomo account ay napatunayan na.
Kailangan ko ba magpatunay sa pagpaparehistro?
Hindi. Pagkatapos magparehistro ng account na Binomo, kailangan mo lamang kumpirmahin ang iyong sulatroniko. Ang platapormang ito ay kadalasang humihiling ng pagpapatunay habang ang unang pagkuha ng pera o withdrawal ay maprotektahan ang iyong pondo mula sa pagpunta ng mga ito sa maling kamay.
Maaari ba akong makipagkalakalan kahit walang pagpapatunay?
Ang kabiguan sa pagpasa sa pagpapatunay ay nililimitahan ang abilidad nito na kumuha ng pondo o mag-withdraw ng karagdagang kita mula sa account na Binomo, ngunit puwede kang gumawa ng paglagay ng mga pondo o deposits at makipagkalakal sa kahit na anong oras mo gustuhin. Kaya, kung ayaw mong mapatunayan ng plataporma ang iyong pagkakakilanlan at paraan ng pagbayad ngayong araw, magtuloy ka lamang sa pakikipagkalakalan. Gayunpaman, hindi sulit ang matakot sa pagpapatunay dahil ito ay awtomatiko at kadalasang inaabot lamang ng 10 minuto.
Kailan ako puwedeng makakakuha ng mga pondo?
Kapag natapos na ang pagpapatunay, puwede ka magpasa ng kahilingan na maglabas o mag-withdraw ng mga pera, na prinoproseso ng Binomo base sa klase ng account na mayroon ka. Halimbawa, maaaring umabot sa tatlong gumaganang araw o higit pa sa mga nakikipagkalakalan na may Saligan o Standard na kalagayan, hanggang sa 24 na oras para sa Gintong account na mga nagmamay-ari at hanggang sa 4 na oras lamang para sa mga VIP na nakikipagkalakalan.
Tandaan! Ang pangwakas na panahon sa pag-utang ng pondo mula sa iyong Binomo account ay nakadepende sa nagbibigay ng serbisyo sa pambayad o payment service provider.
Gaano katagal ang pagpapatunay?
Kadalasang hindi lumalampas sa 10 minuto ang pagpapatunay ng iyong Binomo account. Kung ang awtomatikong proseso ay hindi gumana, na hindi naman kadalasang nangyayari rin, ang pagpapatunay gamit ng kamay ay ang gagamitin na maaaring umabot ng pitong gumaganang mga araw. Ngunit, hindi nito maaantala ang oportunidad mong makipagkalakalan. Kaya, puwede kang tumuloy sa pagkuha ng karagdagang kita habang naghihintay kang makumpleto ang pagpapatunay na proseso.
Bakit ko kailangan patunayan ang aking numero ng telepono?
Ang pagpapatunay ng numero sa telepono ay hindi kinakailangan pero importante upang mapanatili na ang iyong mga datos at mga pondo ay ligtas. Halimbawa, kung ang iyong Binomo account ay na-hack o di kaya ay iyong nakalimutan ang iyong password, maaari mo itong makuha muli gamit ng iyong number sa telepono.
Makakatanggap ka ng impormasyon tungkol sa mga dagdag o bonuses at iba pang mga benepisyo na alok ng plataporma bago ang ibang nakikipagkalakalan. Ang mga VIP na nakikipagkalakalan na nagdesisyon na patunayan ang kanilang mga numero ay agad-agad na kumukuha ng personal na mga tagapamahala.
Paano patunayan ang elektronikong pitaka o e-wallet?
Kung ginagamit mo lang ang elektronikong pitaka o e-wallet bilang ang iyong pagpasok o deposit at pagkuha o withdrawal, pagkakakilanlan mo lamang ang iyong kailangan kumpirmahin.
Kaligtasan at Safety at pag-troubleshoot
Kung ikaw ay nagdududa kung gaano kaligtas magbigay ng datos at dokumento sa Binomo, makatutulong kung babasahin mo ang mga impormasyon sa ibaba.
Ligtas ba magpadala sa Binomo ng aking pribadong datos?
Oo. Ito ang mga detalye kung bakit mapagkakatiwalaan mong ligtas ang iyong mga pribadong datos sa Binomo:
- Ang lahat ng iyong datos ay nakatago sa mga servers sa pormat na encrypted. Ang mga server ay nakapaloob sa mga sentro ng datos na sumusunod sa pamantayan ng internasyonal na kaligtasan TIA-942 at PCI DSS.
- Ang mga sentro ng datos ng platapormang pangkalakalan ay makabago at ligtas sa kamalian. Dagdag pa rito, ito ay napoprotektahan ng serbisyo ng seguridad nang buong oras.
- Ang iyong sensitibong impormasyon ay hindi makukuha ng kahit na sinong may malisyosong intensyon dahil ang mga susi ng decryption ay napapanatiling hiwalay sa mga aktwal na datos.
- Ang Cryptographic encryption ay nagproprotekta sa channel sa pamamagitan ng mga datos na nailipat. Ang serbisyo ay awtomatikong nakakubli o naglalabo ng parte ng mga simbolo kapag naglalagay ka ng kahit na anong mga pribadong mga imahe, impormasyon ng pagbayad at iba pa. Kahit na ang mga nanloloko ay sumubok na nakawin ang iyong personal na impormasyon, sila lamang ay makakukuha ng naka-encode na mga karakter na walang saysay na wala ding susi.
- Hindi ibinabahagi ng Binomo ang impormasyon ng mga kliyente nito sa ibang mga partido o gamitin ang mga ito sa iba pang layunin ng ibang mga tao.
Kaya, makasisigurado ka na ang iyong pribadong datos ay ligtas habang at pagtapos ng pagpapatunay. Puwede kang makakuha pa ng mas marami pang impormasyon sa patakaran ng Pagiging Pribado o Privacy.
Bakit ako tinanong ulit na ipasa ang pagpapatunay?
Kung gumamit ka ng bagong paraan ng pagbayad, kinakailangan mo itong patunayan. Iyong maiiwasan ang pagpapatunay ulit sa pagtuloy ng paggamit ng mga paraan ng pagbayad na iyong napatunayan na. Ngunit sa ibang pagkakataon, kapag ang mga tarheta at dokumento ng bangko ay malapit na magtapos, ang Binomo ay humihiling ng pagpapatunay muli.
Paminsan-minsan, nanghihingi ang Binomo sa mga kliyente nito na patunayan muli ang kanilang pagkakakilanlan, sulatronikong kinaroroonan, o iba pang personal na impormasyon. Ang pagpapatunay mula ay nangyayari pagkatapos ng pagpalit ng patakaran o parte ng anti-fraud na aktibidad ng kumpanya.
Bakit natanggihan ang aking mga dokumento?
Maaaring dahil hindi naatim ang mga kinakailangan sa mga nakalagay sa mga litrato. Tiyakin na ang apat na kanto ng mga dokumento na nagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan at paraan ng pagbayad ay nakikita at lahat ng nakasulat sa mga ito ay nababasa.
Lagi mong makikita ang subukan muli o “Try again” na opsyon sa pagpapatunay na pahina. Pindutin ito at iyong makikita ang pagpapaliwanag kung bakit ang iyong mga dokumento ay natanggihan.
Itama ang mga litrato nang naaayon sa mga komento at idagdag ito upang mapatunayan sa pamamagitan ng pagpindot sa bagong upload o “Upload new” na link.
Kung ang isa mga dokumento na iyong naipasa ay natanggihan, ibig sabihin, hindi ito mabasa nang tama ng sistema. Pindutin ang mga hindi natanggap na file at pindutin ang suporta ng contact o “Contact support”.
Ang sulatroniko ng kliyente ay magbubukas at makikita mo ang draft na nagpapaliwanag ng problema. Magpadala ng sulatroniko sa mga tauhan ng suporta, at ang isyu sa iyong pagpapatunay ay mareresolba.
Paano ko malalaman na matagumpay ang pagpapatunay?
Ang Tapos o Done na kalagayan ay mailalagay sa lahat ng iyong mga dokumento. May lalabas na abiso at magpapadala ng kumpirmasyon sa iyong sulatroniko.
Maaari ba ako magpatunay nang mas maaga?
Hindi kinakailangan dahil awtomatiko ang proseso ng pagpapatunay at higit sa lahat ay naipatupad kapag kukuha ka na ng pera mula sa account na Binomo. Huwag kang mag-alala, hindi mo makakaligtaan ang kahilingan na patunayan ang iyong pagkakakilanlan at paraan ng pagbayad. May lalabas na abiso at ang papipilian ng pagpapatunay ay lalabas upang mapayagan kang matapos ang proseso.
Konklusyon
Ang platapormang Binomo ay tuloy-tuloy na nagpapatunay sa mga account ng mga gumagamit nito, Ang pakay ng pagpapatunay ay ang maprotektahan ang iyong mga datos at pera mula sa mga mapanlinlang na mga aktibidad. Kasabay nito, hindi mo na kailangan pang maglaan ng maraming oras sa pagpapatunay.
Kahit napatunayan na ang iyong account sa Binomo, ang pakikipagkalakalan ay nauugnay pa rin sa panganib na mawala ang parte o lahat ng iyong mga naipundar. Sa kabila ng kahalagahan ng pagpapatunay, ang pakikipagkalakalan lamang at pagsasanay sa demonstrasyong account ang makatutulong upang mabawasan ang panganib na ito.



























