Ngayon, ang Binomo ay nagiging mas sikat sa India at sa iba pang mga bansa dahil sa serbisyo nito at iba’t-ibang mga regalo, kasama na rito ang mga libreng depositong bonus, kupon, at promo code. Ipagpatuloy ang pagbabasa sa artikulong ito upang malaman kung paano makakuha ng mga bonus sa Binomo at lahat ng tungkol sa mga tuntunin at kundisyon ng kanilang paggamit.
Ano ang Binomo deposit bonus?
Ang unang depositong bonus ay isang libreng panghihikayat para sa mga kliyente ng Binomo na handa nang lumipat mula sa isang demo account patungo sa isang totoong account. Sa loob ng 30 minuto pagkatapos ng pagparehistro sa plataporma ng Binomo, isang 25% na unang depositong bonus ang magagamit. Hindi ito nangangailangan ng kupon ngunit naisaaktibo sa pamamagitan ng pagpindot sa banner. Ang regalong ito ay isang paraan upang mabawasan ang panganib na mawala ang iyong pansimulang puhunan.
Ang mga bonus para sa mga susunod na mga deposito ay nakadepende sa kanilang laki. Kung mas malaki ang iyong puhunan sa plataporma ng Binomo, mas malaki ang magiging gantimpala. Ang uri ng account na mayroon ka ay nakakaapekto rin sa laki ng regalo: ang mga may hawak ng Standard na account ay makakakuha ng hanggang 100%, ang Gold ay makakakuha ng hanggang 150%, at ang VIP ay hanggang 200%.
Paano makakuha ng mga bonus?
Ang kailangan mong gawin upang makakuha ng bonus na deposito ay mamuhunan sa iyong account ng pangangalakal:
- Magpunta sa seksyong “Cashier” sa pamamagitan ng pagpindot ng “Deposit” na buton.
- Piliin ang iyong bansa mula sa dropdown na listahan.
- Pumili mula sa available na mga paraan ng pagbabayad, na kinabibilangan ng mga bank card, electronic wallet, at Internet banking.
- Ipasok ang halaga na nais mong idagdag sa iyong account.
- Piliin ang “Deposit bonus”, at ang kabuuang halaga ng puhunan ay otomatikong tataas.
Ang kailangan mo lang upang makakuha ng bonus na deposito ay ang mamuhunan sa iyong account ng pangangalakal:
- Magpunta sa seksyong “Cashier” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton na “Deposit”.
- Piliin ang iyong bansa mula sa dropdown na listahan.
- Pumili sa mga available na paraan ng pagbabayad, na kinabibilangan ng mga bank card, electronic wallet, at Internet banking.
- Ipasok ang halaga na nais mong idagdag sa iyong account.
- Piliin ang “Deposit bonus”, at ang kabuuang halaga ng puhunan ay otomatikong tataas.
Tandaan! Ikaw ay maaari ring gumamit ng kupon o promo code kasama ang bonus na deposito ng Binomo.
Paano magdagdag ng kupon?
Ang isang kupon o promo code mula sa Binomo ay makakatulong upang mas tumaas pa ang iyong potensyal sa pangangalakal. Ang paggamit nito ay napakasimple:
- Kasunod ng mga hakbang sa itaas, buksan ang seksyong “Cashier” at hanapin ang item na “Coupon bonus” na makikita sa ibaba mismo ng “Deposit bonus”.
- Kapag napindot mo na ang “Cupon”, maaari mo nang ipasok ang iyong Binomo bonus code.
Tandaan! Ayon sa mga tuntunin at kundisyon ng bonus ng Binomo, ang isang kupon ay isang regalong particular sa isang account, kaya naman ay hindi ka, halimbawa, makakadagdag ng isang VIP promo code sa isang Standard na account.
Mga libreng bonus para sa mga mangangalakal
Bilang karagdagan sa mga libreng depositong bonus at mga kupon, ang Binomo ay naghahanda ng iba pang mga regalo para sa kanyang mga kliyente:
- Cashback mula 5% hanggang 10% depende sa klase ng account (ibinigay sa kaso ng hindi produktibong linggo).
- Insurance sa pamumuhunan, walang panganib na pangangalakal, partisipasyon sa mga pribadong torneo na may mas pinalaking premyo, at mga indibidwal na mga alok mula sa isang personal na tagapamahala (para sa mga may hawak ng VIP na account).
Ang mga miyembro ng Prestige Club ay nakakatanggap ng lahat ng mga bonus sa itaas sa mas malaking halaga. Halimbawa, hanggang 5% ay idinadagdag buwan-buwan sa karaniwang lingguhang cashback.
Konklusyon
Ngayon, ang Binomo ay isa sa mga pinakahinahangad na plataporma ng pangangalakal sa India, at ang mga iba’t-ibang uri ng regalo ay may papel na ginagampanan doon. Ang mga depositong bonus at libreng mga kupon/code ay nakakatulong upang tumaas ang iyong potensyal sa pangangalakal. Gayunpaman, aming nirerekomenda na basahing mabuti ang ang mga tuntunin at kundisyon ng Binomo bago gumamit ng kahit anong bonus.
Kailangan mo ring mangalakal ng mabuti dahil may panganib na mawala ang iyong puhunan. Huwag magmadali sa pagdeposito ng pondo mula sa iyong bank card at gumamit ng mga bonus ng Binomo hanggang makumpleto mo ang pagsasanay sa isang demo account.











