Ang Bollinger Bands ay isang medyo simpleng kagamitan sa pangangalakal na malawakang ginagamit ng mga propesyonal at ng mga mangangalakal sa bahay. Isaalang-alang kung bakit ang mga ito ay napakapopular sa mga mangangalakal.
Ano ang mga Bollinger Bands?
Ang Bollinger Bands ay isang tagapagpahiwatig ng pangangalakal na nakakatulong sa mga namumuhunan na matukoy kung kailan papasok at aalis sa isang kalakalan. Ito ay madalas ginagamit ng mga mangangalakal sa plataporma ng Binomo sa kanilang mga diskarte sa pangangalakal.
Ang Bollinger Bands ay nakakatulong na matukoy ang sumusunod:
- Pagpapatuloy o pagbabaligtad ng isang uso.
- Mga zone na maaaring labagin habang tumataas ang pagkasumpungin ng merkado.
- Mga panahon ng pagsasama-sama ng merkado.
- Mga posibleng pagtaas at pagbaba.
- Mga potensyal na antas ng target (pagsasara ng mga presyo).
Gayunpaman, ang paggamit ng Bollinger Bands lamang para sa pangangalakal ay hindi isang panalong estratehiya, kundi isang mapanganib dahil ang tagapagpahiwatig ay nakapokus sa presyo at pagkasumpungin, binabalewala ang iba pang mga impormasyong kailangan para sa pagsusuri.
Mga antas ng suporta at resistensya
Ang tagapagpahiwatig ay nakakatulong sa pagsusuri kung paanong ang presyo ay matatagpuan na kaugnay sa isang normal na hanay ng pangangalakal. Ang Bollinger Bands ay gumagawa ng isang frame sa loob kung saan ang presyo ay kinukonsiderang normal.
Kung ikaw ay nakakakita ng uptrend, mahalagang maunawaan na balang araw ang paggalaw na ito ay aabot sa kanyang karurukan — ang antas ng Resistensya. Pagkatapos nito, ang uso ay magbabago, at ang presyo ay bababa.
Kung ang presyo ay gumagalaw pababa, pagkatapos ay biglang parang tumama sa isang harang at nag-umpisang gumalaw pataas, ito ay isang antas ng Suporta.
Kaya, kung ang presyo ay umaalis sa hanay ng pangangalakal — tumataas sa itaas na linya, o lumampas sa mas mababang linya — ito ay maaaring ituring bilang isang hudyat ng pangangalakal.
Estratehiyang pangangalakal Bollinger Bands na may suporta at resistensya
Isaalang-alang ang isang halimbawa ng estratehiya para sa mga layuning pang-edukasyon gamit ang Bollinger Bands.
Pangunahing setup:
- Tatlong pangunahing pares ng asset: EUR/USD, USD/CAD, at USD/JPY.
- 5 minutong Japanese candlestick chart.
- Pagtatakda ng Bollinger Bands (20,2).
- Oras ng pagkawalang-bisa na 15 minuto o higit pa.
Pagkatapos ng mga pagtatakda, ating titingnan ang tsart at tukuyin ang mga antas ng suporta at resistensya ng presyo. Ang mga antas na mahina at malakas ay dapat tumugma sa iba’t-ibang pagkakataon upang ang presyo ay bumalik kapag ang mga antas na ito ay nagalaw.
Kapag natukoy na namin ang mga antas ng suporta at resistensya, aming susuriin ang tsart at bubuksan ang isang kalakalan ayon sa sumusunod na formula:
UP Open = sisirain ng presyo ang mababang banda + ang kandila ay sasarado sa suporta
DOWN Open = sisirain ng presyo ang mataas na banda + ang kandila ay sasarado sa resistensya
Tandaan! Ang Binomo ay nagbibigay ng oportunidad na magsanay sa estratehiyang ito sa pangangalakal sa isang demo account ng libre.
Mga paraan ng pangangasiwa ng kapital
Ang pinakamahusay na paraan upang pangasiwaan ang kapital para sa estratehiyang ito ay ang magbukas ng isang kalakalan na may pare-parehong halaga. Ang kakayahang kumita ng kalakalan ng hanggang 80% ay magdadala ng magandang karagdagang kita.
Ito ay pinapakita ng maigi sa talahanayan:
| 100$ Kapital | Halaga | Kita (80% e.g.) | Pagkawala |
| 1 | 10$ | 8$ | – |
| 2 | 10$ | 8$ | – |
| 3 | 10$ | 8$ | – |
| 4 | 10$ | 8$ | – |
| 5 | 10$ | 8$ | – |
| 6 | 10$ | 8$ | – |
| 7 | 10$ | 8$ | – |
| 8 | 10$ | – | 10$ |
| 9 | 10$ | – | 10$ |
| 10 | 10$ | – | 10$ |
| Total | 100$ | 56$ | 30$ |
Kita = (56-30)/100 = 26% (7 kita – 3 pagkalugi)
Mga pangunahing tala tungkol sa estratehiya
Narito ang ilang mga tala na magbibigay-daan sa iyo na epektibong gumamit ng isang estratehiya sa pangangalakal sa pamamagitan ng Bollinger Bands:
- Hindi ka dapat nagbubukas ng mga kalakalan ng sunod-sunod
Ito ay isang estratehiya sa baligtad na kalakalan, kaya magbukas ng isang kalakalan sa isang pagkakataon. Ito ay kapag ang pulang kandila ay lumampas sa ibabang banda at umabot sa suporta. Pagkatapos ito ay nagsasara sa suporta, at ang isang bagong kandila ay lumalabas. Kung ang presyo ay patuloy sa pagbaba at ikaw ay nagbukas ng isa pang kalakalan sa oras na ito, mawawalan ka ng mga pondo.
- Pumili ng mga antas na malalakas
Maaari mong ganap na balewalain ang mga mahihinang antas kapag ang presyo ay tumawid sa mga banda at subukin ang mga antas. Ngunit kapag sinusubok ng presyo ang isang talagang malakas na antas, ikaw ay maaaring magbukas ng isang kalakalan sa sandaling iyon. Ang mga mahihinang antas ay matatagpuan sa loob ng mga banda. Ang mga iyon ay mas madaling lagpasan kaysa sa mga antas sa labas ng banda.
- Mangalakal kapag ang mga presyo ay may posibilidad na gumalaw patagilid
Ang estratehiyang ito ay nag-aalok ng hanggang 90% na rate kapag ang presyo ay patungo sa gilid. Gayunpaman, ang tagapagpahiwatig na ito ay maaaring bumagsak sa 40% kapag may isang uso.
Konklusyon
Ang Bollinger Bands ay isang mahusay na kagamitan para sa pagtukoy ng mga puntos ng pagpasok at paglabas ng kalakalan. Gayunpaman, pag walang paggamit ng iba pang paraan ng pagsusuri, ito ay maaari maging sanhi ng pagkalugi. At tandaan na walang 100% na panalong diskarte; ang lahat ay nakadepende sa iyong kaalaman at karanasan sa pangangalakal.












