Paano magrehistro ng account sa Binomo?

binomo registration Tutoryal

Ang Binomo ay isa sa mga pinakaginagamit na plataporma sa pakikipagkalakalan sa buong mundo na kilala sa 130 na bansa. Kung gusto mong sumali sa milyun-milyong gumagamit ng Binomo, kakailanganin mo munang gumawa ng ‘account.’ Sa seksyon ng rebyu, ating tutukuyin ang lahat ng detalye ng proseso ng pagpaparehistro sa ‘website’ ng Binomo at sa aplikasyon o ‘app.’ Magbasa upang malaman kung paano makasali at makapasok o mag-‘log in’ sa Binomo gamit ng iba’t ibang paraan.

Magrehistro gamit ng sulatroniko

binomo registration
Ang mga sumusunod ay ang sunud-sunod na hakbang kung paano bubuksan ang isang account sa Binomo gamit ng sulatroniko:

  1. Ilagay ang www.binomo.com sa web.
  2. Pindutin ang “Sign-in” sa kanang bahagi sa sulok sa itaas.
  3. Ilagay ang sulatronikong kinaroroonan at gumawa ng tiyak at ligtas na hudyat o password.
  4. Maingat na mamili ng siguradong tipo ng pera o currency na iyong gagamitin sa pakikipagkalakalan. Tandaan na hindi na ito puwedeng palitan pagkatapos magrehistro sa Binomo.
  5. Pag-aralan ang mga tuntunin ng serbisyo at lagyan ng marka ng tyek ang kahon kung ikaw ay sumasang-ayon. Huwag mong lampasan ang hakbang na ito dahil puwedeng mawala ang iyong account kapag ikaw ay sumuway sa mga palatuntunin.
  6. Pindutin ang gumawa ng account o “Create Account” at makakatanggap ka ng sulatroniko pagkatapos ng ilang sandali upang iyong kumpirmahin ang lokasyon ng iyong bahay. Sundan mo ang link sa loob nito upang makumpleto mo na ang proseso ng sign-up sa Binomo.

Puwede ka na ngayon pumasok sa account mo sa plataporma gamit ng iyong identipikasyong sulatroniko at magsimula ng pag-eensayo sa pakikipagkalakalan sa isang demonstrasyong account sa Binomo o di kaya’y puwedeng kang lumipat kaagad sa iyong totoong account.

Magrehistro gamit ng account sa Facebook

binomo account open
Puwede ka ring mag-sign up para sa Binomo gamit ng iyong account sa Facebook at ganito kung paano gawin iyon:

  1. Pagkatapos mong pindutin ang “Sign-in”, pindutin ang simbolo ng Facebook.
  2. Sa nagbukas na window, ilagay mo ang iyong sulatroniko at password upang mabuksan ang magkakaakibat na sosyal o social network.
  3. Pindutin ang “Login” at payagan ang platapormang ito na malaman ang iyong pangalan, sulatronikong kinaroroonan at litrato sa iyong profile.

Awtomatikong mapupunta ka sa Binomo at ang proseso ng pagpaparehistro ay makukumpleto.

Magrehistro gamit ng account sa Google

binomo sign up gmail
Mayroon din ang paggamit ng identipikasyon sa Gmail upang makapasok sa Binomo. Kailangan mo lamang sundin ang tatlong simpleng mga palatuntuning ito:

  1. Hanapin mo ang simbolo ng Google sa form ng pagpaparehistro at pindutin ito.
  2. Sa lalabas na pahina o pop-up window, ilagay ang sulatronikong kinaroroonan na konektado sa account at pindutin ang Susunod o “Next”.
  3. Ilagay ang ispesipikong hudyat o password at awtomatikong mapupunta ka sa account na demonstrasyon ng Binomo.

Puwede ka na kaagad pumasok sa pamamagitan ng pagpindot sa simbolo ng Google upang makapag-ensayo sa isang account na demonstrasyon ng Binomo o dimirekta na sa totoong pakikipagkalakalan.

Paano magrehistro sa platapormang iOS sa selpon ng Binomo?

binomo app registration
Puwede kang mag-download ng opisyal na aplikasyon ng Binomo mula sa tindahan ng app o App Store kung mayroon kang aparato na IOS. Ang software na selpon ay madaling aralin at nagbibigay ng ‘on the go’ o madaling pakikipagkalakalan.

Ang panel ng pagpaparehistro ay awtomatikong mabubuksan sa iyong unang pagbisita sa aplikasyon ng Binomo. Katulad lamang nito ang proseso sa bersyon ng web: ilagay lamang ang sulatroniko, pumili ng tipo ng pera o currency, basahin at pumayag sa mga tuntunin ng Binomo at pindutin ang “Sign-up”. Kung nakagawa ka na ng account sa website ng Binomo, pumasok ka na lang sa aplikasyon gamit ng iyong identipikasyon.

Paano magrehistro sa platapormang Android sa selpon ng Binomo?

binomo create account
Ang Binomo ay mayroon ding aplikasyon para sa mga gumagamit ng Android na puwede mong ma-i-download mula sa tindahan ng laro ng Google o Google Play Store, tindahan ng Galaxy o Galaxy Store, Apptoko, AppGallery, at Aptoide. Hindi ito nangangailangan ng mabilis na internet hindi katulad ng ibang mga website.

Upang makapasok sa platapormang Binomo gamit ng kahit na anong aparato na Android, sundan lamang ang mga simpleng hakbang sa itaas. Kung mayroong kahirapan sa proseso ng pagpaparehistro, puwede ka laging magsulat sa support@binomo.com.

Paano magrehistro sa bersyon na ‘web’ sa selpon sa Binomo?

sign up binomo
Ang besyon ng web sa selpon ay hindi aplikasyon o app. Maaari kang makipagkalakalan sa pamamagitan ng pagpasok sa plataporma gamit ng isang browser sa iyong selpon o tablet. Ang platapormang Binomo ay pumapayag na mamili ka kung saan plataporma ka makikipagkalakalan. Maaari mong gamitin ang bersyon na web o selpon o di kaya magpalipat-lipat sa dalawang ito. Upang makasali ka sa Binomo, kailangan mong ulitin ang mga hakbang na ipinaliwanag sa itaas: ilagay ang sulatroniko at hudyat o password, mamili ng tipo ng pera o currency at lagyan ng tsek ang kahon ng Kasunduan ng Kliyente o ‘Client Agreement’ at pindutin ang gumawa ng account o “Create an account”.

Mga madalas itanong (FAQ)

binomo faq
Ating suriin ang madalas na mga katanungan sa proseso ng pagpaparehistro ng mga bagong nakikipagkalakalan sa Binomo.

Maaari bang magrehistro ang mga kamag-anak sa site at makipagkalakalan mula sa katulad na aparato?

Ang mga miyembro ng katulad na tirahan ay kailangang gumawa ng iba’t ibang account upang makipagkalakalan sa Binomo. Ang platapormang ito ay dapat mabubuksan sa pamamagitan ng hiwalay na mga IP address at mga aparato.

Tandaan! Ang mga palatuntunin ng Binomo ay nagbabawal sa isang nakikipagkalakalan sa paglikha ng higit pa sa isa account.

Sa anong mga bansa hindi nagbibigay ng serbisyo ang Binomo

Ang mga gumagamit sa mga sumusunod na bansa ay hindi puwedeng gumawa ng account sa Binomo at hindi maaaring gumamit ng mga serbisyo ng platapormang pangkalakalang ito: Canada, North Korea, USA, Belarus, Australia, Belgium, Croatia, Bulgaria, Czech Republic, at iba pa. Ang kumpletong listahan ay narito sa talatang 10.2 ng Pinagsasang-ayunan ng Kliyente o Client Agreement ng Binomo.

Gusto magrehistro ng bagong account, ngunit laging napupunta sa luma

binomo close account
Bago gumawa ng panibagong account, kailangan harangan o i-block ang iyong kasalukuyang account. Kapag nagawa mo na ito, tska ka lang makakagawa ng bagong account nang walang nilalabag na palatuntunin sa Binomo.

Tandaan! Hindi mo puwedeng gamitin ang naharangan o na-block na sulatroniko upang sumali. Upang makagawa ng panibago, kailangan mong maglagay ng ibang sulatronikong kinaroroonan.

Bakit kailangan kong kumpirmahin ang sulatroniko?

binomo new account
Pagkatapos makumpleto ang pagpaparehistro sa website o aplikasyon ng Binomo, ikaw ay tatanungin na kumpirmahin ang iyong sulatroniko. Isipin mong hindi kinakailangan ang pagkumpirma ng sulatroniko kung di, para na rin ito sa iyong sariling benepisyo na rin:

  • Ang account ay ligtas mula sa mga hindi awtorisado na mga tao at mga manloloko. Dahil sa iyong napatunayang sulatronikong kinaroroonan, puwede kang lumapit sa pangkat ng suporta, alamin ang iyong ‘password’ at kahit na harangan o i-block ang iyong account.
  • Makakatangap ka palagi nang may eksklusibong material pang edukasyon, kasama na ang mga dalubhasa sa komentaryo, estratehiya, at mga tip sa pakikipagkalakalan.
  • Palagi kang magiging maalam sa mga promosyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga abiso tungkol sa mga kumpetisyon at bagong mga dagdag o bonus, kasama na ang mga kodigo ng promo.

Kumpirmasyon sa sulatroniko

Humigit-kumulang sa limang minuto mula nang makumpleto ang proseso ng pagpaparehistro ay magpapadala ang Binomo ng sulatroniko na may link upang mapatunayan ang sulatronikong kinaroroonan. Kung hindi ka pa nakakatanggap, magsabi sa tagapamahala na magdala ng panibago sa pamamagitan ng pagsusulat sa support@binomo.com. Gayunpaman, bago makipag-usap sa suporta, tignan muna ang iyong polder ng spam.

Paano makumpirma ang sulatroniko kung ito ay maling nailagay?

binomo change email
Kung aksidente mong nailagay ang maling identipikasyon ng sulatroniko noong ikaw ay sumasali pa lamang sa Binomo, pumunta ka sa seksyon ng “Profile”, magdagdag ng puwedeng sulatroniko upang mapalitan ang mali at pindutin ang kumpirmahin o “Confirm”.

Ang sistema ay agad-agad magpapadala ng kumpirmasyon sa sulatroniko sa iyong bagong sulatronikong kinaroroonan. Sa plataporma, makakakita ka ng isang abiso tungkol sa pagpapadala, at maaari ka rin humingi ng sulat muli kung hindi mo ito natanggap.

Rate article
Binomo traders club