Ang hugis parihaba na pattern ng presyo ay nakaayos sa isang paraan upang parehong matukoy ang suporta at resistensya. Sa paraang ito, ito ay makakapagbigay sa iyo ng kita sa isang maliit na bintana ng kalakalan. Ang gabay na ito ay tutulong sa iyo na makilala ang pattern at matuto rin kung paano ito ilapat ng perpekto habang nangangalakal sa Binomo.
Paano makilala ang hugis parihaba na pattern ng presyo?
Magsimula tayo sa flat na merkado, na karaniwang tinutukoy bilang ang ranging one. Dito, ang presyo ay gumagalaw paroo’t parito sa pagitan ng mas mataas na presyo at isang mas mababa. Ang isang mas mataas na antas ng presyo ay kilalang gumagawa ng resistensya, habang ang isang mas mababa ay nagbibigay ng suporta.
Ang suporta ay nangyayari kapag ang downtrend ay inaasahang tumigil dahil sa konsentrasyon ng demanda. Sa kabilang dako, ang resistensya ay lumalabas kung saan ang isang uptrend ay inaasahang masira nang panandalian sanhi ng konsentrasyon ng supply.
Ang suporta at resistensya ay parehong itinuturing na napakalakas kung kaya’t sa bawat oras na ang presyo ay umabot sa kanila, ito ay tatalbog pabalik nang hindi nababali.
Ang suporta at resistensya ay nabubuo sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga linya na parallel sa isa’t-isa. Ang linya ng suporta ay nalilikha sa pamamagitan ng pagsama-sama ng hindi bababa sa dalawang ibaba, habang ang antas ng resistensya ay nabubuo sa pamamagitan ng pagdugtong ng hindi bababa sa dalawang tuktok. Ang isang halimbawa ng tsart ay makikita sa imahe sa ibaba.
Kaya, ang pagsasama-sama ng presyo ay maaari lamang makita sa tuktok ng pataas na uso or sa ilalim ng isang pababa. At ibig sabihin nito na ang direksyon kung saan tumutungo ang uso ay tapos na, at handa na itong bumalik. Kapag ang merkado ay nasa puntong ito, ang mga presyo ay hindi lalampas o babagsak sa ilalim ng tiyak na threshold.
Ano ang gagawin kung ang pattern ay lumabas?
Karaniwan, palaging diretsong mapansin ang parihabang pattern ng presyo kapag ito ay nangyayari. Kailangan mong mag-umpisang gumuhit ng mga linya ng suporta at resistensya. Pagkatapos ay magbantay kung kailang ang presyo ay tumama sa mga antas.
Kapag ang presyo ay tumama sa linya ng suporta, ito ay senyales ng pagbukas ng isang posisyon sa pagbili. Sa kabilang banda, kapag ito ay tumama sa linya ng resistensya, dapat kang magbukas ng posisyon ng pagbenta.
Nirerekomenda ang paggamit ng isang malaking time frame chart para sa mga short-term na kalakalan. Halimbawa, kung ikaw ay gumagamit ng isang 30 minuto na trading chart, maaari kang magbukas ng isang 5-minutong kalakalan. Sa ganitong paraan, ikaw ay nakakasiguro na ang presyo ay mananatili sa loob ng parihabang bloke at hindi tumalbog pabalik bago mawalan ng bisa ang kalakalan.
Ano ang dapat gawin kapag nalampasan ng presyo ang suporta at resistensya?
Kailangan mong laging tumingin sa direksyon kung saan ang presyo ay patungo at mangalakal nang naaayon. Sa mga kaso kung saan ito ay sumisira sa antas ng resistensya, lagi mong kailangang pumasok sa pagbiling posisyon, sapagkat ang uso ay umuunlad ng paitass.
Kapag ang momentum ng presyo ay nadagdagan ng lakas, sisirain ng presyo ang antas. Ang pagmamasid sa mga senyales ay klarong magpapakita sa iyo kung kailan ang harang ay masisira. Halimbawa, sa tsart sa itaas, maaaring mapansin mo na ang mga kandila ay kapareho ng kulay at nagiging mas mahaba kapag gumagalaw patungo sa pagsira ng linya ng resistensya. Samakatuwid, makakasigurado kang ang presyo ay patuloy na gagalaw patungo sa direksyon ng breakout.
Konklusyon
Ngayon alam mo na kung paano mangalakal ayon sa parihabang pattern ng presyo. Gayunpaman, laging maging mapagmasid, sapagkat ang estratehiyang ito, gaya ng iba pa, ay hindi 100% na matagumpay. Ang pag-aaral at pagsasanay lamang ang maaaring makabawas sa panganib na mawalan ng kapital. Pinapayo na magsanay sa Binomo demo account bago lumipat sa isang tunay.












